Nagising ako dahil may naririnig akong pagtatalo malapit sa kwarto ko kaya agad akong lumabas upang silipin iyon at paglabas ay bumungad si Liam at ang isang lalaki na medyo hawig niya. Gulat pa nga na tumingin ang lalaki sa akin, na akala mo’y nakakita ng multo. “Teka bro, parang kilala ko ang babaeng ito.” may pag duro pa ang lalaki sabay lapit sa akin at tinitigan akong mabuti. “Hey, get out.” suway ni Liam sa lalaking nakatitig na para bang isang imbestigador. “Bro, kailan ka pa natutong kumidnap ng babae? Alam ko siya ‘yung hinahanap ng mga Madrigal.” “Just shut up, or else I will ruin your paintings!” Liam said fiercely. Parang batang tikom ang bibig nito dahil sa sinabi ni Liam, magkapatid kaya sila? Kasi parang pinagbiyak na bunga ang mukha nila kaya lang ibang iba ang ug

