chapter 9 Jameson Silva

2477 Words
Thea's POV Kinabukasan ng pumasok kami ay wala ng Louie ang nang iistorbo. hangang sa umabot ng isang lingo. bakit parang nalulungkot ako? namiss ko na sya, ang mga pangungulit at pagiging clingy nito sakin sa oras ng trabaho. hindi naman dapat diba? walang kami. marami syang mga babae na iyon ang pinakaayaw ko. gusto ko kasi kapag nagmahal ako walang kakompetensya, walang kaagaw, pwede kung pagkatiwalaan ng puso ko kahit nakatalikod ako. mayaman man sya o hindi basta mapagkatiwalaan. ito ang gusto ko ang layuan na nya ako. kaya hindi na sya nagpapakita. well, hindi talaga kami pwede. "friend anong gusto mong ulam?" natauhan ako ng biglang magsalita si bakla "kahit ano nalang" "bakla walang ulam na kahit ano, bakit nalulungkot ka na naman? namiss mo sya ano?" nginusuan ko lang ito at inirapan "inlove na rin ang friend ko sa wakas" "anong inlove? pinagsasabi mo? hindi ako pwedeng mainlove don, babaero kaya yun" "oo na, hindi kana inlove," sabi nito at umiling "Manang Isang pritong tilapya at isang Pakbet nga po at tatlong kanin" "bakit tatlong kanin?" "friend masarap ulam natin, kaya tig isat kalahati tayo, food trip tayo ngayon dahil sa kabiguan mo kay Hot Papa Louie " pang aasar nito sakin. inirapan ko nalang ito at hindi na nagsalita pa. wala akong ganang pag usapan sya. "Pasko na bukas anong gusto mong ihanda natin friend for noche buena?" "Huwag na friend, labas nalang tayo. mamasyal tayo para pag uwi natin tulog nalang diritso. sa new year na tayo maghanda" "okay, sige. kung yan ang gusto mo, uminom nalang kaya tayo sa bar?" "mahal don at tsaka hindi ako umiinom" "my treat bakla, may 13 month ako kaya go tayo at tsaka hindi naman tayo magtatagal don dahil may pasok tayo kinabukasan" "sana all may 13 month, ilang araw nalang din matatapos na ang contract ko" nakakalungkot naman wala akong permanenting trabaho "okay lang yan. makakahanap ka rin ng kapalit. tutulungan kita." "salamat friend, pero pahinga nalang siguro mona ako. uuwi muna ako. namiss ko na kasi ang pamilya ko" malungkot kong saad. "okay sige, kilan mo gustong umuwi?" "January 1, eh wala na akong pasok nyan eh, ayoko namang natatambay ako ng matagal na walang ginagawa" "ano kaba, bakit agad agad? pwede ka namang magpahinga muna sa apartment kahit ilang araw" "uuwi nalang ako para kahit papano makasama ko ang pamilya ko kahit sa New year, matagal nang hindi ko sila nakakasama ng pasko at New Year eh" "hayy, ang sabihin mo nalulungkot ka lang, okay sige basta kapag may nahanap akong work para sayo tatawagan kita kaagad" nginitian ko nalang ito at nagpasalamat Kinabukasan ay yon nga ang ginawa namin. nag bar kaming dalawa. pagpasok pa lang namin. sumalubong na kaagad samin ang usok at samo't saring amoy galing sa loob pati ang sobrang lakas at nakakaindak na tugtog. Naghanap kaagad kami ng mesa pero dahil puno na kaya sa counter nalang kami nagpunta at umupo. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. kita ko kaagad ang kakaibang kasiyahan sa mga taong nandito ngayon. merong nagsasayawan, merong nagtatawanan, nagkakasiyahan sa kani kanilang table, may nag memake out kahit nasa public. humarap nalang ako sa Counter. nahihilo kasi ako sa mga ilaw. nakainom na ako ng kaunti pero dahil hindi ako sanay madali akong nahilo. light lang inorder namin pero si bakla mukhang sanay sa inuman. Habang nagkukwentuhan kaming dalawa, napatingin kami ni Bakla ng may lumapit sa tabi ko. umupo ito sa bakanteng upuan. "Hi" tumungin ito samin at tumitig sakin. ang ganda naman ng mata nya kulay gray na parang may pagka asul. diko sure, dahil siguro sa ilaw. ang tangos din ng ilong nya at mapupula ang kanyang labi. medyo may pagka matapang nga lang ang itsura nito dahil sa kilay nitong makapal at mabalbas na panga. mukhang laging seryoso sa buhay pero all in all ang Gwapo nya. para syang may lahing kastila. pero mas lamang pa rin naman si kumag sa kagwapuhan para sakin kahit nagtatampo ako sa kanya. "hi," malanding tugon ni bakla kaya siniko ko ito pero nakipagkamay parin ito sa lalaki na halatang nagningning ang mga mata "Jameson Silva" pakilala nito. mukhang mayaman syang tingnan. "hi Sir Jameson, Ako naman si Ron" tumango ito at binitawan ang kamay ni bakla "and you are Thea right?" napataas ang kilay ko sa lalaki at may pagtataka ko itong tiningnan. ngumiti ito ng tipid. parang ang mahal naman ng ngiti nya. "Pano mo- " "Pano ko nalaman ang pangalan mo?, well you are one of the Parking Attendant ni Mr. Guevarra, favorite ka ng mga security ko at binibigyan ka nila ng pagkain at dahil nalaman ko. ako na ang nagbibigay basta lang permanent kana doon" napanganga ako sa sinabi nito. ang dami nyang sinabi pero isa lang ang tumatak sa isip ko. sya ang may ari ng Telecom Company na yon at nagbigay sakin ng pagkain araw araw. "ikaw po yon?" tumango ito pero hindi pa rin tumatawa habang tumutunga ng alak "hala, thank you po talaga sa mga binigay nyo po. sa wakas personal ko na po kayong napasalamatan" "huwag mo na akong pino po, Jameson nalang" "bakla ang gwapo nya" kilig na kilig nitong saad. siniko ko ito pero mukhang narinig ni Jameson at seryosong nakatingin samin "ahm bakit hindi po kita nakikita sa Parking?" "nakikita kita doon gabi gabi, may driver kasi ako kaya sya ang tumatangap ng card na binibigay mo" napatango nalang ako "ahh kaya pala" "sya nga pala bakit hindi kana pumapasok doon, namiss kana ng mga security doon ayaw raw kasi nila ang mga nakaassign doon" bigla naman akong nalungkot sa tanong nya. namis kona rin sila. mabait kasi sila sakin. "namis ko na rin sila. tinangal na kasi ako ni Mr. Guevarra" kinwento ko djto ang nangyari bakit ako natangal. nang dahil sa binigay nyang pagkain. "tsskk that bastard, saan ka ngayon nagtatrabaho?" nakakunot nitong tanong sakin "sa Toy Store ng Tita nya. nung una hindi ko alam na sa tita nya yun, kilan ko lang din nalaman nong pumunta sya doon" "ohh so pumupunta sya doon?" "yes" hindi ko na kinwento na nangungulit ito doon. "kung kailangan mo ng trabaho, you can ask me, i will help you" sabi nito kaya napangiti ako. hindi pa rin ito tumatawa pero lumiwanag na ang mukha nito na halatang natutuwa. mabait din pala sya kahit mukhang masungit "tamang tama po Sir Jameson, matatapos na po ang kontrata nya sa Toy Store" bida ni Bakla. ang landi pa ng pagkakasabi nito. napatango naman si Jameson kahit seryoso ang mukha nito. mukhang stress din ito sa trabaho. parang si Kumag din laging seryoso ang mukha. ang hirap pangitiin. "tamang tama nga. here's my card tawagan mo ko kapag nakapagdecide kana," sabi nito kaya tinangap ko ang card at nagpasalamat. "anyway you can join us in our table. nandon ang mga friends ko ipapakilala ko kayo" sabi nito. alanganin pa ako pero si bakla hinila na ako at sumunod na lang kay Jameson. Ipinakilala nya ako at isa isa rin naman nyang ipinakilala ang mga friends nya pero wala akong matandaan sa pangalan ng mga kaibigan nya dahil hindi ako makatingin. may mga katabi kasi itong mga babae na halos doon na nagmemake out. "sa wakas may kinakausap ka na ring babae bro" sabi nong William ba yon? "gago, meron naman akong kinakausap ah hindi lang si Thea" "pero first time na may pinakilala ka samin bro after how many years" sabi pa nong isa. panay tawanan lang nila dahil sa mga biruan ng mga barkada nya. masarap silang kasama nakakailang nga lang kasi hindi ako sanay may kasama mga GRO sa table. pero kung sila lang magaan naman silang kasama. Nasa kasarapan kami ng pag kukwentuhan ng mangibabaw ang sigawan ng kabilang table "Cheers to our success guys, na launch na rin natin ang panibagong Model ng Phone" sabi nung isa parang pamilyar sya "yes, at maraming nag aagawan sa mga Unit na yon bro sayang nga lang at limited lang ang na release nating unit" parang sya yung nakausap ko sa parking. napadako ang mata ko sa isang lalaki ng magtaas ito ng baso "cheers thank you guys for your support and cooperation" sabi nito. biglang kumabog ang dibdib ko ng makilala at makita ito, pero parang tinusok ng karayon ng makita ko ang katabi nya na nakalingkis na. halos idikit na ang dibdib nito kay Kumag. yan ba yong friend lang "and thanks to Eng. Louise, what a nice design" "anything for my babe" sabi nito at idinantay ang ulo nito sa balikat ni Louie. hindi man lang inawat halatang nagustuhan din eh. naghiyawan naman ang mga kainuman nito. "what time ang alis mo bukas papuntang Dubai bro" turan nung isang pamilyar din sakin "7am" tipid nitong sagot "ganda ng new year mo bro, sa ibang bansa talaga, ganda ng fireworks display pa naman doon" "daanan mo nalang ako babe para sabay na tayo papuntang Airport" magkasama silang pupuntang ibang bansa? parang gusto nang tumulo ng mga luha ko sa sakit. napakuyom ako ng kamao sa narinig kaya pala hindi na sya nagpapakita dahil busy na sya sa babaeng yan, parang biglang sumikip ang dibdib ko sa nasaksihan. "Friend huwag mo ng tingnan" sita ni bakla sakin. nakita nya pala ang tinitingnan ko. iniwas ko nalang din ang tingin ko. ang sakit nila sa pandinig at sa mata. " balita ko billiones ang kinita Ng Guevarra na yan sa ni launch nilang panibagong model ng Phone,mukhang maganda, gusto ko nga sanang mg avil kaya lang ubos na" sabi nung isang kaibigan ni Jameson. narinig pala nila ang pinag uusapan sa kabilang mesa. "yeah, lucky charm nya yang babaeng katabi nya. well bagay sila" sabi din ni William. para na namang may pumiga sa puso ko sa komento nito. "tssk lucky charm, baka body charm" sabi nung isa kaya nagtawanan na naman sila "palong palo yang babaeng yan bro" sabi din ni Brex "mukha nga, yummy ba Jayson diba magkasama kayo nung nakaraan sa Condo mo?" what?..Grabe pala yang babeng yan. nag aprove naman yung Jason ang pangalan kaya nagtawann ulit sila. "sinwerte lang yang si Guevarra na yan. magaling maghandle ng negosyo" sabi pa ni William "Tskk kung hindi dahil sa Fil Brazilian Model na asawa ni Vladimier Montenegro hindi kikita ng malaki yan." seryosong saad ni Jameson "oo nga si Montessa ang nagdala. ganda kaya nya sa bago nyang komersyal kaya nakilala ang brand nya. ang swerte talaga ni Vlad sa asawa nya" sabi pa nong isa "Mayabang kaya yan, halimaw sa negosyo yan mga bro. pero ngayon ko lang nakitang nahilig sa babae yan after syang tangihan nong babaeng gusto nyang pakasalan" sabi pa nong isa. muntik na pala itong ikasal? "tsismoso ka talaga" sabi din naman ng kainuman nya. hindi ko na kinaya pang makinig sa usapan nila kaya napagpasyahan kong magpaalam na sa kanila. alas 10 na ng gabi, medyo may tama na rin ako at may pasok pa kami bukas. para na kasi akong tinutorture sa mga nangyayari. "uwi na tayo bakla" sabi ko kay Ron "ihahatid ko na kayo" sabi naman ni Jameson at tumayo na rin. "no, huwag na nakakahiya naman" sabi ko "okay lang, inaantok na rin naman na ako, may meeting ako bukas kaya kailangan maaga akong gigising" sabi nito "wow, go bro, we will support you. ingat Ms. Thea, huwag ka mag alala mabait yan at hindi babaero" malakas na boses ni William. kaya nagsigawan ang mga kaibigan nya at inaasar si Jameson nakakuha na rin kami ng atensyon dahil sa ingay nila. napapailing nalang si Jameson sa mga kaibigan nya at inalalayan akong lumabas na ng Bar. binati pa nila ako ng Merry Christmas bago kami umalis. Pinasakay nya kami sa sasakyan nya. magkatabi kami sa likod at sa harap naman ay si Ron katabi ng driver. napansin ko ring may mga nakasunod sa aming body guards at doon sila sa kabilang sasakyan sumakay. nakaconvoy lang ito samin. ganun ba talaga ito kayaman? nagring ang phone ko at nakita kung si Louie ang tumawag kaya pinatay ko. ayoko syang makausap neknek nya. tinago ko nalang ito sa bag nang magsimula ng umandar na ang sasakyan. "tawagan moko ha, my mga marerecommend ako sayong mga trabaho na mas bagay sayo" sabi ni Jameson. natutuwa ako na kahit lagi itong seryoso at nakakaintimidate ang dating ay sobrang bait nito sakin kaya nama magaan kaagad ang loob ko sa kanya "sige, pero siguro pagkatapos na ng bakasyon ko. uuwi muna ako sa pamilya ko after New Year. "ibig sabihin hindi mo kasama ang pamilya mo ngayon?" "yes, kami lang dalawa ni Ron ang magkasama sa Apartment kaya hindi na kami naghanda ng pang noche buena" "doon nalang kaya kayo mag New Year sa bahay tutal ako lang din namang mag isa kasama ang mga maids ko pala" "wala na po kayong parents" malungkot itong umiling. "sorry to hear that" tumango lang ito "gusto ko yan friend, doon nalang tayo para masaya naman ang New Year natin" sabi ni bakla. narinig pala nito ang usapan namin. kaya tumango nalang din ako at ngumiti "yeeyy. ang saya" masaya nitong saad at kinurot kurot pa ang katabi nitong driver. napapailing nalang ako sa kakulitan nito Nagriring na naman ang phone ko. si kumag na naman. "bakit ayaw mong sagutin yang kumag na yan?" amuse nitong saad sakin maging si Ron ay napatingin na rin at may mapanuksong tingin itong ipinukol sakin. "ayiieehh friend naalala ka. babatiin ka siguro ng Malungkot na Pasko sweetheart" pang aasar nito sakin "sino si kumag? boyfriend mo?" tanong ni Jameson "muntik na po kaso may iba na si Sir Louie" pambubwesit pa ni bakla. sinamaan ko naman ito ng tingin "Louie?"nag iisip pa ito pero sa huli ay napapailing nalang ito "Nililigawan ka pala ng siraulong yon? bakit diko na gets kaagad, kaya pala pinupuntahan ka nya sa parking namin. ikaw pala ang sadya" gulat akong napatingin dito na nakakunot ang aking noo. pinupuntahan nya ako? "what do you mean?" "pinupuntahan ka doon kapag gabi. siguro pagkagaling nya sa trabaho. di kayo nagkausap?" tanong pa nito pero umiling lang ako. hindi ko talaga maintindihan yung kumag na yon. ginagamit lang siguro nya ako. kinukuha lang siguro ang loob ko. tapos iiwanan kapag bumigay na ako. naghahanap ba sya ng reserba? at ako ang nahanap nya? "actually hindi naman sya nanliligaw" sabi ko "really? so bakit tumatawag sya sayo at pinipuntahan ka pa nya sa parking?" "hindi ko rin alam" nasabi ko nalang "pumupunta din po sya sa Toy store tapos ang sweet nya kay friend laging nakadikit" pang aalaska pa ni bakla "really..tsskk. mukhang may gusto sayo yun, kaya lang parang may girlfriend na yon eh" sabi pa nito. para na namang pinipiga ang puso ko diko rin mintindihan bakit pa sya tumatawag sakin eh ksama nya naman ang girlfriend nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD