Chapter 17

1141 Words
Layana Annika POV: ' Dumating na kami dito sa England at medyo okay naman panahon. Maganda din ang kanilang pamumuhay dito. Kaya hindi nakapagtataka na mayaman din ang bansang ito.' " Welcome to your new home sister. Right now, you'll experience every moment here together with us. I am so happy that we found you. Ngayon, pwede na nating eenjoy ang lugar na ito." Hinila niya ako at dinala sa taas ng bahay. Lumabas kami sa may rerrace at kita dito ang magandang view. " Enjoy the moment sister. Bababa lang ako para magbihis." Bumaba nga siya at iniwan ako sa terrace. Namiss ko na ang mahal ko nang may tumawag sa akin. " Kumusta ang buhay Uk? We miss you already Annika. When you come back here hope you wouldn't change." Nakakamiss ang mga kaibigan. Naiwan ko sila ng hindi nakapagpaalam. " Okay naman, huwag kayong mag-alala okay I am very fine here. Sorry at hindi ako nakapagpaalam sa inyo nasa university pa kasi kayo nung umalis na ako. Guys, bantayan niyo ang boyfriend ko dyan. Sinagot ko na kasi si Jobari bago kami lumipad papunta dito sa England." Nanlaki naman ang kanilang mga mata sa inamin ko. " Are you serious. He is older than you tapos boyfriend mo na? Ikaw talaga.?" Napatawa nalang ako sa kanila. Para ko silang ate na walang magawa. " Ano ba kayo. Kayo nga inlove na eh." May mga boyfriend na kasi ang mga ito. " Don't worry, we are your eyes for him. Basta pagbalik mo magdala ka ng maraming pasalubong." Si Alexis Merra jolly sa lahat ng oras. Minsan seryoso din siya kung kinakailangan. " Tigilan mo nga yang kaibigan natin? Mamaya niyan hindi na yan uuwi dito dahil sa mga pasalubong na hinihingi mo. Bumili ka nalang mayaman ka naman eh." Itong si Johanna may pagkaseryoso pero kapag kailangan mo siya laging nandyan para damayan ka. " Bakit ikaw, mayaman ka naman ah bakit ka nagpapabili ng pasalubong kay Annika?" Si Claire naman ay parang isang bata kung kumilos katulad ni Shairra, Johanna, Claire, Alexis Merra isa din siyang kikay. " Tumigil na kayo dyan basta antayin niyo ako at bantayan ninyo ang boyfriend ko." Bilin ko sa kanilang apat. Tumango naman sila at pinatay ko na ang video nang may nagpihit ng doorknob sa room ko. Pagtingin ko si mommy Emersyn pala. " Hi baby princess. " Hindi na ako bata para tawagin ng ganyan. " Mom, don't call me like that. That's for baby only and I am not a baby anymore. Bakit po pala kayo naparito? May kailangan po ba kayo sa akin?" Ngumiti siya at lumapit sa akin. " Anak, alam ko biyfriend mo na si Jobari. Tumawag si Jobari sa akin kanina lang. Hindi na kita tinawag dahil tatawag din daw siya sayo mamaya." Sana hindi balakid ang ina ko sa relationship namin ni Jobari. " Mommy, I'm sorry po kung hindi ko kayo nasabihan. pasensya na din po na hindi pa po ako open sa inyo." Naglakad siya sa may bintana at sinundan ko naman. " Parehas lang tayo ng sitwasyon anak. Pero iba naman ang sa akin dahil ako ang hindi gusto ng mga magulang ng daddy mo. Pero pinaglaban niya ako at hindi kalaunan ay tanggap na din nila ako ng pinanganak ko ang kuya Renzo mo. Lalo na nung nagbuntis ako sa ate Edlyn mo. Noong nawala ka sa amin katakot takot na mga salita ang narinig ko mula sa mga magulang ng dadddy mo." Malungkot na kwento ni mommy sa akin. Masakit pala ang karanasan niya. " Hindi ko matanggap ang salitang binitawan nila sa akin. Alam mo ba anak na sinabihan ako kung ano-ano ng lolo at lola mo? Hindi daw ako mabuting anak at asawa. Nabuhay lang daw ako sa pera ng daddy mo. Pero alam mo anak. Nang dahil sayo nakayanan ko ang lahat. Hanggang ngayon pala kahit may napatunayan na ako at ipagmamalaki hindi pa rin nila ako tuluyang tanggap para sa daddy mo. Ang daddy mo lang ang nagsasabi sa akin na pabayaan ko na lang daw sila dahil hindi naman daw kami ang nagsama kundi kami ng daddy mo. It hurts, kasi gustuhin ko mang mapalapit sa mga biyanan ko. Hindi ko magawa dahil natatakot ako na mapagsabihan ng masama. " Humagulgol ng iyak si mommy. Kaya pala hindi siya umaangal sa relasyon namin ni Jobari dahil parehas din pala sila.ng karanasan. " I'm sorry mommy na nakaranas ka ng ganyan." Umiyak pa siya ng todo at niyakap ako ng mahigpit. " Mom? " Tawag ni ate Edlyn. Pumasok na kasi ito sa kwarto. " What happened here? And why mom is crying Layana?" Tanong niya sa akin. " This is nothing iha. Na miss ko lang ang kapatid mo dahil hindi natin siya nakasama noon. At ngayon na andito na siya lubos lubusin ko na ang panahon." Bakit kaya nagsinungaling si mommy kay ate Edlyn? " Mom, you need to rest now. Daddy been looking for you. He is just entering your room after shower. I told him that I have to go back here to say good night to Layana. I didn't know you were here too." Ngumiti lang si mom at niyakap ako ulit. " Good night anak. Bukas na ang pasok mo sa school dito. Good luck okay? I am here to support you. I love you anak." Ngumiti ako sa kanila at lumabas na sila ng kwarto. " I love you too mom. Matulog na po tayo." Tumango si mommy sa akin at sinara na niya ang pintuan. ' eight o'clock na ng umaga ng ako ay magising. Hindi man lang ako ginising ng mga tao dito sa bahay.' " Good morning anak." Bati ni mommy sa akin. " Good morning Layana." Sabay bati ni kuya at ate sa akin. " Good morning baby princess. How's your sleep? Okay lang ba ang room mo? " Tanong ni daddy sa akin after niya akong batiin. " Okay lang po daddy. Maayos din po ang tulog ko at maganda naman po ang gising ko." Totoo naman kasi na maganda at maayos ang tulog ko kahit late na akong nakatulog. " Prepare yourself, maaga ka ngayon papasok. Handa na ba ang mga gamit mo? " Tumango ako at umupo na sa silya. " Wow, this is delicious. Sino po ang nagluto?" Tumingin sila kay mommy. Kung ganun si mommy ang cook dito. " Did you like it anak? I don't know your favorite food kaya dinamihan ko na ang pagluto." Nakikita ko kay mommy na maaliwalas ang mukha niya. " Mom, hindi ka magproblema sa akin dahil kakainin ko kung ano man ang ihahain mong pagkain. Hindi naman kasi ako masilan kaya okay lang po na maghain po kayo dyan ng mga food." Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy na kaming kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD