*********************
"Kayo na ni cloud?" Hnd ko alam pano pepekein ung ngiti ko.. nararamdaman ko na ung pgtulo ng luha ko. Shet wag sa harap ni wind..
"Oo— naiiyak kaba?" Napalitan ungn saya nya ng concern hinawakan nya ung pisngi ko at pinahid ung luha..
"Oo— natutuwa lang ako ksi may pinakilala na saking girlfriend si ulap.. kababata ko ksi yan eh.. mahal— mahal na mahal ko yan.. stay strong kayo ah.." tumawa ako bago pinahid ung luha ko..
"Wag kang magaalala rain. Iingatan ko si cloud mahal na mahal ko sya eh.."
"Ako din—" ngumiti ako sa kanya bago tumalikod. Pinikit ko ung mata ko bago pinunasan ung luha ko.. "ako din— mahal ko si cloud... mula bata palang.. magkasama na kami."
Lumapit sya sakin bago niyakap nya ako.. "gusto tlaga kita maka-close gusto kong maka-close ung mga taong importante kay cloud."
"Si—sige let's hang out sometimes.." kumuha ako ng damit sa wardrobe ko.. then tinanggal ung twalya.. naka suot naman na ako ng panloob so okay lang.. confindent naman ako sa katawan ko kasi pg may free time nag g-gym ako.
"Grabe angkinis moooo!" Tuwang tuwa syang lumapit sa hita ko bago pinagmasdan.. "parehas na parehas kayo ng kutis ni cloud.. no wonder ikaw ba namang magkaron ng mayamang pamilya! Sobrang sikat kaya ang mom and dad mo sa business nyo lalo na ung modelling company nyo!"
"Ah thankyou.." sinuklay ko ung buhok ko ng konti. Si wind naman umupo sa may sofa bago pinagmasdan lahat ng pictures namin ni cloud na nakakalat sa mesa..
Umupo ako sa bed ko bago tinitigan sya. Ang saya saya nya. Hawak nya ung puso nya habang ung isang kamay hawak ung litrato ni cloud..
if only you knew kung gano kasakit kang tingnan ngayon wind. Ung hindi ko kayang maging masaya para sayo.. kasi.. kasi dapat ako yan eh.. ako dapat ung masaya.. kasi naramdaman kong mahal ako ni cloud.. simula bata palang kami.. alam kong ako.. pero bat nagbago?
Marahang ngumingiti ung mapupula nyang labi sa bawat paglipat ng litrato na hawak nya..
Kinuha ko ung cellphone ko na nasa mesa.. lumapit nanaman si wind.
ANO BANG GUSTO MOOOOOOOO!!
Gusto kong isigaw kaso.. kaso mali ako. Damn rain!! Bobo ka ba??!! Wag kang magalit sakanya.. wala siyang alam..
Pinilit ko pdin ngumiti..
"Tara na. Baba na tayo.." hinawakan nya ung kamay ko bago ngumiti.
Sumama naman ako sa kanya..
Sobrang haba ng table na gamit namin ngayon..family ni cloud, ofcourse my family then wind.. wala si kuya thunder i think papunta na yun ngayon. Nalate lang.
Tawanan ung lahat sa kwento ni wind about kung pano nya napasagot si cloud..
well ksi nasa gitna namin si cloud. So pinipilit ko nlng din tumawa.
Ung sitting arrangement namin is
• • •
Ako Cloud Wind
Ganern sana nagets nyo..
"Hahhahha" ako yan... ako yn na kunyare natatawa sa kwento ni wind.. ako yan na nagpapanggap na masaya.. ako yan na nagppanggap na okay, okay sa relasyon nila at ako yan na gustong gusto ng manakit ng tao ako yan na parang tanga.. ang tanga tanga..
"Ye.. i remember" si cloud tas tawa ng tawa.. " uhm rain i think i know kung anong perfume yang gamit mo.. its my gift nung 14 ka! Amouage gold right?"
Nagulat ako sa sinabi ni cloud.. "haa— hnd ko naman ginamit ung perfume na un." Tsaka bukod sa mahal un kino-konti konti ko ung pag gamit dahil regalo ni cloud un..
"..then ano ung naaamoy ko.." nakita ko sya na parang inaamoy kung san nanggagaling un..
"A—ako un" ngumiti si wind kay cloud.. bago tumingin sya sakin.. "sorry rain.. nagandahan kasi ako sa bote kanina eh habang nagbibihis ka ..tinry ko lang isang spray lng pero hnd ko alam sobrang amoy na amoy na pla kht konti lang.. then sobrng long lasting.."
BAKIT MO PINAKIALAMAN UNG GAMIT KOOOOOO!! Halos gusto kong isigaw hbang kumakain ako..
"Ofcourse ija. It's precious.. ako pa ang kasama ni cloud nung binili nya un sa france.." ngumiti si tita jame habang kumakain..
"Ay ganun ba tita.." napngiwi si wind bago tumingin ulit sakin.. "sorry rain ha napakialaman ko.."
"No worries .." ngumiti ako.. "pwede pa naman ako bumili nun if naubos.." sinungaling ka rain!! kahit bumili ako ng sampung ganun iba padin pag bigay ni cloud! "Okay lang kain kana.." bago tinuon ko ung atensyon ko sa pgkain.
After namin kumain nagpaalam muna ako na magppahinga sa kwarto ko. I dont know kung anong gagawin nila if mag swimming or magkkwentuhan padin. Basta, im out.
Paakyat palang ako ng room nung marinig ko ung boses ni kuya..
"Sooo who missed me??" Sigaw ni kuya habang ngiting ngiti. Napatingin nmn ako sa isa nyang kamay na nakahawak sa isang babae. Wait.. sky? Nakared cap ito tas red shirt then red mini skirt with red shoes then red backpack.
From that moment i know.. magkasama sila sa tagaytay kaya nawala sila sabay...
Ngumiti sakin si sky tas nagwave. Nagwave back din naman ako sakanya.
Nakita kong napatigil si kuya nung bumaling ung tingin nya kay cloud.. ngayon lang kasi sila after nung incident na binugbug nya si cloud nung nalaman ung about samin.
Kunot pdin ung tingin ni kuya kay cloud.. come on kuya. I dont care kung kayo ni sky.. she's my friend whatever makes her happy, ill be fine. Same with you kuya, but you cant do the same thing to me.
Nakatingin pa din ako habang dahan dahang lumapt si cloud kay kuya.
Hnd ko marinig kung ano ung pinaguusapan nila. Nakita kong pinakilala ni cloud si wind kay kuya.. and from that moment nakita kong unaliwalas ung muka ni kuya. Nagakap silang dalawa and nagpunta gawi sa pool.
Sobrang sakit makita ko na ganun..
Nakahawak pa sa braso ni cloud si wind at parang asong sunod ng sunod kht san magpunta si cloud.
Pumunta ako sa kwarto bago nag lock ng room..
Nakaupo ako sa sofa habang tinitingnan ung picture namin ni cloud nung bata..
Flashback *
"Ouuuchhh!!" Napsigaw ako sa sakit nung madapa ako kakatakbo..
"Ulaaaan!" Narinig ko naman ung hingal na hingal na si ulap papunta sakin. Kitang kita ko ung pagaalala sa muka nya..
Yung mapupulang labi nya tas ung magagandang mata nya..
Konti konting tumingin sakin si cloud bakas padin sa mukha nya ung kaba.. "kaya mo bang tumayo?"
"Yes.. alalayan mo lang ako.." dahan dahan akong humawak sa braso nya..
"Aahh—arayyy!!" Napatili na ako sa sakit..
Nagulat ako nung bigla nya akong buhatin.. dinala nya ako sa salas..
Nakatingin pdin ako sa may hita ko na nagdudugo na ngayon.. hinwakan ni cloud ung chin ko bago dahan dahang itinaas..
kitang kita ko ung mapupungay nyang mata . "Hintayin mo ko, gagamutin ko yang sugat mo."
I just nodded.. napahawak ako sa puso ko.. bakit ko kaya nararamdaman to sa twing nagiging seryoso kami ni ulap.. pag nag bibiruan nmn kami hnd.. pero pag something na seryosoo. Bigla nlng .. ang bilis ng t***k ng puso ko..
Napatingin ako kay cloud na kinakausap si yaya. May dala syang puting box .. habang seryoso ang pakikipagusap..
Nung ppunta na sya sa direksyon ko parang— parang nag slow motion.. eto nanaman ung puso ko. Parang sasabog na sa bilis ng kabog..
Halos parang lahat ng butterfly sa tyan ko lumilipad.. prang kahit nasaktan ako ang saya saya..
Umupo sy sa harapan ko bago hinawakan dahan dahan ung hita ko. Pinatong nya ito sa binti nya. Sinimulan nyang linisin ung sugat..
Buong gngwa nya hnd ako nakaramdam ng kirot.. nakangiti lang sya sakin habang tumitingin sya..
After nun.. inilagay nya ung hita ko sa may sofa then umupo sya sa ulunan ko, dahan dahan nyang tinaas ung ulo ko bago ipinatong sa lap nya..
"Sabi ko kasi sayo wag kang takbo ng takbo.. ngayon pang malapit na nating icelebrate ung 14th birthday mo." Ngumiti sya sakin habang hinahaplos ung buhok ko..
"Eh..wala ka naman sa birthday ko. Pupunta kayo nila tita sa france dba?" Nakanguso ako habang nakatingin sa kanya.
"You know i'll do everything para hnd mawala sa birthday mo diba.." pinisil nya ng marahan ung ilong ko.. "you are so special to me aikeena rain.. so much."
Paulit ulit sa tenga ko ung narinig ko.. ang sarap sarap pakinggan un galing sakanya nakatingin sya sakin na parang dyamante ako na ayw nyang ipahawak sa iba..
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wag yung kapatid ko!"
Rinig na rinig sa bahay namin ung sigaw ni kuya.. kakauwi ko lang galing school namin nun. Tandang tanda ko pa kung gano kapula si kuya.. si cloud nasa sahig pero mukang wala syang balak suklian ung suntok ni kuya..
"K—kuya!" Napasigaw ako nung makita kong nagdudugo ung labi ni cloud...
"Layuan mo yan rain!!" Sigaw ni kuya pero prang hnd ko naririnig. Tarantang taranta ako na pati ung uniform ko na puti ginamit ko para mapunasan ung umaagos na dugo sa labi nya..
"Tumayo ka jan rain!!!" Sigaw ni kuya habang hinihila ako..
"Ano ba!!" Tinulak ko si kuya halata ko ung gulat nya sa ginawa ko..
Nagdabog si kuya bago umalis..
"Yaaa!!" Sumigaw ako para humingi ng tulong. Nagpatulong ako na ihatid si cloud sa kwarto ko..
Pagkarating dun.. nanginginig ung kamay ko habang hnhawakan ung labi nya.. nagulat ako nung bglang hawakan nya ung kamay ko..
Ngumisi siya.. "sorry ha namantshan pa ung uniform mo.."
"Okay lang.. okay ka lang ba?"
Ngumiti sya bago tumango..
Hnwakan nya ung chin ko bago ngumiti.. "okay lang ako. Nandito kna eh.."
Ngumiti ako sakanya bago hnwakan sya sa pisngi..
"Rain.."
"Mhh?"
Hnwakan nya ung kamay ko bago tumingin ng seryoso sakin.. "pwede bang pigilan muna natin ung nararamdman natin?" Ngumiti sya bago humawak sa pisngi ko ulit.. "You are only 14.. "
"5months nalang naman mag 15 na ako.." ngumuso ako sakanya.. "i can decide what i want for mysef.. hindi na ako bata.."
"..and ill be 20.. im older than you.."
"Cloudd" halos bulong nalang na sabi ko..
"Hihintayin kita rain...."
"Promise?" Nakatingin ako sa mata ni cloud..
"I promise that.."
Ngumiti ako sakanya.. yun na ata yung pinaka masayang araw sa buhay ko..
Hinalikan ako ni cloud sa pisngi. Ramdam ko ung init ng katawan nya..
"Hmm its my gift—"
"Ha—?"
"Gamit mo ung regalo ko sayo.." ngumiti sya bago inamoy ulit ako.. "Amouage Gold is perfect.." ngumiti sya..
* End of Flashback *
Pagmulat ko ng mata ko. Sabay naman ng pagtulo ng luha ko.. yakap yakap ko pdin ung litrato namin ni cloud habang umiiyak..
Nagulat ako sa mabibilis na katok sa pinto ko... pinunasan ko ung luha ko bago binuksan ung pinto.. pagbukas ng pinto si sky.. nakita ko ung lungkot sa mata nya.. alam nya kung bat ako malungkot ngayon..
"F—friend.." dahan dahan nya akong niyakap..
Niyakap ko din sya ng mahigpit bago binuhos ung iyak ko..
"Shh—friend.." isinarado nya ung pinto bago pinapatahan ako.. "okay lang yan ha.. kaya mo yan.."
"Ang sakit sakit.. hindi ko na talaga kaya..."
Umaagos ung luha ko habang nakayakap pdin kay sky.. "hindi ko na kaya sky.."