Isabelle’s POV “Seryoso ka na talaga na gusto mong maghanap ng trabaho? Dalawang araw ka pa lang andito. Magpahinga ka muna.” Napahinga ako nang malalim at napatingin sa kaniya. “Okay na ako, Ian. Hindi ako pwedeng tumigil. Alam mo iyon, kahit na pinalayas ako ni mom kailangan ko pa rin siyang tulungan.” Bigla namang nalungkot ang mukha niya at sabay hinawakan ako. “Hindi ba sabi ko naman sa ‘yo kaya kitang tulungan.” Napangiti naman ako sa kaniya sabay hinawakan ang kaniyang kamay. “Kaya mo nga akong tulungan, pero hindi ibig sabihin no’n panghabang buhay mo akong tutulungan. Huwag mong ibuhos yung lahat ng buhay mo sa akin.” napalunok naman siya at napangiti. “Hindi ako yung babaeng magiging kasama mo sa buhay, better na ihanda mo na lang iyan sa babaeng dadating sa buhay mo.” “

