Isabelle’s POV Napahinga ako nang malalim at napatingi sa kawalan. Damang-dama ko ang awkwardness ng buong mesa sa lagay na iyon. Kahit na, hindi siguro napapansin ni Serena, pero pansin na pansin ko lalo na yung tension sa pagitan nila Ian at ninong Cholo. Ngayon na nasa labas ako ng garden area, kung saan malayo sa kanilang lahat. Tahimik ang buong paligid, ako lang ang mag-isa. At some point nakaramdam ako ng peace, malayo sa gulo na gusto nilang pasukin, malayo sa mga bagay na gusto nilang mangyari. “Andito ka lang pala, brat.” napatigil ako nang marinig ko ang boses ni ninong Cholo mula sa likuran ko. Napatingin ako sa kaniya at napahinga nang malalim dahil kita ko sa itsura niya ang nakakalokong ngiti niya. “Ano na naman ba ang gusto mong mangyari? Seryoso ka ba, gusto mong mal

