KABANATA 55 ** KENJI POINT OF VIEW ** Matapos ang ilang buwan ay nakabalik na si Kenji sa planetang Earth. Mabuti na lang at hindi nalaman ng kalaban na nadoon siya. Grabeng pag-iingat ang ginawa nila para lang makatago ng ilang buwan sa lugar na ‘yun. May mga naiwan na mga tauhan nila sa planetang Mars. Isa sa problema nila ay papaano nila macocontact ang mga taong naiwan sa planetang ‘yun. Ang sabi sa kanya ni Dolly ay tanging si Jilton at DK lang ang may access sa planetang Earth. Pati ang admin ay may access pero nahirapan sila sa pag pasok sa loob ng admin. Paniguradong ang mga pinagkakatiwalaan lang ng magkakapatid ang nandoon. Isa rin sa naisip ni Kenji na magkaroon ng access sa planetang doon. Agad niyang kinontact si Miguel para makausap at para makabuo na sila nang plano dahi

