Bumalik ako sa lugar kung saan kami naging masaya ni Draven, nasa Caliraya na ako at maulan ngayon, hindi nagpakita ang araw at mag hapon na umulan. Hawak ko ang bote ng alak at may pagkain akong binili kanina, wala akong dala na damit at ang tangging nasa kotse ko ang nadala ko, ang phone, laptop at ang nakuha ko sa opisina ng asawa ko, kanina pa ako kinakabahan. Dahil may nag notif na nag bubukas ng laptop ni Draven, mula ng umalis ako after thirty minutes ay may alert na nag send sa akin. Mabuti at hindi naituloy, pero kailangan ko malaman kung sino ito at bakit gusto nilang galawin ang gamit na hindi naman sa kanila una pa lang. I opened my laptop at tinignan ko ang flash drive na nasa gilid, nag dadalawang isip. Ano ang makikita ko ron at bakit nasa basurahan ito, I'm afraid to kn

