CHAPTER 2

1711 Words
CHAPTER 2 Bumuntong hininga pa ako nang marating kona ang napakalaking gate dito sa subdivision ng Greens Ville ang bahay nang mga Ferraren kung saan ako magtatrabaho. Ito na ang simula ng pangarap ko, ang mai-ahon ko sa kahirapan ang pamilya ko at hinding-hindi ako magsisisi na pumunta ako dito. Pinindot ko ang doorbell at mabilis itong bumukas, bumuka ng walang tao at nagulantang pa ako sa takot at hinanap ang operator ay nandun pala nakaupo sa gilid. Tinanaw ko ang napakagandang kabuo-an ng bahay at napakalaki nito at ang ganda. Siguro mayaman nga sila obvious naman sino bang loka-lokang mahirap sila kahit na ibase mo nalang sa bahay nila masasabi mong milyonaryo sila. "Sino sila?" Pagtanong ng magandang babae. "Rosewell Mijares po, at ako po yung mag a-pply dito bilang kasambahay." Pagpapakilala kopa. "Ikaw na pala." Nasabi pa niya at pinapasok ako. Dumiretso kami sa dining kung saan nandun sila ni Ma'am at Sir. "Dad, eto na ang kasambahay natin na nag apply." Bungad niya ito sa asawa. "Good morning sir, ako nga po pala si Rosewell Mijares 19 po." Pagpapakilala kopa. "Okay, okay samahan mona siya Maxine nang makapagsimula na." Utos pa nito sa asawa niya. "Let's go honey." Mukhang mabait ang asawa niya. Naglalakad kami ngayon at ihahatid niya ako sa magiging kwarto ko. Sa laki ng bahay ay medyo matatagalan pa kami sa paglalakad. "I am Maxine, at welcome ka dito wag kang mahihiya." Pag-umpisa niya. "Ah okay po." Sagot ko. "Si John naman ang asawa ko at may anak kaming si Max." Dagdag pa niya. "Bata pa po?" "No, actually 19 na si Max at napaka kulit na bata." Sagot niya naman. "Ikaw na siguro ang panghuling maid na kukunin ko, makakaya mobang magising ng alas tres at ipagluto kami?" Pagtatanong pa nito. "Yes po, pag nasa bahay nga ako maaga pa akong nagising at nagtatrabaho." Masigla ko namang sagot. "Thats nice, balik tayo kay Max." Paguulit niya ng topic. "Ayaw niya kasi ng may umiisturbo sa kanya at pati kami hindi na namin siya kayang disiplinahin." Dagdag pa niya. "Bakit po?" Kunot noo ko namang tanong. "Simula kasi nang pinalayas namin si Jona ay nagsimula na siyang mangimasok sa mga bagay na alam niyang bawal." Parang na feel ko ang kalungkutan ni Ma'am Maxine habang nagsasalita. "Si Jona ang ex-girlfriend niya na halos dito na tumira." Dagdag pa neto. "Bakit po anong ginagawa niya?" Curious lang ako. "Pinagpalit nito sa kaibigan na Max, nagsimulang madurog ang kanyang pagkatao lalo na't marami ang nagalit sa social media nang malaman nila." Ma'am Maxine stated. "Sikat po pala ang anak niyo?" "He is an actor, under siya sa kompanya ng Dad niya kung saan sumikat siya." Natigilan ako at CEO pala ang Daddy niya sa isang sikat na kompanya kung saan maraming sumisikat na artists. "Mahal na mahal neto ang mga fans niya at dun lang nagalit ang fans niya nang malamang nangaliwa ang girlfriend nito na sumikat din dahil kay Max." Dagdag pa niya. Nang huminto na kami sa isang pintuan at may katabi akong kwarto at iisa lang kami ng terrace. Medyo maganda ang kwarto kaya parang hindi ako makapaniwala na dito ako matutulog. "Dito ka matutulog hija." Habang binubuksan ang pinto. "Bakit diyan?!" Napilingon kami ng sabay nang may nagsalita sa likod namin. Hindi ko makuhang mamangha nang makita ko ang lalaking matangkad,gwapo,matangos ang ilong,may pagka korean ang kanyang buhok, ang ganda ng porma, mapula ang labi at may mapang-akit ng mata. "Max, let me introduce to you our new maid, Rosewell." Pagpapakilala ni Ma'am Maxine. "Rosewell this is Max Johnryl my son." At ngumiti naman ako. "Magandang hapon po." Ngumiti ako sa kanya. "Anong maganda sa hapon? Tsssk!" Abayyyy suplado? At pumasok sa kwarto niya ni hindi man lang hinintay ang paliwanag ng Mommy niya. "Hayaan mo nalang siya, suplado talaga yan simula nong iniwan." "Okay lang po." "Come in." Namangha ako sa kwarto, simple lang pero pangmayaman talaga kumpleto lahat. May lampshade may walk in closet may cr din at talagang maganda. "Okay kana ba dito?" Pagtatanong niya. "Abay oo naman, hindi ko akalain na ganito ang kwarto ko." Sagot kopa. "Maiwan na muna kita." Nang makalabas si Ma'am Maxine ay muli kung ibinaling ang atensyon ko sa kwarto. Tinignan ko ang mga picture at napansin ko ang isang frame na kasama ni Max ang babae at ito ata ang ex niya. Mukhang masaya sila sa picture at ang cute tignan. Bumalik ako sa kama at ang lambot-lambot humiga ako at hinagkan ang lambot ng kama. Oo first time koto ni hindi pa ako nakaranas ng ganitong kwarto. Maya-maya pa ay niligpit kona at inilagay ang mga gamit ko sa lalagyan. Inayos ko ang kwarto at nilinisan lahat. Natigilan ako nang makita ko ang relo ni binigay ni lola. "Iingatan moto, dito mo malalaman ang kapalaran mo pagdating sa pag-ibig." Naalala kopa ang sinabi niya noon bago siya namatay. Mahal na mahal ko si Lola kasi siya ang pinaka close ko noon sa probinsya. Alas dose na nang makatapos ako kaya naghilamos nalang ako at natulog alas tres kasi dapat gising na ako. Akmang hihiga na ako pero parang may napansin akong tao sa terasa. Pinuntahan ko ito at may nakita akong parang lalaking nakaupo at tumitingin sa kawalan. Naka boxer lng siya at fitted na sando kaya tanaw ko ang kakisigan ng katawan niya. Pogi talaga siya, malakas ang charm at ang appeal kaya siguro pagnakita mo siya mabilis kang mahulog sa kanya. "Uhmm, Max hindi kapa ba matutulog?" Pagpukaw ko sa atensyon niya, mukhang nagulat kopa siya. "What the hell are you doing here?" Nagulat pa siya. Masungit talaga siya. "Ah, e kasi kakatapos kolang magligpit at magkatabi lang tayo ng kwarto at iisa lang ang terasa na kumukonekta kaya napansin kita." Paliwanag kopa. Hindi na siya napatingin sakin at napainom ng kape. "Tell me, what do you want?" Napakunot pa ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Kaya kitang bayaran, just to leave in this house." Nagulat ako sa sinabi niya. Ba't niya ako pinapaalis? Suplado talaga to ano bang mali sakin? "Si Ma'am Maxine lang ata makakapag paalis sakin dito at sabi niya last nalang daw ako na mamasukan dito." Paliwanag kona naman. "Then let's see kung kakayanin mo." Tumayo siya at umalis. Hindi kona inisip pa ang mga sinabi niya, matulog nalang ako mas mabuti pa at para magising ako agad ng alas tres. Kailangan ko talagang ipagluto si Sir kasi direktor yun at maaga aalis para sa shoot nila pero hindi daw si Max ang bida sa pelikula. Kakatapos lang daw kasi ng project niya kaya iba na muna ang kinuha. * * * * * * "2:30 AM" Kahit na kulang ang tulog ko ay pinilit ko talagang magising para hindi ako malate. Tumungo muna ako sa cr, nag toothbrush,naghilamos at dun na bumaba para pumunta sa kusina. Kumpleto ang kasangkapan at kagamitan dun, pumunta ako sa ref at kumpleto din ang laman. Pero hindi ko alam ang lulutuin? Nang isara ko ang pintuan ay dun kuna nakita ang nakasulat sa papel. "Magluto ka ng Kare-kare,Adobo,at Fried chicken." Napakunot naman ang noo ko? Hindi bato breakfast? Pero dahil yun ang nakasulat ay sinunod ko nalang ang nandun at dahil baka pagalitan ako. Inuna kung mag-slice ng mga gulay para sa Kare-kare at pagkatapos inilatag kona lahat ng kailangan. Max's POV. As i can see masipag siya, at marunong siya sa lahat ng bagay pero ano ang kailangan niya dito? Tignan ko nalang kung hindi siya susuko ngayon pag pinagalitan siya na ang niluto niyang breakfast. Gusto kopa siyang mahirapan pa para may twist. "Rose, ipagluto monga ako ng bacon and fried rice." nagulat pa siya ng bigla akong nagsalita. "Eh kasi sir--" "Now, gutom ako ihatid mo nalang sa taas." Hindi na siya nakapagsalita nang tumalikod ako. Si dinami-raming room dito dun pa talaga? At magkatabi pa kami? Fuckk. Ilang oras pa ng pag-aantay ko at dumating na ang ni-request ko, fried rice and bacon. "Sir, ito na po." At nilatag sa harap ko. "Water?" "Po?" "Tubig ko nasan? Gusto moba mabulunan ako?" I exclaimed. "Teka po." Mabilis siyang bumaba at kumuha ng tubig. "Tssk." Napailing nalang ako. Ilang minuto pa rinig kopang patakbo siya unakyat at minamadali niya baka kasi masunog ang niluluto niya. "Sir tubig niyo." Hinihingal niyang iniabot sakin. "Ipagtimpla monga ako ng kape." "Po??" "Bingi kaba? Sabi ko ipagtimpla moko ng kape!" Sigaw kona naman. "Opo." At bumaba na naman para ipagtimpla ako ng kape. Tignan kolang talaga kung makakaya niya pang tumagal dito. Rosewell POV. Hindi kona talaga kaya at naluluha na ako sa paghabol sa hininga ko hindi pa naman ako pwedeng mahingal. Dahil posibleng atakehin ako sa puso o kaya ikamatay ko dahil mahina talaga ang puso ko. Napaupo pa ako sa lamesa at napainom ng tubig habang habol ng habol sa hininga ko. Mabuti nalang at fried chicken nalang yung hindi pa natatapos at nakapag-sain narin ako ng bigas. Pagkatapos ay inihanda kona lahat sa lamesa at sakton 3:30 na akong natapos at ramdam ko narin na gising na sila. At ready na ang pagkain nang maupo sila si Max ay sumabay narin. "First time in the history na nakasabay ka namin Max." Bungad sa kanya ng Dad niya. "Happy now?" Tila hindi ko malunok ang sinabi niya sa Dad niya. Nang buksan nila ang ulam ay napatulala pa silang magasawa at wala lang kay Max, ito nanga sinasabi ko breakfast dapat pero bakit ganon yung nakasulat? Hinihintay ko nalang ang singhal sakin ni Sir John at alam ko talagang magagalit sila sino ba naman ang magluluto ng kare-kare ng ganitong oras. "Hija." Pagtawag ni Sir John na kinayanig ng dibdib ko. "P-po?" "San ka natutong magluto?" "Uh, kasi po may experience din ako magtrabaho sa karenderya." Sagot ko. "That's nice, your good at cooking." Nakahinga naman ako ng maluwag. "Paborito niya kasi ito Hija." Sagot pa ni Ma'am Maxine. "Ah, salamat po gagalingan kopa po para sa inyo." Nginitian kopa sila. Hindi naman ma drawing ang mukha ni Max at feeling ko sinadya niyang palitan ang nakalagay dun. Galit siya habang kumakain ng fried chicken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD