CHAPTER 40 - A ** THIRD PERSON POINT OF VIEW** Nakarating si Hermes, Gucci, Channel at Nicolle sa labas nang kagubatan. Nagtaka sila kung bakit wala man lang maski isa ang sumunod sa kanila. Baka may kung anong nag aabang sa kanila sa unahan? Ngunit narating nila ang hantungan na maski isang kalaban ay hindi nila nakita. Nasa gilid sila nang maingay na kalsada. Lumabas sila mula sa damuhan at nakita nila ang makukulay na ilaw sa kalsada. Gabi na at may ilaw na ang bawat poste at may mga nambubusina pa na mgasasakyanan. Pamilyar sa kanila ang lugar lalo na at may isang bar pa sa gilid nila. Sa tingin nila ay hindi lang ito ordinaryong bar. Nag lakad sila at naghanap nang telepono para matawagan nila si Lex. "Hindi tayo matutulungan nang mga pulis. We need the Mafia." sabi ni Nicoll

