"TAKBOOOOO!" Sigaw ni Mrs. Go sa mga kasambahay na kasama nilang nakatayu sa harapan ng bahay. Nag kumpulan kasi sila sa harapan ng main door, at masayang binabati si Thisa. Masayang-masaya sila sa muling pagbabalik nito sa kanilang tahanan. Mabilis naman ang galaw ni Thisa, at itinulak pa loob ng bahay ang mga kasambahay. Hinawakan niya ang dalawa, saka siya tumalon pa loob, kaya sabay-sabay silang bumagsak sa makintab na marble na sahig ng malaking bahay. Dahil sa mabilis nilang paglundag pa loob ay naadulas pa sila, dahil sa kintab ng sahig. Ganon din ang ginawa ni Mrs. Go, hinawakan niya ang isang kasambahay at tinulak niya ito papasok ng malaking bahay at nadaganan pa nito ang kanyang kasambahay nang bumagsak sila sa sahig. "Tumayo kayo, bilis! Magtago kayo sa basement at i-lock an

