CHAPTER 2.2

1641 Words
TAHIMIK na pinapanood ni Pria ang pagsayaw ng mga dahon at sanga ng mga puno sa paligid ng villa. She was having some coffee and enjoying the warm afternoon. She decided to stay at the villa for a while. Sa totoo lang kasi, limited naman na talaga ang exposure niya ngayon kesa noong una siyang manalo na tig-three hours na lang talaga ang tulog niya sa bawat araw. Mukhang ayaw ng Miss Universe Organization na lumaki pa ang issue na isa siyang lesbian. Puro commercial shoots na lang muna raw. Kung saan nakuha ng mga bored na reporter at mga tsismosa ang ideyang iyon ay hindi niya alam. Tama nga siguro ang suggestion ni Stacey na mag-stay na lamang muna siya roon para makapag-relax. Isa pa, sa susunod na linggo na ang baby shower para sa upcoming baby ng pinsan niya. Gusto niya rin namang makatulong sa preparations lalo pa’t excited na rin siyang makita ang pamangkin niya. Gusto niya sanang makakuwentuhan ito ngunit antok na antok na raw ito at kailangang magpahinga kaya naman after nilang kumain ay nagpaalam muna ito na aakyat na sa kwarto nito. Sinamahan naman ito ng asawa nitong si Hades. Nagpaalam naman si Charles na aawra raw muna sa katabing beach resort na pagmamay-ari na rin ni Hades kasama ang driver niya. Natatawa pa siya nang magpaalam ito sa kanya dahil may dala na pala itong bikini. Ready raw ito lalo pa’t Batangas ang pupuntahan nila. Naiwan tuloy siyang mag-isang nagmumuni-muni sa malawak na hardin. Ayaw naman niyang yayain o kausapin ang kapatid ni Hades dahil baka isipin nito na nagpapapansin siya rito. Nahigit niya ang hininga nang maalala ang lalaki. Naalala niya na naman kasi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. He was examining her. Pakiramdam niya ay isa siyang painting na naka-exhibit at pinagkakaabalahang titigan ng mga mata nito. Pria bit her lower lip. Paulit-ulit nang pumapasok sa isip niya ang hitsura ni Zeus. He was really authoritative just like his name. At hindi niya alam kung bakit pero para talaga siyang nanghihina kapag nasa harap niya ito. Well, he was undeniably handsome. Hindi niya na lolokohin pa ang sarili niya. Pero hindi naman siya lumaking walang nakikitang guwapong nilalang. She was already a beauty queen since she was just thirteen. Marami na siyang nakitang mga lalaki at nakakasama niya pa ang mga ito habang nakasuot ng swimwear. But that Zeus Hawkins? He was untouchable. He was an alpha man. Para siyang makahiya na tumiklop nang masagi lamang nito. He haven’t touched you yet, asar ng napakaliit na bahagi ng isip niya. No. What do you think you’re thinking! saway naman ng isa pang side ng utak niya. Ipiniling niya na naman ang ulo. “You must be overthinking, Pria.” “Overthinking about what?” “Oh god!” bulalas niya kasabay ng pagtakip sa bibig.  Awtomatiko siyang napatuwid sa kinauupuan nang marinig ang lalaki. “Do you mind if I join you?” nakangiting tanong ni Zeus nang makarating ito sa harap niya. “Oh, no. I’m just a little bit shocked,” tugon niya kahit pa gusto niyang kurutin ang sarili sa pagngiti nang matamis dito. Naupo si Zeus sa harap niya. “I’m sorry for accidentally hearing what you have said.” Mabilis naman siyang napailing. “No, don’t mention it. Sometimes I do that when I’m alone. I sometimes talk to myself. Kinda weird siguro.” Muli itong ngumiti. Nice. He really had a perfect set of teeth. And a very, very sensual lips. Hindi niya mapigilang titigan iyon. Hindi niya rin alam kung bakit. “It’s normal, I guess. I do that too,” tugon naman nito. Napangiti na lamang siya. Hindi na niya nagawang sumagot pa. No. It wasn’t her first time to talk alone with a man. But it was definitely the first time that she had nothing to say at all. Dati, kahit isang minuto niya pa lang nakikilala at wala naman silang something in common ay napapatakbo niya nang maayos ang usapan. Hindi niya man sinasadya pero para siyang naba-bother at nako-conscious sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. She even caught him glancing at her chests. “How is Miss Universe going?” tanong nito matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. “Okay naman. Parang ano lang—Wait. Do you speak Filipino?” hindi niya ito masyadong narinig kanina dahil mas pinili niyang huwag talagang pakinggan ang pinag-uusapan nito at ng kapatid nito. “Oo naman.” He ran his fingers through his hair. “My mom is a Filipina. She used to teach me when she was still alive. Mabuti na lang din. At least I have no fear of talking to anyone here. Speak.” Lihim siyang natuwa. Oo nga’t medyo slang ang pananalita nito, dala na rin siguro ng pagtira nito sa ibang bansa, pero hindi naman ito mayabang na foreigner. May lahing Pinoy rin naman pala ito. “So, kamusta ang Miss Universe?” ulit nito sa tanong nito kanina. “I am honestly not into show business and the like so I do not know anything about your craft. But I guess the people behind Miss Universe and their judges picked the perfect woman to represent the universe.” Nag-init ang magkabilang pisngi niya sa sinabi nito. Alam niyang plain compliment lang naman iyon pero hindi niya pa rin maiwasang mag-blush. “Okay naman. In fact, malapit-lapit ko nang ipasa ang crown. Medyo nalulungkot din ako. But I guess I have no choice at all and maganda na ring mawala na sa `kin ang crown para hindi na rin naka-focus sa `kin ang mga issue,” tugon niya matapos makahuma sa compliment nito. “Issue?” Kumunot ang noo nito. “You’re not an actress. Miss Universe ka. Uso rin pala ang controversies sa pageantry?” Tumango siya. “Yup. In fact, I hate the latest issue. Lesbian daw ako and they’re linking me to my childhood friend who is also a beauty queen. That’s so gross! I mean, I have no problem with the LGBT community but I am one hundred percent sure of my gender preference.” Nang mapansin niyang napahaba ang mga sinabi niya at hindi na finnesse pakinggan ay mabilis niyang natutop ang bibig. “I’m sorry. I looked like a nagging teenager.” Hindi siya agad sinagot ng lalaki. Nag-alangan tuloy siya kung may dumi ba siya sa mukha o nainis ito sa sinabi niya o hindi nito naintindihan ang pagkakakwento niya. Pakiramdam naman niya ay kinikiliti siya nang mga sandaling iyon. It was a new sensation for her. She gave him a “what do we have here?” look. “No, no. Don’t mind it,” bawi naman ni Zeus. “Your world is really different from mine. I hate controversies. I hate dramas. I hate cameras.” Nakagat niya ang ibabang labi. “If you don’t mind, ano nga palang profession mo?” Alright. She was starting to enjoy their conversation. Kung kanina ay sobrang awkward sa pakiramdam, sa mga sandaling iyon ay unti-unti na siyang nagiging at ease, though may isang bahagi pa rin ng isip niya ang hindi mapakali sa presensiya ng lalaki. “I’m a businessman,” kaswal na tugon nito. Inaasahan niyang iyayabang pa nito ang company o business empire nito gaya ng mga Filipino businessmen dito sa bansa na nakakausap niya ngunit nagkamali siya. Hindi na ito masyadong nagbigay ng detalye tungkol sa trabaho nito. If she would examine him, alam niyang mayaman nga rin ang lalaki. Just like his brother, Hades. Well, wala namang kaso sa kanya kung mayaman o mahirap ang kausap niya. As long as she’s enjoying the conversation, hindi niya ginagawang issue ang social status ng isang tao. Pero malaking bagay pa rin sa kanya ang fact na hindi ito mayabang. Sa pago-observe niya pa lang sa gestures nito ay sigurado siyang powerful itong tao. A man with a class. His eyes were talking with his lips. His aura was very strong. Strong but not boastful. Napatango na lamang siya. “You must have a very tiring flight. Kailangan mong magpahinga nang maayos bago ka umalis.” Pinilit niya pang huwag maging tunog-pakialamera. Tumangu-tango ang lalaki. “Well, yes. And may jetlag pa yata ako. But I guess I’ll rest later. Hindi naman ako aalis kaagad. Hades wanted me to stay here for a while before I start finding our youngest brother.” Pria was a bit curious ngunit pinigilan niya ang sariling magtanong. Some things shouldn’t be shared to public. Hindi naman siya involved sa usaping iyon kaya hindi siya dapat nakikialam. She would look like some cheap, uneducated woman. Isa pa, Stacey would surely tell her about it. Hindi niya naman gustong mauna pang makaalam sa mga bagay-bagay. Kaya lang naman siya concerned ay dahil sa pinsan niya. Nonetheless, hindi niya kailangang problemahin ang problema ng iba. She had her own problems and struggles in life and those were enough. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang isang bahagi ng sinabi nito. He would stay there, too? Hindi niya man gusto pero tila natutuwa ang sistema niya. “You look classy and elegant. I like you,” diretsahang sabi nito na halos ikabuwal niya. Pinasadahan pa siya nito ng tingin bago aksidenteng mapako sa dibdib niya ang mga mata. Mabilis din nito iyong binawi matapos na tila matauhan. Akma siyang tatayo nang bigla siyang ma-out of balance dahil sa sobrang pagmamadali. She was about to fall when Zeus immediately caught him in his arms, just like a perfect damsel in distress. Maang siyang napatitig dito. He was really, really handsome. Lalo na sa malapitan. Nang maramdaman niya ang kamay nito sa katawan niya ay tila nag-iba ang pakiramdam niya. He had a very warm pair of hands. Mmmm. Nagmamadali siyang tumayo at inayos ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD