CHAPTER 3

3633 Words
KASALUKUYANG NAKALULAN sa sasakyan kasama ang kauna-unahang kustomer. Halos balde na yata ang iniluha dahil sa pamimilit ni Bogart na maisakay sa magarang sasakyan ng intsik, hanggang sa magkaroon pa nang kaunting kumusyon dahil nagmamakaawang huwag ibigay sa lalaki, dahilan upang makatikim nang matunog na sampal mula kay Madam Lolly. "Iyak ka pa kasi, 'ayan sampal ka tuloy Lolly." nakangising saad ni Mr. Ching. Hindi kumibo sa mga patutsada nito hanggang sa maramdamang hinimas ng lalaki ang aking hita. Matamang umiwas ngunit imbis magalit ay tumawa lamang ito. Nasa bandang likuran kami nakapuwesto habang tahimik na nagmamaneho ang driver subalit mababakas sa mga mata ang awa para sa'kin. Maya-maya'y huminto ang kotse sa tapat nang isang magarang gusali. Ngayon lamang nakatuntong sa ganitong klaseng istruktura dahil karamihan sa Santa Fe'y puro mansiyon o malalaking bahay nang asyendero ang malimit hangaan ng mga tao. Sapilitang bumaba kasabay ni Mr. Ching saka malaswang inakbayan ng lalaki, ngunit dahil sa pandidiri'y lumalayo rito. "Ako pikon na sa'yo ha, ako bayad malaki kay Lolly." iritadong saad. "Parang awa mo na! Pakawalan mo 'ko!" bulong dito. Tumiim-bagang ang intsik saka padaskol na dinala sa tapat nang bumukas na pinto. Muntik mapasigaw ng umandar ito pataas, ngunit hindi na mahalaga ang mga kakaibang nakikita sapagkat ang importante sa'kin ngayon, makatakas laban sa manyak na lalaki. Nang makarating sa tinutuluyan nito'y kaagad itinulak ni Mr. Ching sa loob. Hindi makahuma sa kaba dahil hindi lamang siya ang naroroon kundi maging ang kaibigan marahil ng lalaki. "I bought this stupid girl, Lee." "Sige pagtapos mo, ako!" anang kasamahan niyang burdado ang katawan. "Virgin." Tumawa lamang ang tinawag na Lee hanggang sa hinatak nang intsik papasok sa kuwarto, saka marahas na itinulak sa kama't dali-daling sinunggaban ni Mr. Ching ngunit nagpumiglas sa ginagawa ng hayop. "Tulong!" "Huwag ikaw magulo!" ganting sigaw nito. Halos matulig sa sampal ng lalaki, nang akmang susuntukin ay nakabuwelo bago tinadyakan sa maselang bahagi ang intsik, dahilan upang mapahiyaw ito sa sakit. "Ah, puta ina ka! Lee tulong puta ina!" tawag nito sa lalaki sa labas. Pumasok ang isa pang intsik, kapagkadaka'y susunggaban sana ako, nang hinawakan ang vase sa gilid at walang patumangging binato sa ulo subalit napasigaw ako sa takot sapagkat bumagsak ang kasamahan ni Mr. Ching. Hindi malaman kung napuruhan basta ang tanging nasa isip sa mga oras na iyon ay makatakas. "Walanghiya ka babae ka!" ani Mr. Ching. "Mas walanghiya kayong lahat! Pakawalan ninyo ko rito..." "Hindi ka makakatakas dahil dampot kita pulis!" Kinuha ang matulis na bubog at iwinasiwas sa intsik, tila nabagdan nang takot dahil sa ginagawa ko. "Sige subukan mong lumapit kundi matutulad ka sa kaibigan mo!" pananakot dito. "Alis ka rito! Tandaan mo 'di pa tayo tapos!" pagbabanta ng intsik ngunit walang makapang kahit anong takot kahit nanginginig ang buong kalamnan. Pagapang itong lumapit sa nakahandusay na kaibigan habang sapu-sapo ang kaselanan. Doon nakakuha nang tiyempong tumakbo palabas ng kwarto. Nanginginig na kinuha ang parang ID sa ibabaw nang mesa, kung saan napansing sinuksok ng lalaki bago makapasok kanina. Tumunog ang pinto kapagkadaka'y nagmamadaling binuksan, ngunit nahinto sapagkat may biglang humaltak sa buhok. "Akala mo makakawala ka akin ha?" "B-Bitiwan mo ko! T-Tulong!" bahagyang nabuksan ang pintuan. Sinapo ng hayop ang aking pisngi animo gustong durugin sa sobrang higpit, subalit hindi nagpatalo. Bagama't hinahatak nito ay kumakapa nang maaaring ipampukpok. Kalauna'y hinablot ang isang maliit na lalagyang punung-puno nang upos ng sigarilyo, saka malakas na hinampas sa intsik rason para mapa-igik si Mr. Ching. Tuluyang bumitaw ang lalaki hanggang sa kumaripas ako patungong pintuan. Bahagyang lumingon sa pinanggalingang kwarto habang lakad-takbo palayo rito, kaya nahagip ng paningin na sumusunod pa ang intsik tila hindi yata titigil hangga't hindi nahuhuli. Sa sobrang takot ay pumasok sa ilang kuwartong nakabukas saka napasandal sa kaba. Namataan sa salamin malapit sa pintong pinasukan ang gula-gulanit na bestidang hakab sa katawan, nakapanyapak at gulu-gulo ang buhok, at sa pagkakataong 'iyon ay bumuhos ang hagulgol dahil sa nararamdamang awa para sa sarili. Sumiksik sa sulok saka idinantay ang luhaang mukha sa tuhod, sapagkat hindi masikmura ang posibleng kinahinatnan sa mga kamay ng manyak na lalaki kung sakaling hindi nakatakas. "Who the heck are you?" anang baritonong boses na sadyang nagpatalon sa puso. Lumingon sa binatang nakatayo sa harapan habang nakapameywang at nakasuot nang robang kulay abo. Ang pamilyar na mga mata, matangos na ilong at matingkad na mestisong balat na tulad sa adonis na hinahangaan noon...tulad ni Senyorito? "You're trespassing, miss!" "P-Parang awa mo na, huwag mo 'kong isusumbong sa pulis. Kailangan ko lamang magtago..." nabalong ang luha sa mata. "I don't want to be involved in your trouble..." pasuplang saad nito. "Nakikiusap ako gagahasain nila ako kapag nahuli nila. Parang awa mo na!" nahihintakutang usal dito, rason upang lumambot ang ekspresyon nang lalaki at marahang lumapit sa'kin kaya mataman akong sumiksik sa sulok. "Anong sinabi mo?" "M-Mayroong humahabol sa'kin, hindi ko sinasadyang saktan sila. P-pinagtanggol ko lamang ang sarili ko." nangangatal ang labi. "Kilala mo ba ang mga lalaking sinasabi mo?" may bahid pag-aalala ang lalaki. "P-Parokyano ni Madam L-Lolly!" Halos magkandabuhul-buhol ang mga salita ngunit 'di hayagang makatingin dito. "C'mon get up! Kailangan nating i-report sa pulis..." "Huwag...parang awa mo na!" hinawakan ang kuwelyo ng lalaki kaya mas lalong naglapit ang aming katawan ngunit 'di nakatakas sa ilong ang mabangong amoy ng binata. Matagal namayani ang katahimikan kapakadaka'y inalalayan nang pamilyar na bulto upang makatayo. Hindi nakatakas sa paningin ang dumaang awa o hindi mapaliwanag na emosyon sa mata ng estranghero. Pilit tinatakpan nang palad ang nasirang damit dahil medyo nagtagal ang mata ng binata sa maumbok na dibdib at mga hita. "P-Pasensiya na..." anas ko sa pagitan ng mga hikbi. Tumiim bagang lamang ang estranghero bago pumasok sa marahil silid nito. di katagalan, lumabas ang binatang may hawak na kamiseta. "Change your clothe" simpleng saad ng lalaki na noong una'y nagdadalawang isip abutin. "S-Salamat." mahinang saad saka pinunasan ang luha sa gilid ng pisngi. Kumibot ang labi ng binata bago umupo malapit sa sofa. Ilang sandali ring nakatungo't hindi nagsasalita habang panay kutkot sa daliri ang tanging ginagawa sapagkat walang kongkretong plano. "May mauuwian ka ba?" putol nito sa mga gumugulo sa isip. "Sa kasa..." "Kasa? You mean..." "Hindi ko g-gusto roon, napilitan lamang ako kasi binili ako ni Madam Lolly kay tatay," inosenteng litanya sa binata kahit hindi naman nito kilala ang tinutukoy. "How can I help you?" sinserong tugon ng binata kahit hindi maintidihan ang sinasabi nito. "A-Anong ibig sabihin...pasensiya na," yumuko sa hiya. "Paano kita matutulungan?" Matagal hindi nakaimik tila nagtatalo ang isip at puso kung tuluyang tatakas sa kasa o babalik ngunit naalala ang kwintas at mga gamit na dala bago umalis sa Santa Fe. "S-Salamat sa pagtulong mo o pagpapatuloy s-sa'kin kaso kailangan kong b-bumalik..." "Nakatakas ka na sa kanila pero gusto mo pa ring bumalik? Maraming matinong trabaho rito kaya 'di mo kailangang manatili sa impyerno, miss." "M-May dahilan po ako," "Anong gusto mong mangyari?" malalim ang buntong hininga nito. "P-Puwede po bang ihatid niyo 'ko?" anas sa binata. "Saan?" Muling natahimik sapagkat hindi alam kung saan ihahatid hanggang sa matamang tumitig sa gawi nito. SINAMAHAN NANG BINATA sa ibaba't inalalayan palabas nang naturang gusali subalit kaagad ginapangan ng kaba nang mamataan si Bogart sa tawid habang nakatayo malapit sa nakaparadang van. "K-Kuya, dito niyo na lamang po ako iwan," pakiusap sa binata. "What?" "A-Ayos lamang po ako," "Sigurado ka?" "Opo, salamat." Nanginginig ang mga kamay at tuhod sa takot ngunit kailangang magpakita nang tapang lalo't walang kakayahang lumaban sa ngayon. Hindi pwedeng basta na lamang iwan ang gamit o ipinamanang kwintas ni Nanay lalo't hinabilin ng ginang ang mga iyon bago namayapa. "Mag-ingat ka na lamang, miss" Parang napipilitan ang binatang iwan sa daan hanggang sa tuluyang bumalik sa gusali. Doon pa lamang lumapit si Bogart upang hilahin papasok sa mismong loob ng van. "Lagot ka na naman kay Madam Lolly. Tumawag si Mr. Ching sa kanya," Nanatiling walang kibo habang nakatingin sa malayo. "Ang tigas kasi ng ulo mo! Gustung-gusto mo yatang nasasaktan ni Madam." susog nito. Tumulo ang luha ngunit mabilis pinalis sapagkat walang magiging kakampi kundi sarili. 'Zarina, lumaban ka sa mundo dahil hindi puwedeng mababoy nila ang pagkatao mo' Nang makarating sa mismong bahay-aliwan ay halos pasado madaling-araw na kung kaya kaunti na lamang ang mga naroroong kustomer, hanggang sa iginiya ni Bogart sa loob nang silid kung saan naabutan ang ginang na nakalarawan ang matinding galit. "Madam Lolly--" makikiusap sana sa babae ngunit mag-asawang sampal ang sumalubong sa'kin. "Putang ina mong babae ka! Ipapahamak mo pa 'ko sa mga regular dito! Hindi mo alam na maaring ipasara ni Mr. Ching 'tong negosyo kong hayop ka dahil sa ginawa mo!" "Madam Lolly patawarin mo po ako--hindi ko po masikmura--ugh" pakiusap ko ngunit imbis makinig ay sinabunutan ng ginang subalit hindi makapalag sapagkat hawak ni Bogart ang magkabilang braso. "Kapag naulit ang ganitong pangyayari baka 'di mo magustuhan ang magawa ko sa'yong babae ka!" "P-Parang awa niyo na..." "Huwag pakainin ang tontang 'yan para magtanda. Kabagu-bago, sakit kaagad sa ulo!" anito saka nilagpasan ng ginang. Doon pa lamang binitawan ni Bogart bago itinulak sa sulok. Hindi maiwasang matakot sa mga pagbabantang sinabi ng ginang ngunit ang tanging naglalaro sa isip ay mga bagay na dapat gawin upang makatakas sa impiyernong lugar na 'to. Buong gabing hindi nakatulog dahil iniisip ang lalaking tumulong sa'kin. Di maintindihan kung bakit hindi dalawin nang antok, marahil sa gutom at pagod na kinakaharap mula kagabi idagdag pa ang paulit-ulit na paglitaw nang maamong mukha ng binatang kamukha ni Senyorito sa isipan. Zarina huwag masyadong matayog ang lipad... Sapilitang pumikit at nagbabakasaling makatulog kahit kaunti. ILANG ARAW ANG LUMIPAS hanggang sa masanay sa gabi-gabing kustomer na pinipili ako para samahan ang mga kalalakihan sa kanilang mesa, ngunit hindi masyadong naglalalapit upang makaiwas sa gulo. Nilalasing lamang ang mga ito hanggang sa mawala sa katinuan kapagkadaka'y makakatulog na lamang sa loob ng kasa. "Girl, naisahan mo na naman yata mga kliyente mo, ha?" natatawang saad ni Apple habang nag-aayos ng pilik-mata. Ilang minuto na lamang ay sasalang na'ng babae sa entablado kabilang sina Honey. Bukod sa pagsasayaw, lumalabas din ang dalaga kasama ang mga kalalakihan ngunit hindi ko mahusgahan ang babae sapagkat kailangan niya raw nang madaliang kita para sa nag-iisang anak. Pare-parehas kaming kinuha ni Madam Lolly sa mga malalayong probinsya para subukin ang malawak na lungsod ngunit ang pinagkaiba lamang ay alam na raw ni Apple na ganitong klaseng trabaho ang madaratnan sa Maynila. "Ayos lamang sa'kin ang maliit na kita Apple," nangingiming saad dito. "Alam mo bilib ako sa'yo.Sana ganyan din ako katapang tulad mo, pero kailangan kasi ng anak ko," malungkot na pahayag nang tinuturing na kaibigan. "Huwag ka mag-alala makakaraos din." "Paano girl, gigiling na naman ang lola mo kaya maiwan na muna kita!" inayos ni Apple ang tube na suot saka tinapik-tapik ang pisngi. Mababakas ang naluluhang mata ng babae habang nakatingin sa salamin subalit mabilis ding napalis 'gang sa napalitan nang palaban na emosyon. "Gaga ang tagal mo, hinihintay na tayo ni Honey!" biglang sumungaw si Aubrey sa pinto. "Oo girl papunta na!"untag nito. Naiwang mag-isa sa gilid habang naghihintay nang susunod na pagsalang, subalit habang wala pang tumatawag ay muling binuksan ang pabilog na disenyo sa kwintas. Tumambad ang maliit na litrato ng mga 'di kilalang tao. "P-Posible kayang kayo ang mga magulang ko?" bulong sa sarili. Magmula nang umamin ang nakagisnang ama na hindi sila ang tunay na mga magulang, halos gabi-gabing iniisip kung saan magsisimulang hanapin ang totoong pagkatao. Para kang isang paslit na iniwan sa daan at hindi mo alam kung paano ka makakauwi. "Nay, tulungan niyo po akong mahanap sila...kung talagang--" Biglang bumukas ang pintuan dahilan upang mabilisang isinilid sa supot ang kwintas. "Pucha, ang init sa stage!" reklamo ni Jennica. "Tanginang matanda 'yon napakabarat pero halos lamutakin na buong katawan ko!" pagmamaktol ni Aubrey na kinuha ang stick ni Apple saka sinindihan sa gilid. "Ang dami niyong reklamo! 'Yang isa nga diyan paupu-upo lamang ang ginagawa pero kumikita..." kuntodo irap ni Honey sa kinapupuwestuhan ko. Walang nakaimik sa mga kababaihan habang nakikisimpatya si Apple dahil sa pagiging magaspang ni Honey. Maya-maya'y naghintay na lamang silang tawagin ni Bogart kung mayroong gustong tumeybol o mag-take out, kinalauna'y pumasok si Madam Lolly sa loob ng silid kung kaya nagsi-ayos nang pagkakaupo ang mga ito. Samantala, nakatahimik lamang ako sa sulok at piniling hindi kumibo. "Mga bruha, mayroong mga grupo ng negosyante at abogadong nag-iinuman dito. Bago lamang sila sa ganitong lugar." "Madam, makwarta?" pabibong tanong ni Honey. "Tonta, hindi lamang madatung..." tinapik ang ilalim nang baba kaya nagtilian ang mga babae. "A-anong ibig sabihin 'nun? "Pogi girl!" "May mga kustomer naman talagang gwapo at mayayaman 'di ba?" saad kay Apple. "Ewan ko kung bakit tuwang-tuwa si Madam..." bulong nito. "Ang kailangan ninyong targetin 'yong mismong may kaarawan dahil mas mukhang madatung," "Akong bahala sa kanya Madam" muling saad ni Honey. Nagkatinginan lamang ang mga kagrupo nito hanggang sa pumaypay nang mabilis si Madam Lolly. "Honey, hindi ikaw ang mamimili kundi ang mga kliyente. Mamaya papupuntahin ko rito kaya maghanda-handa na kayo!" pagtataray ng ginang na mukhang naging tampulan nang kahihiyan para sa dalaga. "Akala kasi niya lahat ng lalaki gusto siya!" bulong ni Katya. "Shh, marinig ka tanga!" si Jennica. Umirap lamang ang kasamahan saka naunang humarap salamin upang dagdagan ang nalusaw na make-up sa pawis. Tahimik na tiningnan si Honey bagamat nahuli nitong nakatingin sa kanya. "Anong tinitingin-tingin mo diyan? Hindi ka mapipili kaya 'wag kang umasa!" singhal ng babae kaya 'di maiwasang matameme. "Tabi nga diyan!" sita ni Honey kay Katya kahit ito ang naunang pumwesto sa harapan ng salamin. Walang nagawa kundi pagbigyan ang babae sapagkat malakas ito kay Madam Lolly dahil siya ang may pinakamalaking perang nadadala sa kahera ng matanda. Kalahating minuto nagtagal ang paghihintay nang pumasok ang isang binatang kulang yata ang salitang makisig. Hindi maintindihan kung bakit nasa ganitong lugar ang mga ganiyang itsura na parang labis ang deskripsyong gwapo. Mas mukhang bagay siya sa mga sosyal na lugar. Oo, mayroon din namang mga gwapong negosyante o ilang expat ang pumupunta rito, ngunit hindi ganitong kataas ang kalibre. Isang dahilan na siguro kung bakit masaya ang timpla ni Madam Lolly. "Tangina girl kahit walang bayad, ako na mismo ang magtatrabaho," ipit ang boses ni Apple sa gilid maging mga kasamahang naglalaway. "Sa true bruha!" sabad ni Jennica. Sino nga namang hindi maglalaway sa lalaking nakatayo sa harap? Matangkad, matangos ang ilong, mapulang labi at matipuno ang katawan; idagdag pa ang nakakanginig-tuhod na titig ng binata. "Girls, si Sir ang mamimili para sa kaibigan niyang may kaarawan ngayon." masiglang saad ng ginang. "Shall I choose now?" anito kay Madam. Pati yata boses nakakabighani kaya animo mga bulating sinilaban ang puwet nina Honey. "Sir, ilan ba ang kailangan mo?" "I'm only choosing four," "s**t! Sana ako ang mapili. Okay lang kahit hindi na sa may birthday!" bulong ni Aubrey. "Tumahimik kayo, alam niyo naman kung sinong mapipili!" pagmamayabang ni Honey. Tumikhim ang binata saka isa-isang nirikisa ang mga nakahilera hanggang sa nagtagal sa gawi ko dahilan para iiwas ang mga mata sapagkat walang balak na makipag-unahan sa mga kasamahan. Ang tanging gusto ko lamang ay matapos ang bawat gabing tulad nito. "I want that young lady for my friend" dinig kong sabi ng binata. "Ah-eh sigurado kayo, Sir? Marami pa namang pagpipilian, tulad nitong star namin--" marahil si Honey ang tinutukoy. Ni hindi magawang tingnan ang binata para 'di maging pansinin o mapili ng kliyente. "No, I want her for my friend." pinal nitong saad. "A-Apple ikaw yata..." imporma sa katabi. "Girl, hindi ako." bulong nito. "Zarina..." nagdadalawang isip si Madam Lolly lalo't hindi lingid sa kanila ang mga nangyari noon kay Mr. Ching. "P-Po?" Tumikom ang bibig ng matandang babae animo sinisenyas ng mga matang hindi pwedeng pumalpak. Ang mga lalaking 'to yata ang kauna-unahang kliyenteng nasa may pinakamataas na pedestal kahit bago pa lamang sa lugar na iyon. "Tumayo ka na diyan..." "O-Opo" "Sasamahan mo lamang sila sa table. Goodluck girl!" kinindatan ni Apple. "I also want the girl beside her," Ang mga sumunod na napili'y si Apple, Jennica at Honey kaya kuntodo irap ang dalaga sa gawi ko saka nangunang lumabas sa silid at sinasabayan ang gwapong lalaki kahit parang hindi naman siya pinapansin ng binata. "Ang epal talaga ni Honey," susog ni Jennica. Natawa lamang si Apple sa mga litanya ng babaeng kasabayan namin. "Hindi naman siya ang napili para sa celebrant." ismid nito. "Hayaan mo na girl, maganda raw siya kaysa kay Zarina." sarkastiko ang pagkakasabi ng kaibigan kaya dinunggol ko ito upang sawayin. "Gaga, totoong mas maganda ka pa diyan kaya galit sa'yo kasi inggit." dagdag ni Jennica. "Shh, baka marinig kayo" saway sa mga ito. TUMUNGO kami sa kinaroroonan ng mga kaibigan ng binata. Lima o pito yata ang mga naroroon ngunit apat lamang ang kinuhang babae. Ito ang pinaka-VIP seat sa lahat ng mga upuan ni Madam Lolly, dahilan upang mas lumuwa ang mata nina Honey sapagkat puro yata batam-bata ang mga negosyanteng 'to. Walang tulak-kabigin sa mga hilatsa nang mukha animo kinuha sa mga babasahing aklat o T.V. "s**t girl! Ang sasarap nila!" ingit ni Apple sa gilid. Hindi pa man nakakaupo sa couch ngunit parang maninila na'ng mga kasamahang babae. "What the heck kuya! Are you f*****g serious with your trip?" natatawa ang binatang tinawag na Peter. "f**k you Judas! Do you think Derreck will bite your game, huh?" anaman nang isang lalaki saka diretsahang tinungga ang alak. "Relax, Xavier! Malinis 'tong nakuha ko para kay Garcia." nakangisi ito. "Putangina mga trip mo, Jud!" Nagtawanan ang mga kalalakihan saka pinaupo kaming apat na magkakahiwalay sa couch. Ang mabuting napansin sa mga naroroong bisita'y hindi malilikot ang kanilang kamay, kabaligtaran sa karaniwang kliyente ni Madam Lolly, animo may mga sinasabi talaga sa buhay. Sino nga naman ang papatol sa katulad naming ganito ang uri ng trabaho? Imposibleng walang magaganda o mayayamang babae ang nahuhumaling sa mga ganitong klaseng kalalakihan. Walang tigil na hinaharot ni Honey ang mga katabing binata, ngunit tinitignan lamang siya ng mga ito. Samantala, nakapirmi ako sa isang tabi. "Bakit hindi ka kumikibo?" anang nagngangalang Judas. "P-Po?" "Is this..uh ganito ba talaga trabaho mo?" anaman nang isang binata. "O-Opo." "By the way, I'm Andrew Earnest--ikaw?" magiliw na saad nito. "Z-Zarina Gallon" "Nice name." ani Judas saka sumimsim ng alak. "Ilang taon ka na ritong nagtatrabaho?" muling tanong ni Andrew. "D-Dalawang linggo" "Mukha ngang bago ka, 'di tulad ng mga kasamahan mo" tumawang pagak si Judas na parang may ibang ibig ipagkahulugan. "Anong ibig mong sabihin?" "Don't get me wrong lady. Ang ibig kong sabihin, hindi ka agresibo tulad nila." Nagpasyang hindi magkomento sapagkat maaaring maging negatibo ang kalalabasan kung makikigatong sa mga sinabi ng binata. "Nasaan ba si Pareng Derreck?" sabad ng katabi ni Apple. "Tawagan mo, Michael" anito "s**t! Baka nagrereview pa yata..." sabad ng isang lalaki kaya nagtawanan ang lahat. "Lyndon, 'wag mong bullyhin si Garcia mas matanda sa'yo 'yon." ani Andrew. "Huwag ka mag-alala magmamano ako kay abogago!" Nagmumukhang tanga ang mga kasamahang babae sapagkat hindi sila pinapansin ng mga ito, kaya halos desperadang kilos ang ginagawa ni Honey. Tila hindi niya pa rin makuhang laru-laro o trip lamang ng mga kalalakihan ang pagpunta sa ganitong klaseng lugar. Medyo madilim sa kinapupwestuhan namin ngunit kung aaninagin mo ang mga lalaki'y wala talagang tapon sa mga itsura nila. Maya-maya'y nag-anunsiyo si Judas sa pagdating nang lalaking tinutukoy nito. "Pare, nandiyan na abogado natin," anang Michael ang pangalan. "Sa wakas" sabad 'nung Alex. "Amigo!" tumayo si Peter at sinalubong ang binatang hindi masilayan sapagkat nasa bandang likuran nakapuwesto ang entrada. "f**k you! What are you guys doing here? I thought we'll gonna celebrate in Flip Bar? Tangina naligaw pa 'ko!" anang may kaarawan. "Sisihin mo 'yang si Jud! Ang lakas nang sapak sa ulo..." ani Xavier. Naiwan kaming apat na babae sa couch kasama ng ilang bisita nito. "Pare, gusto ko lamang maiba ang ambiance ng birthday celebration mo!" litanya ni Judas. Kung makikita sa liwanag ang mga mukha nina Honey tiyak tumutulo na laway nila sa mga kalalakihang kasama sa VIP seat. "They don't have any parking area. Puta, kapag nasalisihan 'yang kotse ko ikaw pagbabayarin ko Judas!" reklamo ni Andrew. "Nahirapan ako sa mga kotse ninyong nagdouble park sa gilid." sabad nito. "How did you know this kind of place?" muling saad ng tinatawag na Derreck. "I just googled it." tumawa si Judas. Nanigas na yata sa kinauupuan sapagkat di magawang tingnan ang mga lalaking nagkumpulan sa likod para lamang salubungin ang may kaarawan. "Pare upo na! Sa'yung-sa'yo ang gabing 'to!" ani Andrew. Lumipat si Judas sa kabilang bahagi ng couch kaya mas tumikwas ang mukha ni Honey dahil hindi siya tinabihan nang huli, imbis ay si Jennica. Mayroong umupo sa'king tabi kaya napagitnaan nina Andrew subalit hindi 'yon ang nakapagpatigil sa buong sistema ko kundi ang pamilyar na amoy ng binata sa kaliwa. "Hey, may I sit beside you?" anito kaya pasimple akong umusog malapit kay Andrew kahit hindi naintindihan ang sinasabi nito. "Sayang hindi ka para sa'kin Zarina..." pagbibiro ng bagong kakilala. "Derreck appreciate naman my gift! Pucha ang mahal niyan ha.." untag ni Judas. "You guys are asshole! Buti na lamang di 'ko inimbitahan sina Britanny and friends!" dagdag nito. "Zarina.." ani Judas "P-Po?" "Virgin pa 'yang si Mr. Lawyer?!" Nagtawanan ang lahat ngunit 'di makatingin sa lalaki kaya ni walang ideya kung anong itsura ni Derreck. "Hi gift!" bati ng binata saka nakipag-high five sa katabing si Andrew kaya naisipang lumingon dito dala nang kuryosidad ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata maging nang binata. "I-ikaw?" "Ikaw?" "Sila?" mayroong nagbirong isa sa mga kaibigan ng lalaki. "Are you guys f*****g knew each other?" untag ni Xavier. Miski sina Apple ay nalilito sa mga nangyayari lalo't biglang sumeryoso ang mukha ng mismong may kaarawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD