Zoe's POV
Tinapos ko ng mabilis ang nililinis ko sa kwarto at lumabas muna ako ng bahay
Tumambay lang ako dito sa Tree House
Tapatingala ako feeling ko may lalabas na luha sa mga mata ko
At hindi nga ako nagkamali
Nagulat ako may nag aabot ng panyo sa akin, si Clyde.
Agad ko pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko "ano ginagawa mo dito?" Tanong ko at umiwas ng tinggin sa kanya
Umupo din siya sa sahig
"I followed you, nagtaka kasi ako bakit ka umaakyat ng puno and I saw you na pumasok dito"
"Okay"
"And why are you Crying?" Tanong nito
Kaibigan naman siya ni Kiel diba? Baka may alam siya mga bagay bagay kay Kiel
Huminga naman ako ng malalim "gaano mo na kakilala si Kiel?" Tanong ko sa kanya
"We're best friend since kindergarden" napatango naman ako "Why?"
"May itatanong kasi ako sayo" sinabihan niya naman ako na go lang sa pagtanong sa kanya
"Nagkaroon ba siya ng ibang karelasyon?" Tumango ito "sino? Bakit sila naghiwalay?" Tanong ko
"Her name is Stella Ferrer"
Stella...
Yung pangalan na binabanggit ni Kiel, habang tulog siya...
"At hindi sila naghiwalay" napatinggin naman ako sa kanya at nakakunot ang noo
"Kung hindi sila naghiwalay? Ibig sabihin kabet ako" gulat na tanong ko
Umiling ito
"Hindi sila naghiwalay pero iniwan siya ni Stella" naguluhan naman ako sa sinabi niya
"Stella passed away 6 years ago, dahil sa trahedya noon" paliwanag nito "kinasal sila and after 2 weeks, inatake kami ng kalaban at dito lang din sa Cagayan nangyare yon. Pero hindi pa din matukoy kung paano talaga namatay si Stella lalo na wala naman bala o saksak sa katawan niya"
Dugtong na paliwanag naman niya
Bigla naman pumasok sa alaala ko noon anim na taong makalipas, may nabalitaan kami. May nagbabarilan dito lang malapit sa amin.
At 4th year high school pa lang ako
Magsasalita pa sana siya, na marinig namin boses nila
Tinatawag ang pangalan ko pati na din kay Clyde
"Zoe! Where are you?!" Boses ni Kiel
"Tara na bumaba na tayo" anyaya ko sa kanya, tumango naman siya
Siya ang nauna na bumaba "hala! Naging unggoy kana Clyde?" Rinig ko na sabi ni Sean pero mapang asar na salita
"Fvck you Sean" narinig ko naman ang bungisngisan nila
Dahan dahan naman ako bumaba "nanjan rin pala si Zoe" si Angel
"Alalayan niyo bumaba" utos ni Alice
"Back off Ramos" rinig ko na diin na sabi ni Kiel
At siya ang umalalay sa akin
Nang makababa na kami "ano ginagawa niyo sa Tree house ate?" Tanong ki Zico
Magsasalita na sana ako naunahan ako ni Clyde "i need signal for my phone, Zoe told me na pwede umakyat sa tree house dahil mas malakas ang signal at sinamahan niya ako" nagsitanguan lang sila
"Sige tara na, kain na tayo ng hapunan para makapag pahinga na tayo" anyaya ni Angel
At pumasok na kami sa loob ng bahay...