C-18: THE DEBUTANTE BALL Isang masayang pagdiriwang para sa mga kabataang idad 18 hanggang 21. In Philippine Culture ipinagdiriwang ito ng mga kababaihang idad labing walo at dalampu't isa naman para sa mga kabataang lalaki. Isang pagtitipon na hindi malilimutan ng mga kabataan sa kanilang buhay. Nangangahulugan kasi ito ng paglagpas nila sa kanilang kabataan. Para humarap naman sa mas seryosong yugto ng kanilang buhay. Ang ganap nilang pagdadalaga at pagkabinata. Ito ang ipagdiriwang ngayon ng anak na dalaga ng isang Prime Minister na si Flavio Lorenzo. Ang kanyang bunsong anak na si Giovanna Lorenzo ang Birthday celebrant ngayong araw. Ang araw na magdiriwang ito ng ika-18 taong gulang na kaarawan. Hindi birong pagdiriwang ang magaganap, mga kilala at nabibilang sa alta sos

