KABANATA 71 – B Ilang minuto akong nanatili sa kinauupuan ko. Hindi pa rin nila ginagalaw ang ama ko at ngayon ay nakatulala na lang ako sa harap ni dad. Hindi pa rin nag sisink in sa ‘kin lahat ng mga nangyayari. Para bang nananaginip pa rin ako. Tinakpan na nila ng puting tela ang patay na katawan ni dad. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa walang buhay na aking ama. “Hija, you need to rest. Darating na rin mamaya si Kenji at ang anak mo. You have to be calm.” Maging kalmado? Nakalimutan ko na kung paano kontrolin ang sarili ko. Para bang nawala na sa isip ko kung paano pa maging kalmado pagkatapos ng mga sunod sunod na mga nangyari. “This is my final good bye to you, dad.” Wala sa sariling sabi ko habang nakatitig sa bangkay ng aki

