CHAPTER 13: "Gawin mo na lang akong kabit!" Parang paulit-ulit pa rin n'ya itong naririnig at hindi maalis sa kanyang isip. Kung bakit nasabi ni Mr. Dawson ang mga katagang iyon ay hindi n'ya maintindihan? Kung niloloko ba s'ya nito o sadyang nababaliw na ito talaga! Hanggang ngayon na nasa loob na siya ng kanyang kwarto at nakahiga na sa kanyang kama. Nakahanda na sana siyang magpahinga. Kung bakit hindi pa rin s'ya makatulog. Ang dami kasing nangyari ngayong araw. At ang lahat ay dahil sa lalaking 'yun! Kanina nagpilit talaga siyang umuwi. Napapayag naman niya ito, subalit hindi ito pumayag na hindi s'ya maihatid sa kanyang tinutuluyan. Matapos nitong bilinan ang mga kasama niya sa Apartment saka lang ito nagpasyang umalis. Hindi talaga siya makapaniwala na masasabi nito ang m

