"Relationship isn't perfect, but your choices make it ideal."--greatfairy 5 years later... "Bro, napaghahalataan kang atat masyado na makita ang bride mo." "Oo nga, nagmumukha kang homo sapiens." Sinamaan ng tingin ni Harris ang dalawang kaibigan niya. Kanina pa siya hindi mapakali. Bakit wala pa rin si Pinky? Ilang linggo rin silang hindi nagkita dahil sa pamahiin na bawal magkita ang bride at groom bago ang ikasal. Miss na miss na niya ito. Bakit ba ang tagal niyang dumating? "Baka nagbago na isip no'n. Natauhan, hindi ka pala niya mahal," si Kier. "G*go!" Kung sa ibang pagkakataon lang sila, kanina pa niya nasuntok ang mga kaibigan niya. Pero aminin niya, medyo kinabahan din siya sa mga sinabi ng mga ito. Paano nga kung biglang mag-back out si Pinky? Medyo maluwag pa naman ang tu

