Isabelle’s POV Napalunok ako dahil sa sinabi niya. I somehow manage to push him palayo sa akin. Tinignan ko siya ng seryoso at napahinga nang malalim. “Don’t act like parang pagmamay-ari mo ako, okay?” diin na sabi ko sa kaniya. “Ano na lang ang sasabihin ni Serena?” dagdag ko sa kaniya. “Be a guy nga, it screams weakness,” diin na sabi ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Agad na akong naglakad palabas ng office niya. Hindi ko na siya hinintay na makalabas dahil alam ko na marami na naman siyang masasabi. Pagbaba ko sa lobby nakita ko roon si Ian at Serena na magkasama. Napahinga ako nang malalim at napangiti sa kanilang dalawa. Agad akong naglakad papalapit sa kanila sabay yumakap kay Ian. “Where’s Cholo?” tanong ni Serena sa akin. “Nasa taas pa siya, nauna

