Tahimik lang siya ng mga sandaling iyon habang kakatapos lang nila na maligo at si Levi ay tila nagmamadaling umalis dahil mabilis itong nakapag bihis. "Mauuna ka na bang lalabas?" "Oo, saka alam mo naman na busy ako lagi. Ang pagkikita natin ay laging sandali lang diba?" Tinignan lang niya si Levi habang nagsusuot ito ng itim nitong leather shoes. "Levi, baka naman puwede tayo umalis muli? Gaya nung pagpunta natin dati sa Singapore?" Nilakasan niya ang loob na sabihin iyon kay Levi dahil gusto niya makasama ito kahit sa dalawang araw man lang. Agad na tinignan siya ni Levi habang nakaupo ito sa couch at medyo nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit?" "Wa-wala naman. Kasi para naman makapasyal tayong muli." Pagdadahilan niya. Pero ang totoo gusto niya ng nakakasama ang lalaki

