•••••
Isang malaking back pack ang in inihagis ni Hace sa harapan ko.
Nagtataka man ay pinulot ko iyon at dahan-dahang napatingin sa kan'ya.
Akmang magtatanung ako nang magsalita siya.
"We need to go somewhere.
'Yung tayong dalawa lang."
Ma awtoridad na sabi niya na mas lalong nagpalalim ng gitla sa noo ko.
"A-anung ibig mong sabihin H-hace?"
Kinakabahan ako sa nakikitang ngiti sa labi niya. Ngiti na para bang may pinaplano siya.
"Hindi mo ba ako narinig? O nagbibingi-bingihan kalang?! Sabi ko may pupuntahan tayo! Kaya iligpit mo 'yung mga damit na dadalhin ko, tanga!"
Napaurong ako. Ayan na naman siya.
Lumalabas na naman ang mga sungay niya. Pero hindi ka dapat matinag Yna. Hayaan mong isipin niyang hindi ka takot masaktan ulit. Kinakabahan man ay pinilit kong ngumiti.
"Saan tayo pupunta?"
Nakangiting tanong ko. Halatang nagtaka ito sa ngiting nakikita sa mukha ko.
"Don't bother to ask. 'Coz I wont tell you, idiot."
Nakaawang ang labi na sinundan ko siya ng tingin habang papalabas ng kwarto niya.
'Haysss, parang di kapa sanay sa mahal mo Yna. Hilig talaga 'nun ang murahin ka.'
Ani ng isip ko pagkuwa'y sinimulan na ang pinapagawa ng mahal kong prinsipe.
'San na naman kaya niya ako dadalhin? 'Wag niyang sabihin na,
Na,
Is-is he going to,
To,
KILL ME?
Natutop ko ng kaliwang kamay ko ang bibig ko sa isiping 'yun pagkuwa'y napalunok. Nang napalunok, at napalunok.
He has all the chance para gawin 'yun.
Because he bought me. My parents sold me to him. My adopted parents.
Para lang sa kalayaan ni kuya Martyl.
I'm all his. His slave, his toy.
Napahikbi ako sa isiping 'yun. Sunod-sunod na nangilid ang luha sa magkabilang pisngi ko. Nang biglang bumukas ang pinto ng k'warto at pumasok si Hace.
Dali-dali kong isinara ang zipper ng backpack na ngayon ay puno na ng mga gamit niya at pagkuwa'y pasimpleng pinahid ang luha sa pisngi at nakangiting humarap sa kan'ya.
"Tapos na."
Masiglang turan ko na malapad na nakangiti. Isang matalim na sulyap lamang ang iginanti niya sa'kin na kung nakakasugat lang ay kanina pa nahati ang katawan ko.
How I wish na kaya ko siyang pangitiin. Bahagya akong naupo sa dulo ng kama niya nang bigla niya akong hablutin ng napakalakas dahilan upang muntikan na akong mapasub-sob.
"Sinu nagsabi sayo na p'wede kang umupo sa kama ko?!"
"Sorry na po."
Tanging nasambit ko. Pinakaayaw niya sa lahat ay mapadikit ako sa kahit na anung personal na gamit niya.
Gaya nalang ng minsang dali-dali akong pumasok sa sasakyan niya at naupo sa frontseat. Hindi lang hablot ang inabot ko sa kan'ya 'nun. Kundi isang matinding sampal na halos umikot ang ulo ko pabalik.
"Wala kang karapatan para umupo diyan! Para lang 'yan sa babaeng mahal ko!"
'Yun ang eksaktong sinabi niya.
'Wag kang matinag Yna.'
Sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Hinawakan niya ako sa buhok, isang mahigpit na hawak. Ramdam ko 'yung sakit pero iinisin ko siya. Idinikit niya 'yung mukha niya sa mukha ko. Tiim bagang habang ako ay nakatingin lang ng diretso sa mga mata niya.
"Ikaw, ang pinakawalang k'wentang babaeng nakilala ko."
Halos pabulong na saad nito. I just smiled at him and said.
"Ikaw, ang pinakamahalagang lalake sa buhay ko."
'Yun ang katagang lumabas sa bibig ko. He just smirked and pushed me away.
'Good Yna. 'Yan pala ang dapat mong gawin para tumigil siya.'
Bahagyang nagdiwang ang diwa ko.
But it doesn't changed the fact na nasasaktan ako.
But I have no choice but to love him, as long as I can, as long as my heart's beating, as long as i'm alive.
•
"Akala ko ba tayo'ng dalawa lang? Bakit kasama natin sila Venice?"
Tanung ko habang nakasunod kay Hace.
Kakababa lang namin ng van.
Halos di ko mabuhat 'yung dalawang malalaking backpacks na bit-bit ko.
"P'wede ba, wag kang tanong nang tanong!".
Nasa isang resort kami ng mga oras na 'yun. Mukhang magkakasiyahan yata sila ng tropa niya.
Saka si Venice.
Ang ka fling niya.
Hayss.
"Eh alam mo namang di ako marunong lumangoy dinala mo pa ako dito."
Napahinto ako nang huminto siya at nilingon ako.
"Sinu nagsabing p'wede kang maligo dito? Hindi ka bagay dito. Isa 'tong mamahaling resort. Ayu'kong madumihan ang tubig ng masangsang at napakabaho mong amoy.
Amoy kriminal."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Wala sa oras na napalunok ako.
"Oo nga no. Baka mamatay pa 'yung mga isda."
Sabay ngiti na pang iinis ko sa kan'ya.
Kunwari hindi ako nasaktan sa sinabi niya.
Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa ngiti ko pagkuwa'y tumalikod na at mabilis na naglakad papunta sa tutuluyan namin.
"Hace, hintayin mo naman ako oh."
Pang iinis ko pa.
Alam kong parang sasabog na siya sa galit ng mga oras na 'yun.
'Maya lang ay narating ko din ang k'wartong para sa'min.
Hapong-hapo na inilapag ko sa kama ang dalawang bags na dala-dala ko.
Pagkuwa'y inilibot ang paningin sa loob ng k'warto.
"Hace 'san ko ilalagay 'yung mga gamit ko?"
Tanung ko.
Wala kasi akong nakitang p'wedeng paglagyan.
"Saka 'san ako matutulog?"
Isang kama lang kasi ang nakita ko.
'Wag niya sabihing sa sahig ako matutulog.
"Nakita mo 'yung papag sa labas? 'Dun ka matulog."
Walang anu-anong sagot nito.
"Huh? Pe-pero--"
"Nagrereklamo ka?"
Putol niya sa anumang sasabihin ko.
"A-ah hindi. Sabi ko nga, 'dun ako, masarap 'dun kasi malamig."
Masiglang sabi ko sabay ngiti.
"Tsk."
'Yun lang ang narinig ko at lumabas na siya.
Inilapag ko nalang ang bag ko sa tabi ng kama niya at lumabas nadin.
'Dito niya ako patutulugin? Pa'nu 'pag umulan? Wala pa namang bubong to.'
Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitignan siya sa malayo.
'Prinsipe ko talaga oh' 'di na naawa sa prinsesa niya.'
Naninikip na naman ang dib-dib ko.
Pero wala eh. Ayus lang.
Basta masaya siya.
TUMAKBO ako papunta sa kinaruruonan ni Hace.
Mukhang naglalambingan sila ni Venice.
Pero wala akong 'paki.
Lalapit at lalapit parin ako.
"Let's swim?"
Na e-excite na aya ni Venice kay Hace.
"Sure."
Matamis ang ngiting sagot ni Hace dito pagkuwa'y tumakbo na sila sa dalampasigan at naghabulan.
Nagsasabuyan ng tubig.
Nakakainggit,
Nakakaselos,
Kahit alam kong panakip butas lang niya si Venice.
Kasi hanggang ngayon ay si Solenn ang laman ng puso niya.
Bahagya pa akong napasinghap ng halikan siya ni Venice sa labi.
Na ginantihan naman niya. tila napaku ang paningin ko sa kanila.
Pagkuwa'y natuon ang mga mata ni Hace sa kinaruruonan ko.
Nasasaktan man ay kailangan kong ngumiti.
Pilit akong ngumiti.
Kahit nag-iinit na ang magkabilang gilid ng mga mata ko.
•
"Hace, Venice! Halina kayo at kakain na!"
Rinig kong tawag ng isang tropa ni Hace na si Alehra.
Nandito ako sa nag-iisang puno kung saan abot ang paghampas ng mga alon. Tahimik na nakatanaw kay Hace at Venice na ngayon ay hawak kamay na naglalakad papuntang cottage kung saan nag set ng makakainan.
Tumayo ako at sumunod sa kanila.
Nagtatawanan silang kumakain habang ako ay naghanap ng p'wedeng maupuan.
Nakaramdam nadin kasi ako ng gutom.
Nahihiya man ay kumuha ako ng makakain.
Akmang kukuha ako ng shrimps nang hawakan ni Hace ang kamay ko at sinabing,
"Mamaya kana kumain. Patapusin mo muna kami. 'Wag kang bastos."
Pabulong man ay malinaw kong narinig ang sinabi niya.
"Ah, sige, pa-pasensya na."
Agad akong umurong at naupo sa isang tabi.
Nagugutom na talaga ako.
Mahigpit na hinawakan ko nalang ang tiyan ko upang maibsan ang pagkalam ng sikmura ko.
Napatingin ako kay Hace at Venice na ngayon ay nagsusubuan na.
'Ang daya ng prinsipe ko. Sana ako nalang 'yung sinusubuan niya. Sana ako nalang 'yung dahilan ng mga ngiti niya. Sana,
Sana mahalin na niya ako.
Sa isiping 'yun ay nanikip ang dibdib ko.
Parang 'di ako makahinga.
Tumayo ako at tumakbo pabalik sa tutuluyan namin ni Hace.
{HACE POV}
Nakita kong bigla nalang tumakbo si Yna sa kung saan.
Bahagya akong napangiti sa isiping nadudurog na naman ang puso niya ngayon.
She deserves it.
Wala akong ibang gusto kun'di ang durugin siya nang paulit-ulit.
I know na mahal niya ako.
Ilang ulit na niyang inamin sa'kin yun.
Siya 'yung dahilan kung bakit nawala ang babaeng pinakamamahal ko.
Kina-mumuhian ko siya.
Salut siya sa buhay ko!
Pero bakit ga'nun?
Kanina nakita ko siyang nakatingin sa'kin habang hinahalikan ako ni Venice.
Alam kong nasaktan siya.
Parang may kung anung bagay akong naramdaman sa dib-dib ko na hindi ko maipaliwanag.
I hate her,
so much.
Pero bakit hindi ko magawang---
"Come on babe."
Natauhan ako nang bigla akong hinila ni Venice upang makipag jamming sa tropa.
{YNA'S POV}
Nangingilid ang luha ko habang nakahiga sa papag. Diretso ang tingin sa maliwanag na buwan.
Nakalimutan kong nagugutom ako.
'Sana bukas, mawala na ako,'
Bulong ko.
'Para maging masaya nalang si Hace.'
Pinunasan ko ang luha ko at bumangon.
Ang sakit pala matulog ng walang unan. Sobrang lamig pa.
Wala manlang akong dalang kumot.
Saglit akong pumasok sa k'warto ni Hace at kinuha ang tuwalya na dala ko. Pagta'tyagaan ko nalang muna'ng ikumot ang tuwalya.
Saktong pagbukas ko ng pinto palabas ay siyang pagsulpot ni Hace sa pintoan.
Saglit na nagtama ang mga mata namin.
I saw him gulped.
Bahagya akong ngumiti.
"Matutulog kana?"
Kunwari'y masayang tanung ko.
Tumango siya.
Bahagya akong tumabi upang makapasok siya.
Akmang hahakbang siya ng pigilan ko s'ya sa braso.
Saglit naman siyang tumigil.
"Good night."
'Yun lang at lumabas na ako.
Itutulog ko nalang 'yung gutom ko.
•
'Ayysss bakit ba ang malas ko. Kanina lang ang ganda ng panahon tapos ngayon naulan na.'
Napabalikwas ako sa kakahiga nang bumagsak ang malakas na ulan.
Sobrang sakit pa ng tiyan ko dahil sa gutom.
Sumilong ako sa pintuan ng kwarto ni Hace. Nakaidlip pala ako.
Mukhang wala pa siya kasi walang kahit anumang ingay sa loob at naririnig ko din ang tawanan nila na sumasabay sa malakas na ulan.
Napasandal ako sa pinto at lalong hinigpitan ang tuwalyang nakabalot sa magkabilang balikat ko.
Sobrang lamig talaga.
'Bahala na nga. Papasok ako sa k'warto at 'dun na matutulog.
Wala na akong pakialam bugbugin man niya ako.'
Nang makapasok ay agad akong naupo sa paanan ng kamang nan'dun pagkuwa'y tumayo din. Naalala ko kasi na baka magalit na naman ng sobra ang mahal kong prinsipe.
Kaya naupo na lamang ako sa sahig. Sa harap 'nung kama ay may isang malaking bintana na nakaharap sa dagat ngunit hindi makita ang view dahil sa kurtinang nakatabing dito.
Naramdaman ko ang pagtila ng ulan at ilang saglit pa ay narinig kong papunta sa kinaruruonan ko si Hace at Venice.
Rinig ko kasi ang hagikhik ni Venice.
Hindi na ako nakapag-isip pa ay nagtago ako sa likod ng kurtinang nakatabing sa glass window.
Bumukas nga ang pinto at kitang-kita ko kung pa'nu halikan ni Hace si Venice kasabay nang pagsara ng pinto.
Napalunok ako at tiim bagang na nakatingin sa kanila.
Parang lintang nakakapit naman si Venice sa batok ni Hace pagkuwa'y napaungol.
Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo ko sa ulo sa nasaksihang tagpo.
Mukhang lasing si Hace ng mga oras na 'yun.
Dahan-dahan niyang ibinaba si Venice sa kama.
'No...'
Mahinang bulong ko.
Nag-iinit na 'yung sulok ng mga mata ko.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at lumabas mula sa pinagtataguan ko.
Walang anu-anong hinablot ko si Venice mula sa pagkakahiga at sinampal ng napakalakas.
Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko at napailing.
Pagkuwa'y mabilis pa sa alas k'watrong lumabas ng pinto.
Dumako ang tingin ko kay Hace na ngayon ay nakasubsob sa kama.
''Sol."
Rinig kong sambit niya pagkuwa'y tumayo at dahan-dahang napatingin sa gawi ko.
"Kriminal, nand'yan ka pala."
Isang mapaklang ngiti ang iginawad niya sa'kin.
"Hindi ako kriminal."
Tiim bagang na sagot ko.
Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sakin at unti-unting lumapit.
Nang tuluyang makalapit ay walang anu-ano niya akong itinulak dahilan upang mapatumba ako sa kama.
"Mahal mo ako? Then prove it to me."
Napamaang ako sa sinabi niya.
Isang mala demonyong ngiti ang ngayon ay nanilay sa mga labi niya.
"H-hace anong gagawin mo?"
Natatakot na ako sa inaasta niya.
Hinubad niya 'yung sinturon niya pagkuwa'y hinampas 'yun sa kama.
Napaurong ako dahil sa ginawa niya.
"Matagal ko nang gustong gawin to sa'yo. Hindi dahil gusto ko 'yang katawan mo, kundi dahil gustong-gusto kitang durugin hanggang sa mawalan ka ng hininga."
Sunod-sunod akong napailing sa narinig pagkuwa'y dinakma niya ako sa leeg. Naniningkit ang mga mata niya.
"Dahil sayo, namatay,
Namatay si Solenn."
Pilit kong tinatanggal ang kamay n'yang nakahawak sa leeg ko.
Hinahabol ko nadin ang hininga ko.
Sa kabila 'nun,
Kitang kita ko ang paglandas ng luha sa mga pisngi niya at pilit pinipigilan ang pag hagulgol.
Dobleng sakit ang naramdaman ko ng mga oras na 'yun.
Hindi lang dahil sa pagkakasakal niya sa'kin.
Kun'di dahil nasasaktan ang lalakeng mahal ko.
Kung pwede lang.
Kung pwede ko lang ibigay ang buhay ko kay Solenn ginawa ko na.
Mapasaya ko lang siya.
Halos mahulog ako sa kama nang itulak niya ako ng napakalakas at walang anu-anong sinuntok ang dingding.
Habang ako ay habol parin ang hininga na dulot ng pagkakasakal niya.
Hindi pa ako nakabawi ng lakas nang hablutin na naman niya ako.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Isang mapusok na halik ang ibinigay niya sa'kin.
Mapaghanap.
Na halos di na naman ako makahinga.
"H-h-ace p-pleas-e"
Pilit akong kumakawala sa pagkakayapos niya ngunit hindi ko kaya ang lakas niya.
Naramdaman ko ang pag gapang ng kamay niya sa bewang ko.
At para bang gigil na gigil na pinipisil ang tagiliran ko.
Pagkuwa'y umakyat pa ito hanggang sa dib-dib ko.
Bahagya akong napa-igtad nang pisilin niya ng buong lakas 'yun.
Dahilan upang mapadaing ako sa sakit.
Pero mukhang wala s'yang pakialam at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.
Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko.
Siguro dahil nagsugat ito sa pagkagat niya.
Nangingilid ang luhang nagpaubaya ako.
"Ito ang gusto mo diba? Huh, 'di ba, mahal mo ako."
Muling sambit niya sa pamamagitan ng marahas na paghalik sa labi ko.
Isang haplos lang ang iginanti ko sa kan'ya habang nakahawak sa balikat niya.
Parang 'di na ako makahinga at ramdam ko nadin na wala na akong lakas. Siguro ay dahil sa gutom.
Hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid ko.
{YNA'S POV}
Napabalikwas ako ng bangon, hapong-hapo na kinapa ko pa ang dib-dib na ngayon ay sobrang bilis sa pagtibok. Panaginip. IT WAS JUST A DREAM.
Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko nang maramdaman ang mainit na likido na nagmumula sa mga mata ko.
Umiiyak ako dahil sa napakasamang panaginip na 'yun.
Bahagya kong pinakalma ang sarili pagkuwa'y luminga-linga sa paligid.
Maliwanag parin ang buwan.
Nayakap ko ang sarili ko nang tumama sa'kin ang napakalamig na simoy ng hangin.
"Pstt"
Napalingon ako nang marinig 'yung tumawag sa'kin. Ngunit wala akong makitang tao sa likuran ko bukod sa punong nan'dun.
Tumayo ako at 'nun ko naramdaman ang pagkalam na naman ng sikmura ko, pero in- ignore ko 'yun at sa halip ay dahan-dahang lumapit sa puno kung saan narinig ko 'yung tila tumatawag sa'kin. Ilang beses pa akong napalunok.
"Si-sino 'yan?"
Kinakabahang tanung ko sa kawalan.
Bahagya akong napaatras nang lumabas mula 'dun sa puno ang isang pamilyar na lalake.
"I-kaw?!"
Sabay na bulalas namin ng lalakeng siyang naghatid sa'kin sa bahay ni Hace, 'nung araw na nawalan ako ng malay sa palengke. Halos 'di ako makapaniwala na magkikita ulit kami. Siguro ay ga'nun din ito kasi nakita kong nakatunganga lang din ito sa harap ko.
Akmang magsasalita ako nang maramdaman ang p*******t ng tiyan ko. Medyu nahihilo na'din ako. Siguro ay dahil sa sobrang gutom.
"Are you okay?"
Nakita siguro ng lalake na mukhang may dinadam-dam ako kung kaya'y bahagya siyang nataranta. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Alam kong tutulungan n'ya ako kagaya ng dati.
"Na-nagugutom kasi ako, kanina pa ako di kumakain."
"What? Seriously?"
Isang tango lamang ang isinagot ko sa gulat na namayani sa mukha nito.
Malalim na buntong hininga lang din ang isinagot nito pagkuwa'y napapailing.
"Come."
There's an authority in his voice dahilan upang mapasunod ako. Nang biglang,
"Where d'you think you're going, idiot?!"
Napasinghap ako nang marinig ko ang baritonong boses na 'yun mula sa likuran ko pagkuwa'y dahan-dahang napalingon. It was him. The man I love.
"H-Hace?"
Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang makita si Hace na ngayon ay nakatayo sa harap namin 'nung lalakeng 'yun.
Nanginginig na din ang mga tuhod ko.
Siguro dala nadin ng matinding gutom at kaba. Kinakabahan ako sa tono ng pananalita nito na animo'y manunuklaw anu'mang oras. Aninag sa sinag ng buwan ang pagtiim ng bagang nito pagkuwa'y napatingin sa braso kong hawak 'nung lalakeng tumulong sa'kin. Agad naman 'yung binitawan ng estranghero at nagsalita.
"She's hungry, kakain lang kami."
Napalingon ako sa lalakeng nagsalita.
Seryuso ang mukha nito na nakipag-titigan kay Hace at ako,
Ako ang natatakot para dito. Lihim akong nagdasal na sana hayaan na lamang niya si Hace sa kung anu'mang gawin nito.
I know Hace. Hinding-hindi ito papayag na malalamangan ito. Hindi na ako nagulat nang k'welyuhan nito ang estranghero.
"I'm not talking to you bastard, get lost!"
Sabay 'nun ang pagtulak nito ng pagkalakas-lakas 'dun sa estranghero na muntik ng ikatumba ng huli.
Lalapitan ko na sana ang lalakeng 'yun nang higitin ni Hace ang kaliwang braso ko at walang anu-anong kinaladkad ako papasok sa k'warto niya.
"H-hace, anu ba! Nasasaktan ako!"
Pagpupumiglas ko.
"Wala akong pakialam!"
Pagkapasok ay pilit niya akong 'pinaupo sa upuan sa bedside table. May platong nakalagay 'dun at isang tupper ware na may takip. Alam kong pagkain ang laman niyon.
God. Sobrang nagugutom na talaga ako.
"Open it!"
Utos nito. Bahagya akong napatingala sa mukha nito na ngayon ay makahulugang nakangiti.
"I said open it!"
Binuksan ko 'yung tupper ware, at tama nga ako. May kanin at ulam sa loob. Mukhang masarap. Pero nag-alangan akong kainin 'yun.
Muli ko siyang tinignan ng diretso sa mga mata. Mga isang minuto kaming nagka-titigan pagkuwa'y napaiwas siya ng tingin.
"Eat."
Sabay talikod na sabi niya.
"H-hace pa-pa'nu kung---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla na lamang n'ya akong hawakan sa magkabilang pisngi at pilit na 'pinasok sa bibig ko ang pagkain na hawak niya. Nangingilid ang luhang nginuya ko 'yun.
Ang sakit. Hindi lang sa sakit na dulot ng pagkakahawak niya sa pisngi ko, kun'di masakit dito sa dib-dib ko.
Parang ilang libong punyal ang tumusok sa puso ko.
"Walang lason 'yan, tanga!"
'Yun lang at bumalik na ito sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Kumain akong hilam na naman sa luha ang mga mata. Halos hindi ko malunok ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa sakit.
Napapahikbi na'din ako.
"F*ck!"
Napalingon ako kay Hace na ngayon ay bumalikwas.
"Hindi ka ba talaga tatahimik? O gusto mong ako ang magpapa-tahimik sayo?"
Dali-dali ko namang pinunasan ang luha ko at nag ayos ng sarili. Alam ko kasi na galit na galit na siya. Agad ko nang tinapos ang pagkain at niligpit ang pinagkainan ko. Nagpalinga-linga ako at baka sakaling may makita akong mineral water. Pero wala talaga. Hanggang sa nakita ko 'yung bote ng tubig sa tabi lang ng higaan ni Hace.
Tiningnan ko muna siya na nakatalukbong lang ng kumot. Kinuha ko 'yung mineral water at binuksan pagkuwa'y ininom ito. Kasalukuyan akong lumalagok ng tubig nang may biglang humablot sa'kin 'nun.
Nagkanda-ubo pa ako dahil sa tubig na pumasok sa ilong ko. Hindi pa ako nakabawi nang maramdaman ang malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Agad itong nangilid sa dib-dib ko.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na 'wag mong pakialaman ang sariling gamit ko?"
"Pe-pero Hace, nauuhaw kasi -"
Umurong ang dila ko nang nayupi ang plastic bottle ng mineral water na hawak ni Hace dahil sa higpit ng hawak niya 'dun.
"Pa-pasensya--"
{HACE'S POV}
Kapwa kami natigilan ng b'wesit na babaeng nasa harap ko nang tumunog ang phone kong nakapatong lang sa kama.
"s**t!"
Napamura ako. Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras? I grabbed my phone and answer the call. It was my mom. Hindi ko alam kung ba't siya napatawag. But still I choose to calm my voice kahit pa b'wesit na b'wesit ako sa babaeng kasama ko ngayon.
May kung anu-anong bilin lang pala ito. Palibhasa'y magkaiba ang oras dito sa pilipinas at sa ibang bansa. She's saved by the phone call.
Tss.
Kaka-baba ko lang ng tawag nang malingunan kong wala na si Yna sa likuran ko. Kahit kailan nakaka-b'wesit talaga 'yun.
I opened the door only to see her looking up the sky. Silently watching the moonlight. Kasabay 'nun ang pagyakap nito sa sarili na tila giniginaw.
I don't know why but I felt something strange. I ignored that feeling and catch her attention.
"Who told you to just get out of the room without any of my permission?!"
Nakita kong natigilan ito at dahan-dahang lumingon? Bravo! I saw her again, CRYING. THAT'S MY HAPPINESS. SEEING HER LIKE THAT MAKES ME LAUGH.
"Get in!"
Walang emosyong utos ko dito na agad naman nitong sinunod. I just smirked when she simply wiped her tears. She deserves it.
*****
"Yna!"
Tawag ko dito pero tila wala manlang itong narinig. Tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo. I followed her hanggang sa marating namin ang isang napakatarik na pampang, tumigil s'ya at bahagyang nilingon ako na ngayon ay ilang dipa lang ang distansya mula sa kan'ya.
I saw her smiling. Ni hindi ko maaninag ang lungkot sa mga mata niya.
"I love you, Hace."
Kasabay 'nun ang pagtalon niya sa bangin.
"God! YNA!"
NAPABALIKWAS ako, ang samang panaginip. No. Ang gandang panaginip pala. But what the heck?
Why am I sweating too much? Ang lakas din ng kabog ng dib-dib ko.
Napatingin ako sa gawi ni Yna na ngayon ay natutulog sa sahig.
Dumako ang tingin ko sa mukha niya.
Kahit sa pagtulog ay nakakunot ang noo niya. Wala akong ibang nararamdaman kun'di poot,
At,
At,
Haysstt!
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkuwa'y bumalik na sa pag-kakatulog. Ginising ako ng walang k'wentang panaginip na 'yun.
{Yna's POV}
NAGISING ako na wala na si Hace.
Ang sakit ng likod ko 'saka ng ulo ko.
Pa'nu ba naman wala man'lang akong unan kagabi. 'Saka anung oras na ako nakatulog.
Tumayo na ako at nag inat. Hayss.
Ang lamya talaga ng katawan ko ngayon. Saglit akong nagsuklay ng buhok pagkuwa'y lumabas na ng silid na 'yun. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Hinahanap ko si Hace pero 'di ko s'ya makita.
Maya-maya ay napansin ko ang ilang grupo ng babae at lalake sa 'di kalayuan. Natanaw ko din si Hace 'dun kung kaya dali-dali kong tinungo 'yun at mukhang nag be-beach volleyball sila.
3 versus 2?
Si Venice 'saka 'yung dalawa niya pang kasama laban sa dalawang babae. Dumako ang tingin ko kay Venice na ngayon ay naka two piece lang. Litaw na litaw ang ganda nito.
Nakita kong todo support naman si Hace dito. Malapad ang ngiti nito habang pasigaw-sigaw pa na 'GO VENICE!'
Tsk.
Malamang mananalo 'yang mga 'yan kasi dalawa lang ang kalaban nila. Ang babaw. Hanggang sa naisipan kong inisin lalo si Hace. Or should I say, mag pa-impress.
Ewan ko lang kung e-epekto 'yun pero wala namang masama kung susubukan ko. Ngayon ko lang naisip ang ganito at natatawa ako sa gagawin ko. Dali-dali akong bumalik sa room ni Hace kung saan nan'dun ang mga gamit ko.
Kung sexy si Venice, p'wes ipapakita ko din kung anong meron ako. Medyu matagal na din mula 'nung nagsuot ako ng mga sexy na damit. Maybe this time mapansin na ako ni Hace.
I WORE a light blue two piece na mas lalong nagpatingkad sa kaputian ko.
Itinali ko din ang mahaba kong buhok showing my neck. Pagkatapos ay nagtapis lang ng manipis na tela at lumabas na ng silid na 'yun.
Kapansin-pansin ang paglingon sa'kin ng mga kalalakihang nadada-anan ko.
Meron pang tumawag sa'kin ngunit in-ignore ko 'yun at nagtuloy-tuloy lang sa kinaruruonan nila ni Hace.
Halos napalingon ang lahat sa'kin nang marating ko 'yung dalampasigan kung saan sila nag be-beach volleyball. Batid kong isa na si Hace 'dun. Inilibot ko ang paningin sa mga taong nan'dun and there,
I saw him.
Pero hindi sa'kin nakatingin kun'di kay Venice. Ngunit pasasaan ba at titingnan din niya ako. I will make sure of that. Lumapit ako sa dalawang babaeng kalaban nila Venice.
"P'wedeng sumali?"
I paint a wide smile at mukhang mabait naman ang mga ito at agad na tumango. Here we go. Makikita mong Hace ka na mas magaling ako sa ka fling mo.
Nagsimula na kami. Parang biglang nawala ang pananamlay ko. Ini-spike ni Venice ang bola at ini-spike ko ito pabalik.
Walang gustong magpatalo.
Pangiti-ngiti lang ako nang tamaan ako ng bola sa noo dahilan ng pagkatumba ko. Hindi naman masakit pero hindi ko alam kung anung ginawa nito. Nakaramdam ako ng hilo.
Hinintay ko na lapitan ako ni Hace pero hindi nangyari. Nakita ko pa s'yang lumapit kay Venice at nakipagtawanan. Inalalayan ako ng isang pamilyar na lalake. At di nga ako nagkakamali. 'Yun ang estranghero kagabi.
"Okay kalang?"
Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Tumango ako na kay Hace parin nakatingin. Ni hindi manlang siya nag-alala sakin.
Ayt!
Yna!
Anu ba kasi. Gusto ka ngang saktan 'nun eh. Tapos a-asa ka pang mag aalala 'yun sa'yo? In your dreams Yna. In your dreams.'
Bulong ng isip ko. Isang marahas na hininga ang pinakawalan ko pagkuwa'y nagsimula ulit kaming maglaro.
This time, titiyakin kong makakaganti ako. Isang malakas na hampas ang pinakawalan ko at,
Boom!! Sapol si Venice sa noo.
Matutuwa na sana ako kaso, I saw Hace, patakbong tinungo nito ang kinaruruonan ni Venice at agad na dinaluhan ang huli.
It brokes my heart over and over again.
----DEEJEE SAI