Nagising ako dahil tumatama ang araw sa mukha ko at ng lumingon ako sa glass window nakita ko ang bulto ni Liam na nakatayo doon at nakaharap sa labas ng bintana habang nakapamulsa. Umupo ako tapos ay pinagmasdan ang maganda niyang pangangatawan bakit sobrang hot niya. Akmang tatayo ako nang marinig ko na may kausap siya sa phone kaya bumalik ako sa pagkakahiga at pumikit dahil alam kong lilingon siya. “Dalhin ninyo siya sa abandonadong bahay dahil mamaya ay pupunta ako diyan.” naririnig ko ang seryoso niyang boses at mukhang mapanganib. Kunwaring nagising na ako at nag iinat pa ako sabay lingon sa kanya na ngayon ay nakaharap na rin sa akin. “Did you sleep well?” he asked. Ngumiti lang ako dahil sa tuwing maaalala ko ang sinasabi ni Sarah na kailangan ko lumayo sa kanya mas lalo

