Hinihintay ko na dumating si Nurse Hannah dahil oras na ng pag-inom ng gamot ko. Sa ngayon nagbabasa nalang muna ako ng libro para maibsan ang pagkabagot ko sa paghihintay.
Nagsalita at nagpaalam sa akin si Inay at sinabing may pupuntahan lang daw muna siya, kaya hindi na ako nag-abala pang lingonin pa siya at tanging tango na lamang ang isinagot ko sa kaniya.
Ako kasi yung klase ng tao na kapag nakatutok na ako sa ginagawa ko lalong-lalo na kapag nagbabasa ako hindi ko na napapansin yung mga nasa paligid ko. Kunti nalang nga at magpapalagay na ako ng malaking karatula na may nakalagay na;
"DON'T DISTURB ME,I'M BUSY!"
Nakakairita kasi kapag may nang-iistorbo sayo,lalong-lalo na kung nasa c****x ka nang happenings of the story. Tapos may bigla nalang magsasabi......
"Hoy!Andoy, kakaselpon mo maghugas ka nang pinggan!"
o kaya.
"Andoy.." sabay kalabit "pwede ba akong…….. makautang muna sayo?"
At marami pang iba,Suss talaga gigil nila si ako!. Tapos kapag hindi sila pinansin magagalit sila. Tsk! wag ako mga pesteng y*awa kayo! lumayas kayo sa harapan ng fes ko at ang aking pagpapahinga ay inyong iniistorbo!
Papunta na ako sa exciting part eh, magmimilagro na yung mga bida ,tapos bigla nalang silang susulpot!papansin sila?!. *sigh* lengye talaga.
*****
Sa sobrang pagkakatutok ko sa aking pagbabasa hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa kwartong inuukupa ko.
"Ahem." malakas na pagtikhim ng taong pumasok.
Kaya napabalikwas ako ng bangon sa komportableng pagkakaupo ko sa hospital bed, muntikan pa ngang mahulog ang libro ko, buti nalang mabilis yung reflexes ko at nahawakan ko ito kaagad, pero dahil sa biglaan kong pag-galaw pati yung pilay ko nadamay.
"ARAY!!!!" napasigaw ako dahil sa kirot na naramdaman ko. Sabay hawak sa paa kong sumasakit.
"Ang sakit" naluluha kong sabi,habang nakangiwi.
Eh kasi sino ba naman ang vovong mag-gagagalaw eh alam naman niyang hindi pa magaling yung pilay niya?. Apaka vovo ko sa part na yun, huhu.
"Adey….. ayos ka lang ba?" dali-daling tanong sakin ng lengyeng bwesita ko.
Hindi ko napigilan ang pagkairitang naramdaman ko, lalo na ng tinanong niya pa ako kung ayos lang ba ako. Sa tingin ba niya ayos lang ako? kita naman niyang naiiyak na ako sa sakit dahil sa nagalaw kong pilay eh! kakahigh-blood ah.
Kaya ng unti-unti kong ibaling ang aking mga matang nanlilisik sa kung sino mang bwesita ang dumating hindi ko maalis sa aking mukha ang pagkairita. Sabay sabing....
"Sa tingin mo ba ayos lang ako! kita mo ng---" pero ganon nalang ang pagkakagulat ko ng makita ko ang bwesitang sinasabi ko.
Literal na napanganga ako dahil sa taong nakita ko, hindi ko inaasahan na siya ang pumasok sa kwarto ko. Kasabay ng aking pagkakagulat ang pagbilis ng t***k ng puso ko kaya napahawak na naman ako sa dibdib ko.
"A-adey, ayos ka lang ba?" tanong niya ulit sabay lapit niya sa akin. Kita ko sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Kaya si heart ko mas lalo pang lumakas ang thump-thump.
Oh sheesssssh , heart behave ka lang.
Oh my gulay, nag-aalala sa akin si Johan my labs. Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko dahil sa nalamang nag-aalala siya sa akin, nag-aalala na nga ako baka marinig niya yung t***k ng puso ko dahil sa lakas ng pintig nito lalong lalo na ang lapit-lapit na niya sa pwesto ko.
"Ahh...a-ano..." sinubukan kong magsalita pero ang kinalabasan nagkakanda-utal-utal lang ako, na para bang nawalan ako ng sasabihin sa kaniya. Halo-halo na ang nararamdaman ko; kilig, tuwa, kaba at pagkagulat hindi ko na alam kung ano ba dapat maramdaman ko. Basta ang alam ko masaya ako kasi andito siya. Shakss! kilig to the bones aketch.
Hinawakan niya ang mga balikat ko, tiningnan niya ang aking kabuuan. Hinarap niya ako sabay sabing.." Ayos ka lang ba?". Grabe naman to si my labs, ulit-ulit yung tanong niya ah, hindi ba niya nakikita na papaiyak na sana ako sa sakit kanina? Manhid ba is you? Pero sinagot ko nalang yung tanong niya..
"ahh…hehe, Oo ayos lang ako." sabay ngiting napipilitan. Masakit parin eh, kailangan kong ipakita sa kaniyang strong ako.
Sumilay naman ang munting ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa sinabi ko. Bigla siyang tumayo at may kinuhang gamot sa maliit na mesang nakalagay sa may gilid ng pintuan.
Hindi ko mapigilan ang sarili na titigan siya habang nakatalikod sakin, malapad ang kaniyang likod at kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Ohlala, likod palang ulam na! Hindi ko tuloy mapigilang mapakagat-labi sa aking naiisip.
Nang humarap siya sa akin, parang nagslow-motion ang paglakad niya papalapit sa pwesto ko para siyang model na nasa runway at ako lang ang audience, sa akin lang nakatingin ang kaniyang malachokolateng mga mata..
Naiimagine ko ang tubig na dahan-dahan niyang ibuhos sa kaniyang katawan, unti-unti itong tumutulo, dumadaan sa kaniyang masasarap na pandesal sa kaniyang six pack abs at pababa sa kaniyang puson. Hindi ko mapigilang mapalunok habang sinusundan ko ang isang butil ng tubig pababa doon..
“Sana tubig nalang ako”. sambit ko sa aking isipan.
Ang kaniyang mga labing kasing pula ng lipstick ni Aleng Gloria na para bang nang-aakit at gusto akong mahalikan, pagkalapit niya sa akin hinawakan niya ang aking mga braso ko at dahan-dahan akong itinulak pahiga at hindi ko napigilang kumawala ang aking pagsinghap habang unti-unti siyang dumadagan sa aking ibabaw, kinuha niya ang aking mga kamay at dinala sa kaniyang yummylicious na body, sabay sabing…..
“Andoy, angkinin mo ako at sabihin mong……”
“.……Inumin mo na ang gamot mo”
Say what?????
“Adey, inumin mo na tong gamot mo.” ulit niya.
H-ha? Ano? Inumin ko na gamot ko? Huwatt??
“Hoy, adey…”
“Adey!”
“Adeyyyy…….”
“Adey!” tawag sa akin ng nasa harapan ko.
“ahh… h-ha? Ano sabi mo?”
"Sabi ko. Ito na po yung gamot mo. Inumin mo na.” sabay abot ng isang basong tubig.
Bigla naman akong nagising sa realidad at sa malagim kong pagd’daydream , hinawakan ko ang gilid ng labi ko kinapa ko kung meron bang tumulong laway, kasi kung meron nakakahiya kay my labs at ipapakita ko pa talaga sa harap niya ang kalokohan ko. Suss talaga Andoy,umayos ka! Kakahiya ka dear!.
Kaya, buti nalang talaga at wala.
ibinigay niya sa akin ang gamot na kinuha niya kanina. “S-ige. Salamat.” tugon ko sa kaniya na may tipid na ngiti. Kakahiya talaga , ano ba yan!
Pagkatapos kong inumin ang gamot ibinalik ko na ulit sa kaniya ang basong ibinigay niya sa akin kaya nginitian niya ulit ako, pero naiilang parin ako sa kaniya kaya napakamot nalang ako sa batok sabay iwas ng tingin . Kakahiya naman kasi yung mga pinang-gagagawa ko, sobrang tindi na ba talaga ng pagkagusto ko sa kaniya? Kaya, kahit nandito lang siya sa harapan ko nagiging rated G na yung naiimagine ko sa kaniya?! O.M.G, sobra na this!
Dapat magpaka-dalagang pilipina ako, kasi nakikita ko sa kaniya ganon yung mga tipo niyang babae; mahinhin, maganda sa madaling salita, parang Maria Clara.
Pero hindi ko mapigilang magtaka , kasi bakit siya ang nagpapainom sakin ngayon? akala ko ba si Nurse Hannah yung nakassign sakin?.
Siguro nakita ni Johan my labs ang pagtataka sa aking mukha kaya nagsalita siya.
"ahmm..ako muna ang pinapunta dito ni Nurse Hannah, day-off niya kasi ngayon kaya ako na muna yung papalit sa kaniya." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ahh.. kaya naman pala." tatango-tango kong tugon sa sinabi niya.
---------------------------
itutuloy..