CHAPTER 4.1

890 Words
“PRI, ARE YOU SURE YOU STILL want to stay here for a while?” alalang tanong ni Stacey. Tumango naman si Pria. “Yup. Hindi rin naman ako makakaalis agad-agad kasi umuwi kagabi si Charles at Mang Toby. Nasabi ko rin kasing magi-stay pa ako rito.” Naisip niyang mag-stay na muna nga sa villa para na rin makapag-relax pa siya. Bago kasi ang baby shower para sa upcoming baby nina Stacey at Hades limang araw mula ngayon ay kailangan niyang bumalik sandali sa Manila para sa isang photoshoot. After that ay babalik na lang siya sa Batangas. “Alright.” Magkasabay na silang naglakad ni Stacey hanggang sa pinto ng living room. “Just call me if something happened. Nandito naman ang maids. Around three days lang naman siguro kami ni Hades mawawala and then pagbalik namin, aasikasuhin na rin agad namin `yong baby shower.” Huminto siya sa paglalakad nang makarating sa pintuan. “Are you sure na sasamahan mo pa si Hades? Kung makabiyahe ka, para namang Batangas to Manila lang ang layo ng Puerto Rico.” Tinanaw ni Stacey ang asawa nitong nakikipag-usap kay Zeus na dalawang metro lang yata ang layo sa kanila. Wala sa sariling napatingin din siya sa direksyon ng dalawa. Muntik na siyang mawala sa focus nang lingunin siya ni Zeus at magtama ang mga mata nila. She still couldn’t forget what happened two nights ago. Nakita lang naman siya ng lalaking walang anumang saplot sa katawan. After that incident, halos hindi niya na ito tingnan. Sinadya niyang umiwas sa lalaki. Isang buong araw niyang tiniis na huwag sila magpang-abot. Ang sabi naman ni Stacey ay aalis na rin ito sa villa para simulang hanapin ang isa pa nilang kapatid ni Hades. Matatahimik na rin ang sistema niya sa wakas. Napasinghap siya nang magsimulang maglakad ang magkapatid palapit sa direksyon nila. Zeus was just wearing his usual plain blue V-neck shirt and a white walking shorts but still, everyone could see how authoritative he was. “So, shall we go?” tanong ni Hades kay Stacey bago hinaplos ang tiyan ng pinsan niya. “Sure,” tugon ni Stacey bago binalingan si Zeus. “Ikaw, Zeus? Sasabay ka na ba sa `min sa paglabas sa villa?” Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaunting disappointment nang marinig ang tanong ng pinsan niya. So, that Hawkins was leaving already. “Ah, no.” Umiling si Zeus. “I decided to stay here until your baby shower activity. I also want to hear what happened when you two came back from Puerto Rico.” “Great!” Stacey clapped her hands. “Wala rin kasing kasama si Pria rito. She still decided to stay here until her photoshoot.” Tinapik ni Hades ang braso ni Zeus. “Please do take care of her. She’s Miss Universe, you know.” “Stop mentioning that every five minutes, Hades,” natatawang sita niya sa asawa ni Stacey. “Sige na. We have to go,” paalam ni Hades sa kanila bago inakbayan ang asawa. “Enjoy!” Hindi niya na pinatulan pa si Hades kahit parang iba ang dating sa kanya ng huling sinabi nito. Nakangiti siyang kumaway sa mag-asawa hanggang sa makasakay ang mga ito sa sasakyan. Inihatid niya ng tingin ang kotse ng mga ito hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin niya. “Hades must be furious of his legal father.” Mula sa pagkakatanaw sa dinaanan ng mag-asawa ay nalipat ang tingin niya sa lalaking naiwan sa tabi niya. Mula sa tinatanaw nito ay ibinaling din nito ang mga mata sa kanya. Para siyang napako sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata nila. They are staring intently at one another as if their eyes were having s*x. Sa isang iglap, pakiramdam niya ay may sinindihang apoy sa loob ng kanyang katawan. This man infront of her just saw her naked body. Hindi niya alam kung bakit pero sa halip na magalit siya dahil pumasok ito sa kwarto niya ay natuwa pa siya sa ginawa nito. Nahihiya siya ngunit sa loob-loob niya, isang bahagi ng isip niya ang natuwa sa nangyari. She wanted to slap herself for being so sleazy and slutty. Kahit kailan, hindi iyon itinuro sa kanya ng namayapang ina. She was raised to be a refined woman. Finesse ang bawat kilos. Matalino at maktwirang mag-isip. Pero nang dahil sa lalaking kaharap niya, nagmumukha siyang mumurahing babaeng uhaw na uhaw sa lalaki. She must be ashamed of herself but surprisingly, she wasn’t. Nauna siyang magbawi ng tingin. “Magpapahinga muna ako sa kwarto. I am still sleepy,” aniya bago tumalikod. She was about to leave when she heard him uttered his apology. “I just want to say sorry for seeing you naked unintentionally,” walang gatol na sabi nito. “I was just about to call you for dinner.” She should have been happy because he respected her. Pero bakit parang nakakaramdam siya ng panghihinayang? At, hindi man lang ba natuwa ang lalaki sa nakita? Bakit ni hindi man lang ito nag-buckle nang mag-sorry ito? Nilingon niya si Zeus. “It’s okay. But please next time, kumatok ka muna.” Iyon lang at tumalikod na siya nang tuluyan. Wait. Did she say “next time”? “Noted,” she heard him answered and grinned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD