CHAPTER 31 – B "Tumigil na kayo!" mautoridad na utos sa kanila ni Bishamo. Napayuko ang dalawang binata dahil sa hindi inaasahang pagdating ng kanilang ama. Ang akala nila ay mamaya pa nila ito makakausap pero heto na ito sa harapan nila at seryosong nakatitig sa dalawang magkapatid. "Sir." Magalang na yumuko si Kentaro sa harap ng kanyang ama. Huminahon naman si Kenji pero ramdam mo pa rin ang galit niya. Umayos siya ng tayo saka siya yumuko bilang pagbati sa kanya ama. Umalis ang mga taohan nila sa harap nila at nanaliting nakatayo sa likod nang ama niya at nakapalibot sa kanila. Tanging si Bishamo, Kentaro at Kenji lang ang nasa gitna at parang mga istatwa ang mga kalalakihan sa likod nila. "Masaya akong makita kang muli Kenji." sabi ni Bishamo saka ininom ang alak na ina

