***KANE POV#*** Nagtataka ako kung bakit marunong ako ng mga laro na yun. Parang alam na alam ko ang mga gagawin at nahuhulaan ko ang mga hawak nila. "Pano mo natutunan ang mga laro na yun?" Tanong sa akin ni Hendrix. " Actually hindi ko din alam. Pinanood ko lang sila tapos yun na. Parang nahuhulaan ko ang hawak nilang baraha." Sabi ko na lang sa kanya. "Ang galing mo ah. Hindi ko alam na fast learner ka pala." Sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Kumain muna kami sa isang restaurant bago niya ako hinatid. Kinabukasan. Maaga pa nasa Boutique ako. Doon ako nagpahatid kay Hendrix. Meron kasi akong client na darating ngayong araw na ito. Katatapos lang namin magusap ng client ko ng tumawag sa akin si Tita. isinugod daw sa ospital si Mommy. Kaya agad na nagpaalam ako sa secret

