KABANATA 52 Inaayos ko ang mga gamit na binigay ni Jilton para sa bata sa sinapupunan ko. Malapit na akong manganak at si Jilton yata ang pinaka excited na mangyari ang bagay na ‘yun. Minsan ay nakakaramdam ako ng awa dahil wala siyang kaalam alam sa totoong ama ng batang nasa sinapupunana ko. “Dapat ba talaga lahat ng kulay ay pink?” tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Kasama ko ngayon si Jilton habang inaayos ang kwarto ni Elizabeth habang si Ysmael naman ay naglalaro sa sofa habang nakatingin sa ‘min ni Jilton. Minsan nga parang nagseselos na si Ysmael dahil walang ibang bukang bibig si Jilton kundi ang magiging kapatid niya. “Yes. She will be my princess. You are my queen and she is my princess.” Nakangiting sagot nito. Tiningnan ko ang kabuohan n

