TANGHALI na nagising si Thisa, kinabukasan. Nagtaka pa siya kung bakit siya nakatulog sa Sofa nang kanyang Library. Nagtataka siyang bumangaon mula sa Sofa. Ngunit bigla niyang nasapo ang kanyang ulo, dahil sa sakit na naramdaman niya. Para itong mabibiy@k sa sakit at ang lakas din ng pint*g nito. Hanggang sa maalala niya ang ginawa niyang pag-inom kagabi, kaya napahilamos na lang siya ng mukha gamit ang dalawang palad. Malakas ang alak na ininom niya kagabi, kaya ganon na lamang ang kanyang hang-over ngayong araw. Madali din siyang natamaan ng alak dahil na rin sa pag-inom niya ng biglaan, samahan pa ng pagod at puyat niya mula sa kanyang pinuntahan. Napatingin din siya sa paligid ng Library at nakita niya ang mga basag na salamin sa sahig, nagkalat na bulaklak at mga nagkalat na pillow

