CHAPTER 20: Napaka-bilis ng mga pangyayari, wala siyang kamalay-malay ng dahil sa sama ng loob at kaabalahan ng isip. Nakarating na pala siya sa driveway, kung saan dumadaan ang mga sasakyan ng papasok at palabas ng parking area. Ang pagtama ng headlights ng sasakyan sa kanyang mukha at ang malakas at nakabibinging busina nito. Ang nagpatigil at gumising sa abala niyang isip at tuloy-tuloy na paglakad. Subalit ng sandaling iyon, wala siyang nagawa. Dahil sa gulat at pagkalito ng kanyang isip, hindi niya nagawang i-angat man lang ang kanyang mga paa. Mariin na lang siyang napapikit at hinintay na lamang ang mga susunod na mangyayari. Hanggang sa.. Tunog na lang ng nagngangalit na gulong ng isang sasakyan ang sumunod niyang narinig.. Dahil sa malakas at bigla nitong pagpreno.

