Matiim niyang tiningnan ang natitirang isang baso ng kape. Tiyak na 'pag naubos niya iyon ay giginhawa na ang kanyang pakiramdam. Masyado na siyang nasasaktan. Hirap na hirap na ang kanyang kalooban. Ayaw na niya kay Harris. Ayaw na ayaw na talaga! Itataga niya iyon sa kuko ng bakulaw! Huminga siya nang malalim saka marahang hinawakan ang handle ng pink na mug. Pumikit siya at dinama ang aroma ng kape bago nilagok nang dire-diretso. Tolerable lang init nito kaya hindi niya masyadong naramdaman ang pagdaloy niyon sa kanyang lalamunan. Ngunit makailang minuto ay naramdaman niya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Bigla siyang napatayo nang may humawak sa kanyang braso. "Bee..." Nanlisik ang mga mata niya. Ano'ng ginagawa ng bakulaw na ito sa kaharian

