Intensifying Visions

1309 Words
It was already evening. Nasa veranda ng silid niya si Jazz at nakatanaw sa kadiliman. She was contemplating about her conversation with Justin earlier. Whether she'll stay longer or not. Nahahati siya sa kagustuhang manatili pa at sa katotohanang mali ang ginagawa nila. She still wants to stay because she still wants to be as close to Justin as this na hindi na mangyayari once bumalik na siya ng Manila. Bukod pa sa talagang nag-eenjoy syang makasama ang parents nito lalo na ang mama ng binata. It's as if she's spending time with her mom, too. After nilang kumain ng lunch ay nagyaya pa itong mamasyal and the whole time na namamasyal sila, ang mama ni Justin ang lagi niyang kadikit. Kung pagmamasdan sila pa nga ang napapagkamalang mag-ina. One of the staff of the boutique they visited even said that they resemble kaya akala nila ay sila ang mag-ina. Pero mas ikinapula ng mukha niya nang sabihin nitong she's her daughter-in-law. Iilang araw pa lang sya dito pero feeling niya mamimiss na niya agad ang lugar na ito, as well as Justin's mom. Naisip niya, siguro kung buhay pa ang mama niya baka ganito or mas higit pa ang closeness nila. She suddenly felt that longing. Unti-unting pumatak ang mga luha niya. Totoo yung mga sinabi niya na sa tuwing mapapag-usapan nilang magkakapatid ang tungkol sa parents nila ay halos wala siyang lungkot na nararamdaman. Pero bakit nagiging emotional siya ngayon dahil lang naisip niya yung mga possibilities kung kasama lang niya ito. Sumandal siya sa gilid ng veranda at pinahid ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. Pero hindi iyon tumigil. Bagkus ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya hanggang sa naging hagulgol na iyon. She tried to stop crying pero hindi niya iyon mapigilan. Tila siya nauupos na kandila na napaupo na lamang siya sa sahig habang patuloy pa din ang paghagulgol. Di na siya magtataka kung magising ang mga tao sa kabahayan na yun dahil sa lakas ng pag-iyak niya. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata niya upang pigilan ang pag-iyak pero dahil duon ay tila siya hinigop ng kanyang diwa sa kung saan. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan na siya ng isang madilim na kalsada at malakas ang ulan. Ngunit kahit malakas ang buhos ng ulan ay hindi siya nakakaramdam ng lamig o pagkabasa man lang. Luminga-linga siya sa paligid pero wala siyang nakitang kahit na anong bakas ng may buhay. Tila iyon isang kurbada at walang ni isang poste ng ilaw upang magsilbing liwanag man lang sa lugar na iyon. Tanging mga puno lamang ang nanduduon na kung pagmamasdan ay tila mga malalaking nilalang na kumakaway dahil sa malakas na hampas ng hanging dulot ng malakas na ulan. Ilang sandali pa ay tila may liwanag na sumisilip sa kaliwang bahagi ng kalsada. Halos katapat na niya iyon. Natanaw niya ang isang lalaking may akay-akay na motor. Bukas ang hazard lights nun kaya naman nagkaroon ng konting liwanag sa lugar na iyon. Sa likuran ay kita niyang may kasunod itong babae na may hawak na helmet. Mukhang sa gitna ng malakas na ulan ay nasiraan sila kaya naman akay ng lalaki ang motor. Sinubukan niyang tawagin ang mga ito upang sana ay itanong kung nasaan silang lugar ngunit dahil sa sobrang lakas ng ulan ay mukhang hindi siya naririnig ng mga ito. Malayo-layo ang distansya ng lalaki sa babae marahil ay nagmamadali ding makakita ng lugar na maaaring masilungan para matingnan ang sira ng motor nila. Tatawid na lamang sana siya upang siya na lamang sana ang lumapit sa mga ito ng biglang may humintong itim na kotse sa bandang likuran ng babae at may bumabang tao. May kung anong inihampas ito sa likuran ng babae kaya ito biglang natumba at agad na sinalo ng taong iyon at mabilis na isinakay sa kotse. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi malaman ni Jazz kung paano magrereact. Sumigaw siya at alam niyang malakas ang sigaw niya pero tila hindi siya naririnig ng lalaking may akay ng motor. Derederetso lang ito sa paglalakad na walang nalalaman sa mga nangyari. At kahit gusto niyang tumakbo papalapit dito ay tila ipinako naman ang mga paa niya mula sa kinatatayuan niya. She was losing hope and strenght. Pakiramdam niya ay napapaos na siya sa kakasigaw pero ni hindi man lang siya nilingon ng lalaking may motor na patuloy lang sa paglalakad palayo sa kanya. Nararamdaman niya ang panglalambot at anumang oras ay sigurado siyang babagsak na siya sa lupa ngunit narinig niya ang nag-aalalang tinig ni Justin. Tinatawag siya. Nilingon niya ang paligid pero hindi niya ito makita. 'Nasaan ka?' Alam niyang binigkas niya ang mga salitang iyon pero tila sa isipan niya lamang iyon narinig. Inilinga-linga niya ang ulo upang hanapin ito pero kadiliman lang ng nakikita niya. Maging ang kalsada, mga puno at ang lalaking may motor na kanina lang ay natatanaw pa niya ay tila naglahong lahat at walang katapusang kadiliman na lamang ang natatanaw niya. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata upang kahit papaano ay baka may makita siyang kahit kaunting aninag nang liwanag kapag iminulat na niya ang kanyang mga mata. Nang imulat niya ang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Justin ang bumungad sa kanya. She looked around and realized that the darkness was gone and that she's sitting on the floor of the veranda. She touched her face and felt that it was wet with tears. When she hugged herself, she felt that she was dry and was not wet by the rain. She was confused. What just happened? "Jazz, what happened? I saw you sitting on the floor and crying hysterically. I was calling you but you didn't budge. You just continue crying." Nasa boses nito ang pag-alala at pagtataka. Sinubukan niyang tumayo pero tila gulaman ang mga binti niya sa lambot, ni hindi niya magawang ituon man lang ang mga paa niya dahil babagsak siya. Napansin naman iyon ng binata kaya walang sabi-sabing binuhat siya nito. Ni hindi niya magawang tumanggi dahil ramdam niyang hindi talaga niya kaya. It felt like all of her strenght was gone. Ipinasok siya ng binata sa silid at ibinaba sa kama. Tumalikod ito at nagtungo sa mini ref upang kumuha ng tubig at isinalin sa baso. Lumapit ito sa kanya at ibinigay sa kanya ang tubig. Agad naman niya itong inabot at ininom. Uhaw na uhaw siya. Daig pa niya ang nabilad sa gitna ng arawan sa sobrang uhaw. Mabilis niyang naubos ang isang basong tubig. Pinagmasdan ng binata ang dalaga. Tila ito hapung-hapo na akala mo ay naglakbay sa malayong lugar. He was in his room and was trying to fall asleep when he suddenly felt thirsty. Bumangon siya upang uminom ng tubig. Ang mini ref niya ay katabi lamang ng pinto ng veranda na nagkokonekta sa kabilang silid na siyang tinutuluyan ng dalaga. Papalapit pa lamang siya sa mini ref nang makarinig siya ng taong umiiyak. Sumilip siya sa sliding glass door at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa isang tabi at umiiyak. Kaagad niya itong nilapitan pero tila hindi siya nito napansin. Patuloy lang ito sa pag-iyak. When he tried calling her nakita niyang lumingon-lingon ito sa paligid pero parang hindi siya nakikita nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inalog-alog ito. Nakita niyang pumikit ito at muling nagmulat. When she looked at him, confusion was all over her face. She looked around and he felt her sigh of relief. He didn't know what was happening to her but at the back of his mind, what happened to her felt familiar. It's as if he also witnessed the same thing from somewhere with someone else. Umupo siya sa tabi ng dalaga at hinawakan ang isang kamay nito. "Jazz, can you tell me what happened? Bakit nasa veranda ka at umiiyak?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD