CHAPTER 12

2151 Words
Chapter 12: Nicolle and Kenji Moment   Mabilis na narating ang dalawa sa hospital. Di alam ni Kenji kung anong nangyari pero nag-aalala siya. Hindi niya alam kung bakit pero may kutob siya na ---'Hindi! Hindi pwede!'     "What happened to her? How come that she's pregnant?" tanong ng binata ng makalapit sila sa mga kaibigan nito. Kahit nagulat sila na makasama si Dee at Kenji ay di na sila nag atubiling mag tanong. Lahat sila ay naguguluhan at naaawa para sa sitwasyon ni Nicolle. Di sumagot ang mga kaibigan nito at pumasok sila sa loob kung saan naka confined si Nicolle. Blanko lang ang mukha nito na nakatingala sa kisame. Hindi niya maramdaman ang paligid niya.     Hinawakan ni Kenji ang kamay ni Nicolle. Tiningnan siya ni Nicolle at ng makita ng dalaga si Kenji sa gilid niya ay dun lang nag uunahang tumulo ang mga luha niya. Kanina niya pa pinipigilan ang luha sa mata niya. Sobrang sakit para sa kaniya ang nangyari. Masakit ang makunan pero mas masakit na hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na malaman na buntis siya. Nanghihina siya dahil sa nangyari. Sobrang bilis, hindi niya inaasahang may sangol na pala sa sinapupunan niya at hinayaan niya lang itong mawala dahil sa kamangmangan niya.     "Sssshhhh. Stop crying! What happened?" tanong ni Kenji at tinulak bahagya si Nicolle sa pagkakayakap nito sa kaniya. Tiningnan naman ni Nicolle si Jk na kakapasok lang sa loob ng kwarto.     "Jilton." bigkas ni Dee. Tumingin si Jilton kay Dee at binaling ang tingin sa babaeng nakahiga sa kama na puti lahat ang suot.     Bigla namang nag sisisigaw si Nicolle. Pinigilan siya ni Kenji pero parang baliw si Nicolle dahil tinulak tulak niya si Kenji. Tumawag sila ng doctor para makalmahin ang dalaga. Takot at Galit. Sa bawat sigaw ng dalaga mararamdaman mo ang galit at takot sa boses niya habang sinisigaw ang 'Demonyo ka! Pinatay mo ang anak ko. Kenji pinatay niya ang anak natin! Paalisin mo siya! Paalisin mo siya!'       Tumahan ang dalaga at nakatulog dahil sa tinurok ng doctor sa kanya. Sinabi ng doctor na baka na trauma ang dalaga dahil sa nangyari sa kaniya. Pagkaalis na pagkaalis ng doctor ay sinuntok ni Kenji si Jilton. Dali-dali namang pinigilan nang mga kasama ni Kenji na lalapitan pa sana ang binata.     "You killed my child!" galit na wika ni Kenji. Gusto niyang sipa-sipain at bugbugin ang binatang sinuntok niya. Kahit malaking tanong sa kaniya na siya ang ama ng dinadala nito. Sobrang sakit sa binata ang pagkawala ng bata sa sinapupunan ng babaeng to. Alam niya. Alam niya na anak niya to dahil may nangyari na naman sa kanila ni Nicolle. Sa pangalawang pagkakataon ay nabigo siyang maging ama. Nabigo na naman siyang protektahan ang anak niya.   Tinitigan niya nang masama ang binata katabi si Dee, katabi ang babaeng pinangakuan niya at sinabihan niyang nang mahal niya. Naiinis siya pero mas naiinis siya sa sarili niya. Kakasabi niya nga lang kay Dee na mahal niya ito pero heto siya at pinagtatanggol ang nararamdaman nang babaeng nabuntis niya.     "Umalis ka na muna Jk." kalmado pero halatang may pagbabantang sabi ng binatang si Lex. Lumabas ng silid si Jilton at sumama naman si Dee sa kanya. Kahit papano nakaramdam din naman ng guilt si Jilton pero di rin naman siya masisisi. Hindi niya mahal ang babaeng ‘yun pero kahit ganun naaawa pa rin siya.       "Pare, paano nangyari? ‘Di ba hindi naman kayo?" naguguluhan na sabi ni Jigs. Lahat sila ay nakatingin lang sa dalagang mahimbing na natutulog sa kama ng hospital. Kahit ang tatlong kaibigan ni Dee ay di makapaniwala. Umiling iling si Kenji. Kahit siya di niya aakalaing mabubuntis niya ito. Wala namang sinabi ang dalaga tungkol sa pagdadalang tao nito. Tulad nga sa sabi ng dalaga... Wala rin itong alam. Siguro nga di pa ngayon ang tamang panahon para sa dalaga na maging ina.     'Si Dolly kaya? Paano niya nakayanan ang mga panahong nawala ang anak namin? Tulad rin kaya siya Nicolle? Parehas din ba sila ng nararamdaman ng mawala ang anak namin?' Napaisip si Kenji.   Lumapit si Hermes kay Kenji at sumunod naman ang dalawang kaibigan niya dito. Tiningnan nila ito nang masama. Magsasalita na sana ang binata nang isang malutong na sampal ang lumanding sa mukha niya.     "Akala ko ba di niyo ‘yun sinasadya ha?! Ha! Bakit naulit na naman!? At talagang sinigurado mo ng mabubuntis mo na siya! Bakit? Dahil ba sa iniisip mo na wala na si Dolly kaya gusto mo nalang na may palipas oras at paglalaruan ka kaya sinaktan mo rin ang babaeng ‘to? You ruined everything! I can't believe this!!! Nakakabaliw. Kaya ayaw ko sa mga lalaki eh!" sigaw ni Hermes habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila.     "Mga lalaking mapupusok! Ano ‘to? Pagkatapos mong sabihing mahal na mahal mo si Dolly tapos heto ka at nakatayo sa babaeng binuntis mo?! Anong kalokohan to Kenji? Di ka namin maintindihan eh!!" Patuloy ni Hermes at tumalikod sa kanya. Nanatiling tahimik ang binata. Totoo nga, hindi niya aakalaing mabubuntis niya ito pero sigurado siya sa nararamdaman niya sa dalaga. Mahal niya si Dee at hindi mababago ng katutuhanang may nabuntis siya sa nararamdaman niya ngayon.     "Yeah! We thought that you still love her kaya were helping you pa naman para mag kalapit kayo! But you prove us wrong! You cheater! You Liar!" galit na wika ni Channel. Kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang matagal nang bumaha nang dugo sa kwarto nila.     Hindi nakasagot ang binata. Totoong may nangyari sa kanila ni Nicolle at hindi niya sasabihing hindi nila ito sinadya dahil alam naman nila pareho ang ginawa nila. Pero hindi niya pa alam na buhay si Dee sa mga oras na ‘yun dahil kung alam niya hindi mangyayari ang bagay na ‘yun.       "Let's go girls." ’yun lang at umalis na ang tatlong dalaga. Napaupo si Kenji sa harap ni Nicolle. 'Dalawang babae na Kenji! Sino ba talaga sayo ang mas mahalaga?!' Sinabunutan niya ang buhok niya sa inis. Alam niya sa sarili niya kung sino ang mas mahal niya pero naguguluhan siya. Naaawa siya kay Nicolle. Pakiramdam niya ay may responsibilidad siya para sa dalaga.     "I saw her with Jk. He kissed Jk that's why he pushed Nicolle. She's inlove with that bastard, Kenji. Naaawa na ako sa kaniya." wika ni Lex. Bukod kay Dee ay si Nicolle lang ang babaeng nagustohan niya. Ngunit alam niya sa sarili niyang hanggang gusto na lamang siya at hindi niya ito kaya pang mahalin.   Nakaramdam siya nang awa kay Nicolle. Mula pa noon alam niyang ‘yun ang nararamdaman niya sa dalaga kaya rin siguro mas napalapit siya rito. May mga pagkakataon ring nakikita niya ang sarili niya sa dalaga. ‘Kung alam mo lang kung gaano ka kaperpekto Nicolle ay hindi ka magkakaganito.’       "Apple? Orange? Mango?" Kanina pa kinukulit ni Jigs si Nicolle na kumain pero di pa rin ito kumakain mula ng nagkamalay ito.       "Jigs, umalis ka muna." tiningnan ng binata si Kenji bago nilagay ang prutas sa tabi nito. Lumabas ang binata at mahabang katahimikan ang nangibabaw sa dalawa. Gusto niyang kausapin ang dalaga dahil sa mga nangyari kinakailangan nilang mag-usap nang masinsinan.       "Why did you do that? Why did you kiss him?! Look! He's--"     "Bakit ba di niya ako makuhang mahalin?" singit nang dalaga, “Ano bang kulang sa ‘kin Kenj?” tiningnan siya ni Nicolle. Ang mga mata nito ay may luhang nagbabadyang tumulo pero pinigilan niya.   "Nic--"     "Kenj, stop it! ‘Wag mo muna akong sermonan! Oo na! Alam ko na! Mali ako! Maling mali ako!" sabi ng dalaga at nagsimula ng umiyak. Lumapit si Kenji sa kaniya at niyakap ito.     "I love him! I love him so much! I can be better than Dolly o Dee o kahit sino paman! I'm better than all of this Kenj!--" iyak nang dalaga. "--No one loves me! Everyone hates me!"   "It's not true Nic. I'm here!" sabi ng binata pero parang walang narinig ang dalaga.   "I'm better than her! I'm better than her! I'm better than her!--" paulit-ulit niyang sinabi, "--Mahirap ba akong mahalin? Ginawa ko na lahat Kenj! But--but it's still not enough! It's not enough! I'm not enough!!--" niyakap siya nang binata, "--You know what Kenj?! Nothing hurts more than trying so hard to be good enough and being replaced by someone better!” humarap siya sa binata, "--I had enough Kenj! I wanna die! Die! Die! Die!" sigaw nito habang nagsisimula na namang mawala. Inuntog untog niya ang ulo niya sa likod niya na simento. Para siyang nababaliw pero pinipigilan siya ni Kenji habang tinatawag ang doctor.       "Ako dapat ‘yun eh! Ako dapat ang kasama ni J! Ako dapat pakakasalan niya! Ako dapat ang mahal niya! Ako dapat! Ako dapat! Wala ng natira sa akin Kenj! Help me! Help me! Wala na si J pati rin ang anak ko! Wala na siya! Wala na sila! Ako nalang mag isa Kenj! Help me Kenj!" hagolgol ng dalaga. Naawa ang binata sa kanya nakikita. Di siya sanay na ganito ang pinapakita ni Nicolle. Tila wala na ito sa katinuan dahil sa kakasigaw nito.       "Ssshh. I'm here. I'm here." bulong nito sa dalaga habang yakap niya ito pero tinulak tulak lang siya ni Nicolle.     "NO! Iiwan mo rin ako! Pinatay ko ang baby natin! Pinatay ko ang anak ko! Pinatay ko siya! Iiwan niyo rin ako lahat. Wala ng matitira sa akin! Wala na! Wala na! Wal--" dun lang napagtatnto ni Kenji na nakapasok na pala ang doctor at tinusukan na siya ng pampakalma. Nawalan ng malay ang dalaga na may luha sa kanya mata. Naawa siya rito dahil sa iniisip nito sa sarili niya.     Napatingin si Kenji sa likod niya. Andito ang mga kaibigan niya, pati sila Hermes ay nandito. Tiningnan nila si Nicolle na parang naaawa. Naawa sa kalagayan niya ngayon. Sinisisi ni Kenji ang sarili niya. Hindi sana sila magiging ganito kung nag pigil lang siya.       * Nicolle POV **   Naalimpungahan ako dahil sa sinag ng araw. Tiningnan ko ang lalaking nakaupo habang ang ulo niya ay nasa kama ko at hawak ang kamay ko. Si Kenji. Hinawakan ko ang buhok niya habang tinitingnan siyang natutulog. Ano kayang magiging itsura ng anak namin kung nagkataon? ‘Yung pakiramdam na walang wala. I feel like I’m a computer without a keyboard.     Tumingala ako para pigilan ang luha sa mata ko. Ba't ang lupit ng mundo? Bakit nila pinagkakait ang pagkakataon kung may makasama? Tinitigan ko si Kenji. Ikaw Kenj? Hanggang kelan ka mananatili sa tabi ko? Hanggang kelan mo ako kayang alagaan? Hanggang kelan ko to mararamdaman na di ako mag isa? Gusto kong umalis at tumakas sa lugar na ‘to.     Gusto ko lang naman mahalin ako ni J eh. Kahit si J nalang. Si J lang ang kailangan ko. Ghed! Nakita ko ang isang rose na may nakalagay na papel sa lamesa ko. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. 'I'm very sorry. Sorry for your lost. From: J' Napangiti ako. Alam kung magiging masama akong ina kung sasabihin ko to pero mas gugustohin kung magkaanak kung si J ang ama. Siguro kung nalaman ko ng mas maagang buntis ako, di ko ‘yun matatanggap dahil hindi si J ang ama.     Napangisi ako. Ang sama ko talaga kaya wala ng natira sa akin. Kaya kinuha na rin ang baby ko dahil alam ng diyos na di ko ‘yun matatanggap. Ang sama sama ko. Tumulo ang luha ko. Wala ng natira sa akin. Wala na. I smelled the piece of flower. Gusto ko sanang tanggalin ang petals at mag 'He loves me? He love's me not!' Haha. Baliw na talaga ako. Why would I destroy this perfectly arranged petals of a flower when I already knew that HE LOVES ME NOT?     Pathetic Nicolle! .     "Are you okay?" he asked.   I looked at him flatly. "I'm okay. I've never felt any better in life." bulong ko.     He just looked at me with pity on his eyes. I hate this feeling. Ayaw ko ng kinakaawaan ako. Ayoko ng ganito. Umiwas ako ng tingin.     "Water." sabi ko. Binigyan niya naman ako ng tubig at umupo ulit.     "Kenj, Am I ugly? Pangit ba ako, huh?" malungkot na tanong ko. Ngumiti lang siya. "Nagpapaganda naman ako lagi para magandahan kayo sa akin, pero kulang parin. Ganun ba talaga ako ka pangit, huh?" tuloy ko.     "Nic, sometimes people are beautiful. Not in looks. Not in what they say. Just in what they are." tiningnan ko lang siya. Anong ibig niyang sabihin?   Tumayo ako at nag lakad papasok sa C.R.   "Anong gagawin mo?" natatarantang tanong niya. Tss. Heto na naman kami sa katangahang tanong. "Mag bre-breakfast sa loob ng C.R! Gusto mo?!" sarkastikong sagot at inirapan siya. Narinig ko naman siyang tumawa bago ako pumasok. Sira talaga ‘yun. Sinira na nga ang pag e-mote ko, wala pang sense kausap.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD