CHAPTER 49 Nakatulala ako sa berdeng kalangitan habang hinihintay na makatulog si Ysmael sa ‘king tabi. Andito kami ngayon sa loob ng kwarto naming pero kitang-kita ko naman ang nasa labas dahil sa salamin lamang ang nakapalibot sa kwarto namin. Kitang-kita ko ang mga iilang taong nakasuot ng puting kasuotan at may dalang helmet. ‘Yung iba naman ang naka tuxedo habang nakikipag-usap sa iba pang tao sa ibaba. Tinanong ko minsan si Jilton kung bakit hindi man lang lumulutaw ang tao rito pero ang sagot niya ay dahil ang suot ng mga tauhan nila ay hindi basta-basta. Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong kasama ko sa lugar na ‘to. Kahit hindi nila sabihin alam kong nagiging alipin na sila ni Jilton at DK. Lahat ng sinasabi ni JK at DK ay nagiging batas sa lugar na ‘to. Ngayon ko lang

