Lumalim na ang nararamdaman ko kay Yujin. Kasing lalim ng tubig sa dagat. Para bang ayaw ko nang mawala siya sa akin. Iyong tipong bawat messages niya ay kinikilig ako kahit wala namang nakakikilig.
Kahit simpleng good morning lang naman ang sinabi niya ay parang I love you na sa akin. Hindi ko na kayang wala siyang message sa isang araw. Kahit simpleng pagtatanong niya lang na kung kumain na ba ako ay parang ipinagluto na niya ako ng pagkain.
Simpleng kumusta ay parang nagsasabing I miss you. Nagayuma yata ako. Iyong pagsi-send niya ng mga memes at videos na parang I miss you na ang ibig sabihin kahit kaka-message lang naman niya ilang oras pa lang ang nakalilipas.
Wala naman itong meaning sa akin dati. Kahit nga siguro magsabi siya ng I love you sa akin noon ay hindi ako maniniwala at baka madiri lang ako. Bakit ngayon ay parang ikamamatay ko kapag hindi siya nagpaparamdam ng isang buong araw? Hindi kaya mas lumalim pa nang dahil sa pag-amin niya sa akin?
O baka naman niloloko ko lang ang sarili ko noon dahil gusto ko rin siya talaga noong una pa lang kaming magkita? Naguguluhan talaga ako. Isang beses pa noong dinala niya ako sa bahay nila. Kahit hindi pa siya umaamin, feeling ko ay ako ang kauna-unahang babaeng dinala niya sa bahay nila.
Feeling ko meet the parents na ang peg namin. Pero nag-deny ako sa sarili ko. Ayaw kong mahulog sa kanya. Baka kasi hindi niya ako saluhin.
Pero bakit ngayon? Hulog na hulog na ba ‘ko? Kinakain ko na ba ang mga sinabi ko? Baka isuka niya kasi ako pagdating ng araw at tuluyan na akong hindi makawala sa kanya. Tuluyan na akong malunod sa dagat kung saan niya ako dinala. Dagat na masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Ang huni ng mga ibon. Ang ganda ng paligid at ang lakas ng alon na maganda sa paningin.
Pero baka iwan niya ako sa dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Baka bigla niya akong bitiwan sa kalagitnaan at bigla akong anudin sa kung saan. Baka iyong inaakala kong magandang tanawin ay isa palang bangungot at bangin.
"Eto nga pala ang seat numbers natin." pukaw niya sa malalim na imahinasyon ko. Narito na pala kami sa sinehan nang hindi ko namamalayan. Ini-abot niya ang dalawang ticket ng movie na panonoorin namin matapos niyang kunin sa cashier ang printed tickets. Hindi ko akalain na mahilig pala siya sa romance.
"A Secret Love Story? Bago 'to ah. Showing na pala siya? Nakita ko lang ito sa w*****d dati." nanlalaki ang mata na sambit ko. Nang titigan ko ang mga mata niya ay tila wala siyang idea kung ano ang w*****d. Napakunot ang noo niya na tila iniisip kung ano ang sinasabi ko. Nang hindi niya ma-absorb ay nagtanong na siya.
"Anong w*****d?" tanong niya. Syempre nagpaliwanag naman ako.
"w*****d. Isa siyang writing platform. Pero nagbabasa lang ako ro’n. Puwede kasing magsulat ng novel doon. Maraming mga story ang naging movie at TV adaptation na galing sa platform na iyon. Isa na itong panonoorin natin." paliwanag ko.
Mukhang hindi naman siya interesado kaya tumigil na ako sa pagpapaliwanag. Medyo nagbago rin ang timpla niya. May nasabi ba akong mali?
"Ah talaga? Hindi ako mahilig sa pagsusulat ng novel at lalong hindi ako mahilig magbasa. Mas gugustuhin ko pang manood ng movies kaysa magbasa." saad niya na parang may galit sa puso niya.
Teka. Parang ako yata ang galit kanina pero bakit siya na ngayon? Mga lalaki talaga. Hindi ko nilalahat pero parang ganoon na nga.
"Okay. Sabi ko nga. Hindi rin naman ako mahilig magbasa. Sinusuportahan ko lang ang sister ko. Magaling magsulat ‘yon at marami na siyang followers." sa halip na ma-proud siya o mag-comment about my sister ay parang deadma lang sa kanya. Umiiwas ba siya sa topic? At bakit naman?
"Tara baka magsimula na ang palabas." nang maiabot ko ang ticket ay pinapasok na kami sa loob. Kinuha niya ang isang bahagi at sinilip ang numero pagkatapos ay naglakad na kami papasok sa loob. Halos wala akong maaninag sa loob. Kahit ganoon ay inalalayan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinanap namin ang seat number.
Nang makarating kami sa puwesto ay napaisip ako. Bakit isa lang ang upuan? Dalawa naman ang pina-reserve niyang seat. Shocks! Hindi siguro malinaw kay ateng na dapat magkatabi kami ni Yujin sa upuan.
Kailangan pa bang i-explain ‘yon? Hello? Alam ba niyang hindi ko boyfriend si Yujin para paghiwalayin niya kami? O baka naman bitter siya kasi may kasama akong guwapo? Baka wala pa siyang ka-forever. Wait lang? Did I mention guwapo?
Yuck. No way. Hindi siya guwapo.
"Teka. Isa lang ang seat? Nagkamali siguro si Ate." sabi ko kay Yujin.
"Nope. Tama siya. Dito ang seat ko." turo niya sa upuang bakante sa ibaba.
"Huh?" napamaang ako. Seryoso? Okay lang sa kanya na magkahiwalay kami? Okay lang siya? Naro’n siya tapos ang ka-date niya narito? O ako lang ang nag-assume na date nga ‘to?
Sabagay. No choice.
Alangan namang paalisin ko ang katabi ko. Or paalisin niya ang katabi niya. Nang napansin niyang umupo na ako ay umupo na rin siya. Dahil sa dilim sa loob ay hindi ko na inintindi kung pangit ba o maganda ang katabi niya. Babae kasi ang katabi niya sa upuan. At wala rin naman akong rights para sitahin ang sino mang babaeng makakatabi niya.
Nang magsimula ang palabas ay na-hook na ako kaagad. Iba talagang gumawa ng story ang kapatid ko. Sasabihin ko sana kay Yujin na kapatid ko ang may gawa nito pero mukhang hindi naman siya interesado.
Nakakaawa nga lang ang lalaki rito sa kwentong ito. Paano ay niloko lang siya ng babae. Pinaasa. Pagkatapos ay hindi pala siya nito gusto. Hindi naman literal na hindi gusto pero may iba pa pala itong mahal. At ang masama pa ay may boyfriend pala ang babae. And worst ay may anak na ang babae sa lalaking iyon.
Writer rin kasi ang lalaki rito at sa pagsusulat sila nagkakilala. Nang dahil sa f*******: ay mas naging close sila. Nakita ng lalaki na parang ang cool ng mga post nung girl at may common friend sila na mahilig mag-comment sa post nito. Kaya naman in-add friend niya ito. Akala ni guy ay hanggang add friend lang sila.
Nang one-time ay nag-comment ito sa post niya hanggang sa nagkausap na sila ay naging regular chatmate na sila. Hindi naman mahilig mag-usisa si guy ng kung ano-ano sa babae. Kung ano lang ang ikuwento nito ay iyon lang ang alam niya. May tendency rin siyang makalimot ng mga bagay kaya kahit magkuwento pa ito ng sikreto sa kanya ay makakalimutan niya rin ‘yon.
Seryoso ako sa panonood ko nang mapansin kong nagkakangitian na ang dalawa sa harapan ko. Sino pa ba? Wala ng iba pa kung hindi ay si Yujin at ang katabi niya. Mayamaya pa ay nagkakakulitan na sila. May nakakakilig din kasing part sa palabas kaya siguro nagkakulitan.
Kahit hindi kami syempre nakakaramdam ako ng selos. Ako kaya ang ka-date niya at hindi ang babaeng katabi niya pero ito ang kalandian niya. At pa’nong naglalandian sila? Magkakilala ba sila? Ibang klase talaga ang karisma niya. Kahit sinong babae na lang.
Bakit nga ba napaka-affected ko?
"Teka. Sino ba kasi ang katabi niyang ‘yan?" sambit ko sa sarili kasisilip ko ay naharangan ko na ang katabi ko.
"Excuse me, Miss?" pamilyar ang boses na ‘yon ah. Nilingon ko kaagad ang katabi ko.
"Baks?" pagko-kompirma ko nang maaninag ko ang mukha ni bakla.
"Baks!" napasigaw ako nang wala sa oras. Mabuti na lang at hindi nagreklamo ang mga tao pero syempre napalingon sa akin ang ilan. Okay lang hindi naman nila ako kilala. Lumingon din sina Yujin at ang katabi niya pero hindi ko nakilala ang katabi niya dahil sa dilim. Nag-camouflage na yata sa dilim ang skin niya.
"Overacting, Baks? Kanina lang nagkita tayo." sabi ni bakla. Bruho ‘to. Hindi sinabing manonood ng sine.
"Bakit hindi mo man lang ako niyaya?" nakanguso kong saad. Aabot na nga yata ito sa screen dahil sa haba.
"Nako, Baks. In-invite lang din ako. Sabi ni Jes nood daw kami. Nagkamali raw siya ng seat na napili kaya magkahiwalay kami ng upuan.” napaisip na lang ako. Hindi na ako naka-imik.
Kaya pala hindi ko maaninag ang katabi niya at ngipin lang ang nakikita ko dahil si Jes pala ‘yon. Dahil nabasa ko na naman sa w*****d ang story ng pinapanood namin ay hindi na ako nanood. Nawalan na rin ako nang gana. Hindi na ako makapag-focus e. Sino ba naman ang gaganahang manood? May naghaharutan sa harapan ko?
At ang masakit pa no’n ay ang taong unti-unti kong minamahal ay may ibang kaharutang babae. Kaya pala kahit sa f*******: ay bigla ko na lang makikita ang post ni Jes na magkausap sila tuwing gabi ni Yujin. Pagkatapos ay magko-comment din naman yung isa. Nadudurog ang puso ko sa tuwing makikita ko kung gaano sila ka-close at gaano sila magharutan sa comment section.
Sakit besh.
Ramdam ko ang kirot na nararamdaman ng sister ko. Minsan nai-kuwento niya sa akin ang guy sa story. May pagka-true to life pero may mga twist lang siya na fiction para maging happy ending. Pero ang totoo ay sad ang ending. Madalas niya raw makita si guy na may kalandian sa sss.
Naisip niyang wala lang iyon. Ang mahalaga ay nagkakausap din sila. Ah ewan basta sa akin hindi okay ‘yon. Ang akin ay akin lang. Ayaw kong may kaharutan siyang iba. Ayaw ko rin na may kumekerengkeng pa sa paligid ng mahal ko. Pero sa pagkakataong ito’y anong magagawa ko?
Hindi naman kami.
Nang matapos ang palabas ay tumayo na ako agad at lumabas ng sinehan. Naramdaman ko namang sinundan niya ako. Naaninag ko sa gilid ng mga mata ko na nagpaalam pa muna siya kina Jes at Taleo bago ako sundan.
"May problema ba tayo?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.
Aba wala pa ngang tayo.
Abnormal pala ‘tong taong ‘to e. Magtatanong pa kung may problema e ang buong dalawang oras ng movie ay iba ang kaharutan niya. Sa palagay niya nakakatuwa ‘yon? Palibahasa’y hindi niya nararadaman ang nararamdaman ko.