CHAPTER 15

2223 Words
---------------------- CHAPTER 15   I breath heavily when I realized Kentaro too close, his hand was in his pocket, his face was very close to mine. His peircing metal eyes said he's now pissed.   Tinulak niya ako kaya napahiga ako sa kama ng kwarto.   Heto ulit ako. Dahil sa katangahan ko ay hindi na naman ako nakapag-isip ng tama kaya nga rin napunta ako sa sitwasyon na ‘to. Pinairal ko na naman ang katangahan ko kesa paandarin ang neurons sa utak ko. Parang kailan lang ng mabihag ako ng grupo ni Raul tapos heto na naman ako ngayon sa ibang grupo. Kailan ba ako magtatanda?   Kanina lang nasa party lang kami kung saan nag pa-plano ang pamilya ko sa mga transaksyon nila. Actually, it's a welcome party for my big couzin Akira. I never expect that Kentaro was also back! Darn! I'm not inform about this!   If your asking me who the hell is Kentaro, well, I don't know either! Isa siya sa mga nakalaban namin last year sa Japan na natalo ko. Jesus! It's been a year ago for Christ sake and this ugly sh*t can't move on! Crap! Now, What should I do? What should I do? Think Dee! Think!   Maybe this ugly mushroom will take his oh-so-sweet-revenge! Arrrrggg. Hindi niya ba kilala ang babaeng nasa harap niya? Hindi niya ba ako kilala? Damn sh*t! Now, How could I escape in this....... oh? Hotel? This Kentaro was so stupid! How could this sh*t kidnapped me and brought me here in the hotel. Kung di ako nagkakamali ay isa itong mamahalin na hotel. Tss! Idiot!   Kung alam ko lang na sa isang Hotel lang sa Pilipinas ang hide out ng tanga na to sana di ko na sila sinundan. I saw Kentaro in the party that's why I followed him but unfortunately, imbis na sila ang sundan ko eh ako ang nasundan nila. At ngayon imbis na siya ang bihag ko, ako na ang naging bihag niya! Gusto kung sabunutan ang sarili ko sa katangahan ko! *clap-clap* Ako na! Ako na talaga!   "Shigoto de kimash*ta ka?" (Are you here on business?) tanong ko. Kung di ako nag kakamali ay galing si Kentaro sa mayamang angkan. Di ko lang alam kung sino at kung ano ang negosyo nila dito sa Pilipinas. Talagang wala akong alam sa kaniya. Bakit ko naman kikilalanin ang di kasali sa listahan ko?! Sayang lang sa oras. Pero bakit ko ba siya sinundan? Well, I’m just curious.   "Lie." (No.) he answered flatly. I glared to him. So, kung hindi business, ano?? Sana na lang pala ay hindi ko na lang siya sinundan kung ganon.   "Stop that face, Dee! You look like retarded!" I rolled my eyes. He's now talking to me as if we were close. Oh~ Please!   "I just checked if it's true that you're now finally back." tinaasan ko siya ng kilay. Finally back? Bakit? May alam ba siya tungkol sa ‘kin? Oh! Stupid question! Sino ba namang di makakaalam ng tungkol sa pagkatao ko ngayon? Tss. Maliban nalang sa mga sekreto ng pamilya ko. But I think that this sh*t knew something. "If you need something, then tell me. Money? Power? What? Tell me and cut this sh*t!" I said coldly. He just laughed! Is he mocking me? Damn him!   "I have everything Dee! Actually, I discovered one thing about you." he smirked. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman ‘yun? Sigurado naman akong isa lang ‘yan sa mga nalaman niya sa mga press na walang ibang ginawa kundi ipangalandakan kung anong natamo ng pamilya ko. Umalis na nga ako companya, heto pa rin ako at laging nakasunod ang press. Puro lang naman opinyon ang alam nila. Opinyon lang. Walang tamang basehan. Mga walang alam!   "Spill it." Bored kong sagot. I still want to know kahit na may hint na ako sa sasabihin niya.   "Not now, but soon." he smirked. "Don't take me easy, Dee. You don't know something! You're still a kid, an amateur fighter." sabi niya.   Blaa.. Blaa.. Blaa.. I don't care! Ano bang paki ko? Opinyon na naman ulit. Kelan ba ako nagka-interest sa opinyon ng iba? Kailangan ko lang umalis. Mas pinili ko na lang na di sumagot at pinabayaan siyang mag salita. Dada siya ng dada habang ako nakatingin lang sa loob ng silid. Base lang sa nararamdaman ko, wala siyang binabalak sa akin kasi kung meron man malamang kanina niya pa ginawa. Pero sa galaw niya para siyang nakikipag kwentohan at parang may gusto siyang malaman. Di ko naman siya sinasagot at iniisip ko nalang na di siya nag e-exist sa harapan ko. Hanggang sa............   Natuon ang atensyon ko sa litrato sa di kalayuan sa akin. Pamilyar ang batang nasa litrato. At kung di ako nagkakamali ay magkapatid sila. Dalawang batang lalaki. Ang isa nakangiti at ang isa naman nakasimangot. Ang cool at ang ga gwapo nilang tingnan pero di ‘yun ang dahilan kung ba’t ako natigil sa litratong ‘yun.   "..One thing Dee." ngayon ko lang ulit tininangnan si Kentaro. Ngayon niya lang nakuha ang atensyon ko. Tiningnan ko siya at parang nakikipag usap ang mga mata niya sa mata ko.   "The Green Palace." nagulat ako sa sinabi niya. Literal na lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Pano niya nalaman ang matagal ko ng hinahanap? May alam siya. Alam kung may alam siya dahil kung wala paniguradong hindi niya malalaman ang mga bagay na hinahanap ko. "Don't waste your time in searching with the former-president, it---"   "How did you know? I mean paano mo nalaman ang tungkol sa Green Palace?! Sino ka ba talaga? Who the hell are you?" naguguluhan kong tanong. Ang alam ko lang sa kaniya ay ang pangalan niya pero siya.... marami siyang alam sa akin at pati na rin sa Green Palace. Ngayon napapaisip talaga ako kung talaga bang kilala ko ang mga kalaban ko o ang mga kakampi ko.   "Ikaw,” tinitigan niya ako, “Sino ka ba talaga?" biglang tanong niya sa akin. Sandali kaming nagtitigan. Isang mahabang katahimikan. Naputol lang ang katahimikan dahil sa malakas niyang tawa. Naguguluhan ko siyang tinitigan. Nababaliw na ba ang lalaking to? "Di mo nanaising malaman ang katotohanan, Dee." seryosong sabi niya saka siya tumayo. Tiningnan niya ako at tumingin sa kawalan.   "Isang pag ibig na bawal. Isang pag ibig na tinutulan ng lahat pero patuloy nilang pinaglalaban." yumuko siya at tumawa ng mahina. "Iba talaga ang pag-ibig. Kayang bagohin ang lahat dahil sa pinaglalaban." tumingin uli siya sa akin."Masaya akong nakilala ka, Dee. Aalis ako at babalik ng Japan." sabi niya at tumalikod pero bago umalis ay muli siyang nagsalita, "Sana itigil mo na lahat ng to. Wala kang mapapala. Di mo sila kaya." sabi niya. I smirked.   "I always believed in my guts, in my instinct!" I replied. Bigla naman siyang humarap sa akin. Galit na galit ang mga mata niya.   "Tumigil ka! Di mo nanaisin malaman ang lahat. Maraming mawawala at maraming masasaktan. Itigil mo na! Ano ba sa tingin mo? Na sobrang lakas mo? Na kaya mong patumbahin kahit sino? Bakit? Ano bang kayang gawin mo? Ano bang kaya mong gawin para sa iba? Di mo nga alam ang salitang sakripisyo?!!!" sabi niya. Nang init ang mata ko sa sinabi niya at napayuko ako. Tang*nang tali to sa kamay ko, bakit kasi hindi matanggal?!   "Yan ang akala mo." tumulo ang luha ko at tiningnan siya. "Sakripisyo? ‘Yan ang buong pagkatao ko Kentaro! Sakripisyo." sabi ko at sunod-sunod tumulo ang luha ko. Parang ngayon ko lang to nailabas. Gusto kung umiyak at mag sumbong. Gusto kung tumakbo at takasan ang lahat ng to. Pagod na pagod na ako sa mga bagay na paulit-ulit na lang nangyayari. Anong akala nila? Na balewala lang ang mga ginagawa ko? Na ginagawa ko lang to para sa sarili kong kapakanan? They know nothing about me!   Tahimik lang siya habang umiiyak ako. Tang*nang luha at hindi ko mapigilan! "Kasiyahan, pamilya at pag-ibig. Tapos sasabihin mo di ko alam ang salitang sakripisyo?!!!!!" galit ko siyang tiningnan. Tumalikod siya.   Bakit ko ba sinasabi sa kaniya to? Bakit ako pumayag na makita niya ang kahinaan ko? Pero di ko na mapigilan. Para akong bulkan na gustong sumabog. Ang matagal kong pinipigalan noon ay gustong sumabog na lang ngayon. Mas lumakas ang iyak ko. Wala na akong pakialam kung naririnig niya ako. Wala na akong pakialam. Iyak lang ako nang iyak. Para akong bata na umiiyak dahil di binigyan ng laruan.   "Alam mo, ang malakas na iyak ay katumbas na isang milyong sakit na nararamdaman ng isang tao. Kung malakas ang iyak ng isang tao, mas masakit ang dinadala nito." tumingala ako para harapin siya pero nakatalikod pa rin siya. "Sinabi ko to sayo para tumigil kana. Mas lalo mong tigilan to Dee." humarap siya sa akin at tiningnan ang kabuohan ko, "Di ko alam ang pinaglalaban mo pero kung ano man ‘yun pahalagahan mo. Pag pinasok mo ang mundo ng Green Palace ay masisira ka. Masisira ang pinanghahawakan mo. Masisira ang pinaglalaban mo." seryoso ko siyang tiningnan habang tahimik na humihikbi. "Isipin mo nalang anghel mo ako sa mga oras nato. Oo, may alam ako pero di ko ito sasabihin sayo. Tama na na binalaan kita." sabi niya at ngumiti. Iba ang ngiti niya. Parang di siya ang Kentaro na marahas, na kinakatakutan. At parang di siya ang Kentaro na nakalaban ko.   "Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko. "I'm not helping you."     "What do you mean?" ngumiti lang siya bilang sagot. Hinintay ko na may sasabihin pa siya pero wala na. Di na siya nag salita pa. Tumalikod siya at naglakad papalapit sa pinto. Tama! May naalala ako. Kanina ko pa gustong itanong sa kanya ang bagay na ‘to. Kating-kati na akong itanong ang bagay na ‘to na siyang maaring maging tulay para mahanap ko ang kokompleto sa puzzle na binuo ko.   "Teka lang." tumigil siya pero di siya humarap sa akin. "Yang picture,” tiningnan ko ang picture sa hindi kalayuan kaya nilingon niya rin ito. “Di ba si Kenji ‘yan? Bakit may litrato siya dyan? Magkapatid ba kayo?"   ------------------------- Lumipas ang dalawang buwan na wala na akong balita sa mga lalaking dumating sa buhay ko. Para bang dadating lang sila tapos hihinto tapos aalis rin. Ganun lang lagi. Di rin naman sila nagtatagal sa buhay ko.   Tumawag si dad at pinapapunta niya ako sa sss, sa kompaniya namin. Gusto niyang bumalik ako lalo na ngayong nasa Japan na sila. Tanging ang pinsan ko lang na si Akira ang nandito at busy naman sila ni Jilton sa negosyo ng pamilya. Lahat sila may pinagkakaabalahan kaya gusto ni dad sa sss muna ako at hayaan ang secretary ko na asikasohin ang negosyo ko ngayon.   Napahilot ako sa noo ko, mababaliw na yata ako sa binabasa kong reports ng sss. Andaming problema. Bigla namang kumirot ang puson ko. Isa pa to, bakit ba kasi kailangan pang magka red tide ang mga babae! Nakakainis. Ang dami ko na ngang problema sa kompaniya dumagdag pa ang monthly period ko.   Si Jilton. Sinabi niya sa akin na kailangan niya muna akong iwasan. Nag e-emote na naman. Ganun talaga siya pag gusto niyang umalis at layuan muna ako. Pero babalik din naman ‘yun pag natapos na ang pinagkakaabalahan niya.   Si Raul naman. Pagkatapos nung gabing nag-usap kami ay di na kami nag kita. Pero minsan nag tetext siya para kamustahin ang lagay ko at kung humihinga pa ba daw ako. Natatawa nga ako sa mga text niya. Parang bumalik ‘yung dati. ‘Yung mag kaibigan palang kami at noong wala pa kaming relasyon. Naalala ko kung ano ang buhay ko nun.   Yumuko ako at nilagay ko ang kamay ko sa sintido ko para mamasahe ko ito. Andami kong nalaman. Dalawang buwan na mula nung nag-usap kami ni Kentaro. Nalaman kung magkapatid pala sila ni Kenji. Nakapagtataka. May kapatid pala si Kenji? Bakit ngayon ko lang nalaman? Sa pagkakaalam ko kasi noon ay nag-iisang anak siya. Siguro dahil siya ang lagi kong nakikita at wala akong nakitang kapatid o kuya niya sa tanang buhay ko. Err! Anong paki ko?   Mula din noon ay wala na akong balita kay Kenji at Nicolle. Ano ba kasing ginagawa nila? Magkakaanak na pala sila. Bakit di man lang nila sinabi? Bakit ginugulo pa ni Kenji ang isip ko kung magkakaanak na pala siya? Arrrggggg.. Bakit ba ako nagpapaapekto sa lalaking ‘yun? Madami akong dapat isipin, di lang siya. Tumayo ako at lumapit sa malaking painting sa silid ng opisina ko. Ako ang nasa painting. Ako to sa panahong di ko dinadala ang problema na to. Nung masaya pa ako, nung panahong mag sisimula palang ako. Oo, nag simula nga ako. Sa loob ng emperno. Sa mala empernong buhay ko ngayon.   "Excuse me, Ma'am, may bisita po kayo." sabi niya. Nalipat ang atensyon ko sa kaniya. Tumango lang ako para papasukin niya kung sino man ang bisita ko ngayon. Wala naman akong appointment sa iba at talagang wala akong inaasahang bisita.   Narinig kong sumirado ang pinto. Nilingon ko agad kung sino man ang bisita ko. Nagulat ako. Parang kanina lang iniisip ko lang siya tapos ito na siya ngayon sa harap ko at nakangiti. "Kenji?" I gasped.     "Miss me?" he sweetly smiled.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD