DALAWANG ARAW na ang lumipas at hindi pa rin tumitila ang ulan. Mas lalo din tumaas ang tubig-baha, kaya lalong hindi sila maka alis sa Hotel. "Love, hindi kaya magalit sa atin sina Mrs. Go? Tatlong araw na tayong hindi umuuwi. Baka mamaya lumpuhin na ako ni Lord Aaron." Nag-aalalang tanong ni Daniel. Nakatayu ito sa may bintana at tinatanaw ang highway na tila naging dagat na sa lalim ng baha. Ang magkabilang bahagi ng kalsada na dating taniman ng mga prutas ay nagmistulang dagat. Iniisip din ni Daniel na baka tanggalin siya sa trabaho at pauwiin sa Pilipinas. Natatakot siyang mangyari iyon, dahil ayaw niyang iwan si Thisa. Baka ipa-deport siya ng pamilya Go at Ang. "I called Tita yesterday. I explained to her why we can't go home yet. She wasn't angry, she just told us to be careful a

