Hawak ni Kaius ang kamay ko naglakad kami palabas ng iskinita. Pagdating sa labas pumara ito ng tricycle. Nagpahatid siya sa kanto Pagdating namin dun. pumara siya ng isang taxi. Huminto ito sa isang building. Bumaba siya umikot siya papunta sa side ko saka binuksan ang pintuan. Lumabas ako binayaran niya ang driver saka hinawakan niya ang kamay ko. Pumasok kami sa loob bumati sa kanya ang guard. Dumeretso kami sa elevator. May pinindot siya. Paglabas namin nakita ko ang isang pintuan pumasok kami dito. Nagulat ako parang bahay ito. Nilibot ko ang paningin ko. "Kanino kaya ito bahay?" Tanong ko sa isip ko. "Magpahinga ka na. Alam ko na napagod ka sa nangyari." Sabi niya saka binuksan ang isang silid. Pumasok ako sa loob. "Kung may kailangan ka nandito lang ako sa kabila." Sabi niya sa

