Naka uniform ako ng pang waitress ngayon, hapon na at ang daming tao sa bahay ni Navi, nag-umpisa na dumagsa ang tao, at mamayang alas siete ang umpisa ng celebration nila ni Navi. Mabilis akong umiwas ng tingin sa mga kakilala ko, napansin ko na halos lahat ng bisita ay galing sa school namin noong college, yung ibang professor namin ay andito rin, kaya lumakad ako papasok sa kusina, andoon ang catering. Tumulong ako na mag-lagay ng alak sa baso, may nag-iikot na waiter at namimigay ng alak, nag-salin ako at nilagay sa tray, may pagkain akong nilagay sa mga plato. Nag hugas ng mga nagamit na sa bulwagan, may mga lamesa sa bulwagan, at sa labas naman ay may lamesa at upuan din. "Miss, pakidala naman ito sa venue sa labas, may nag-request kasi ng isang bote ng wine, pakisalinan ang mga

