"Kaya pala nung magkkta kami nagulat din siya ng makita niya na magkamukha kami." Sabi sa kanila. "Nagkita na kayo?" Tanong ni mommy sa akin. Tumango ako. "Siya ang babae na tumulak sa akin nung may gustong bumaril sa akin sa mall." Sabi ko kay mommy. Pinakilala kami ni tatay sa kanya. Nanghingi ng tawad si tatay kay mommy. Magsasalita pa sana si mommy ng marinig namin ang boses ni Tita. Napalingon kami sa kanila. "Magaling, Magaling." Sabi ni Tita. "Ang ganda niyo panoorin." Sabi nito. 'Sulitin niyo na dahil mamaya magpapaalam na kayong lahat. " Sabi nito sa amin. Saka tumawa ito ng tumawa. Naikuyom ko ang kamao ko. " Bakit mo ito ginagawa Vallary? Tinuring kitang kapatid. " Sabi ni mommy. " Dahil swapang ka. Lahat na lang kinuha mo. Kinuha mo na nga ang pagmamahal ni Pa

