Layana Annika POV:
' Gabi na ng makauwi ako ng bahay galing sa campus. Sa wakas malapit na ang end of the school year makakauwi na ako sa pinas. '
" Mom, hindi namin nakalimutan ang birthday mo. We celebrated it at grandpa's house. Kuya was there too. Hindi lang kami nakauwi kagabi it's because Grandpa and Grandma want us to stay kaya naglagi kami hanggang umaga doon. " Paliwanag ni ate Edlyn. Hindi na sila naawa kay mommy.
" Lagi ba ninyong pinaghahanda ang kaawaran ni mommy sa bahay ng lolo at lola kahit wala siya?" Nagulat silang lahat sa pagpasok ko. Lumapit si kuya Enzo sa akin pero lumayo ako kaagad.
" Sis, hindi sa ganun. " Ganun na rin yun. Pinapahiya nila si mommy.
" Disrespect ang tawag sa ginagawa niyo kay mommy Emersyn. She is your mother siya ang nagpakahirap sa inyo, siya ang nagpuyat, nagpakapagod para lang alagaan kayo. Pero ngayon na lumaki kayo ng ganyan at may trabaho na at may sariling kompanya yan ang isusukli niyo sa kanya? " Nanggigil ako sa kanila. Gusto kong ilabas ang lahat na nararamdaman ko ng may biglang magsalita sa likod ko pagtingin ko si daddy pala.
" Ikaw daddy, saan po kayo nung birthday ni mommy? Nandoon ka din po ba kasama nila? " Sino ba talaga si mommy sa buhay nila at parang balewala nila lahat si mommy?
" Anak, huwag kang magtampo dahil kagustuhan ito ng lola at lolo mo. " Uminit ang taenga ko sa narinig. Tila umakyat sa ulo ko ang dugo ko. Bata pa ako high blood na agad. Binagsak ko ang mga gamit ko. Iniwan ko sila sa sala at umakayat sa kwarto kailangan kong makapag isip ng tama.
' May kumatok sa tarangkahan ko na siyang nakapagpabalik ng katinuan ko. Pagbukas ko ng pintuan si kuya Renzo pala.'
" What do you need kuya Renzo? Bakit ka nandito? Hihingi ka ng tawad sa akin? You don't have to kuya dahil hindi kayo ang may kasalan sa akin kundi kay mommy. Mommy Emersyn is your mother she is so nice and she sacrifice the pain of what all of you done to her. Kuya she's been through a lot dahil sa pakikisama ninyo sa kanya. Ang mas malala pa ay pati si daddy na asawa niya nakikisali sa inyo." Bahala na si batman kung magalit si kuya Renzo sa akin. Umupo siya sa tabi ko pero umusog ako ng kunti dahil galit talaga ako sa kanya.
" Princess, listen to me carefully. " Napatingin ako sa kanya.
" Mommy Emersyn is not our real mother but she is your real mother and you are our half-sister of Edlyn. We treated her like our own mother dahil yan ang gusto ni daddy. Pero dahil hindi kami makahindi sa mga gusto nila lola at lolo. Kaya namin napapabayaan pati ang mahalagang araw ni mommy Emersyn. Namatay ang tunay naming ina sa panganganak kay Edlyn after 2 years ng pagluluksa ni daddy umuwi kami ng pinas at doon nagkita sina mommy at daddy at agad silang nagpakasal ni daddy dahil kailangan ni daddy ng katuwang para may mag-alaga sa amin ni Edlyn. Nang malaman nina lolo at lola ang nangyari nagalit sila at tinakwil nila si daddy pero nagmakaawa si daddy na huwag siyang itakwil at susunod siya sa lahat ng gusto nila lolo at lola. Kaya hanggang ngayon sunod sunuran si daddy kina lolo at lola kung ano man ang sasabihin nila bilang kapalit sa pagtanggap nila kay mommy Emersyn bilang pangalawang asawa ni daddy." Kaya pala iba ang trato nila kay mommy dahil hindi nila gusto si mommy para kay daddy. Oh, mommy bakit ganito ang karanasan mo sa kamay ng angkan ni daddy.
" Bakit nila pinapahirapan ang mommy kung mabait naman si mommy sa kanila?" Tumayo si kuya at pumunta sa bintana ng kwarto ko.
" Dahil ayaw ni lolo at lola na masaya si daddy sa pagpapakasal niya kay mommy dahil may ibang babae sila lolo at lola na gustong ipakasal kay daddy. " Kung ganun ginawa nila ang p**********p kay mommy para sana hiwalayan ni daddy si mommy hanggang sa nabuo ako. Kaya nung mawala ako lalong nagalit si lolo at lola.
" Ako ang kakausap sa grandpa at grandma kuya. Pupunta sila dito para makita ako hindi ba? Oras na para ipagtanggol si mommy sa kanila. Kung hindi niyo naipagtanggol ang mommy ako ang gagawa. " Tumayo ako at lumabas ng kwarto sumunod naman si kuya Renzo sa akin at narinig namin ang pag-uusap ng mga magulang ko sa sala pero si mommy hindi makatingin sa kanila at nakayuko ito. Dumating na pala sila pagkatapos ng pagsasagutan namin kanina.
" Heads up mommy. Bakit ka nakayuko dyan at hindi makatingin sa kanila?" Matapang kong sabi kay mommy sa harapan ng lolo at lola. Si ate Edlyn ay tumayo at pinuntahan ako at hinawakan sa braso para pigilan ako sa aking sasabihin.
" Is she your daughter? The lost daughter of yours? " Tanong nila kay mommy pero hindi man lang binanggit ang pangalan ni mommy. Pero kay daddy sila nakatingin.
" Yes po, ma'am. " Hindi mama o papa ang tawag niya sa mga magulang ni daddy.
" Ma'am? " Napatingin ako sa kanila. Palipat lipat sa kanilang lahat at dumako ang paningin ko sa lolo at lola.
" Nagpunta p kayo dito para makita ninyo ako. Sino po ang kamukha ko, ang daddy o ang mommy na hindi niyo po nagustuhan sa mahabang panahon kahit mabait siya sa inyo? " Masama ang tingin nila sa akin kaya tumayo ang lola para sampalin ako pero naabot ko ang kamay niya.
" Try to hurt me lola. Makikita mo ang hinahanap niyo. Iba ang nagpalaki sa akin kaya alam ko po how to act like an adult lalo na at tinuruan ako ng magandang asal na mapagmahal at mapagkumbaba pero hindi sa mapang-api na mga atao kagaya niyo. " Sigaw ko sa kanila at tila nagulat sila sa ginawa ko.
" Mommy, huwag kang yuyuko at itaas mo ang ulo mo. Chin up mom. I am here to protect you because I am your daughter. Tingnan ninyo ang mukha ni mommy ng mabuti kung gaano siya kaganda at kabait sa inyo. Wala kayong narinig sa kanya kahit masakit ang mga binabato niyo sa kanya. Bakit lolo, lola? Dahil ba hindi si mommy ang babae na gusto niyo para kay daddy kaya niyo po siya pinarusahan kahit wala po siyang kasalanan? Kayo? ano ang kalagayan ninyo dati para pagmalupitan ninyo ang mommy ko na walang ginawa kundi magsakrispisyo at magpakaina sa tatlong anak ni daddy? Ano ba ang narating niyo at ganyan kayo sa ina ko? Ano ba ang kasalanan ng mommy para hindi niyo po siya magustuhan para kay daddy? Nagsumikap siya para ipakita sa inyo na karapatdapat siya kay daddy at karapatdapat siya sa inyo bilang manugang ninyo. Ano ba ang kasalanan ng mommy ko at ganyan kayo kalupit sa kanya? " Humikbi na ako at halos hindi ko na masabi ang mga words na gusto kong sabihin. At lahat sila ay umiyak sa harapan ko.
" N-nagpakahirap ang mommy p-para maalagaan ang ate at kuya. N-nagpakahirap siya dahil mahal na mahal niya kayong lahat pero anong binigay niyo sa kanya. A-anong binigay niyong sukli sa kanya huh? s-sumagot kayong lahat sa akin. A-ano ang isinukli niyo sa kanya sa paghihirap niya sa inyong lahat?" Isang sigaw ang pinakawalan ko pero bigla akong natumba at hindi ko na alam ang susunod na nangyari.