Due to years of training, nasanayan na ni Blake na gumising sa oras bago paman sumikat ang araw. The first thing he was aware of was the time. Pangalawa ay ang babaeng nakikita nyang natutulog sa tabi nya. Pinagmasdan lang muna nya ito dahil mahimbing pa itong natutulog. Napako ang kanyang tingin sa magandang mukha ng dalaga at napansin rin nya na makinis ang kutis nito. Humahanga din sya sa mahabang blondy na buhok ni Larah kaya di nya maiwasan na ma akit ito sa dalaga.
Matagal na rin ang panahon ng naugnay sya sa isang babae na katulad ni Larah Wilson.
Only once before in his life had he known a woman like Larah at matagal na panahon na ang nakalipas.
(FLASHBACK)
Blake’s POV
Bente-uno anyos pa lamang nuon si Blake nang makilala nya si Glenda, akala nya nuon na si Glenda na ang babaeng pakakasalan nya. He had been madly inlove with her dahil bukod sa mala porcelain doll nitong ganda mabait ito at mapagmahal. Magkatabi lang din sila nuon ng condo unit kaya sila nagkakilala. Pero ang hinding hindi makakalimutan ni Blake ay ang araw na nalaman ni Glenda ang tungkol sa kanyang ikinabubuhay. Makikita nya sa mga mata ng dalaga ang galit at pagkabigla sa nalalaman nito kahit hindi nya ito sinasabi sa lalaki, hanggang sa nalaman nlang ni Blake na umalis na ito sa kanyang condo unit at kailanman hindi nya na ito muling nakita pa. Logic told him that Larah would react the same way too.
Blake is a legitimate businessman for five years now, pero kung sakali mang matuklasan ni Larah ang tungkol sa kanyang past ay hindi na mahalaga yon.
Nang makita nya ulit si Larah sa fiesta ng bayan. Tiningnan muna nya ng mabuti ang dalaga bago pa ito lumapit sa kanya. Nag babakasakali kasi ito na merong syang kasama.
Hindi kasi nya inaasahan na ang isang magandang babae na katulad ni Larah ay nag iisa lang tong nagbabakasyon sa isla,akala kasi nya nong una na isa to sa mga honeymooners dito sa isla o di kaya may boyfriend itong kasamang nagbabakasyon. Pero habang minamanmanan nya itong nakaupo sa kabilang mesa wla talaga itong dumating na kasama kaya don nya naisipan na bigyan ito ng maiinom.
Pero ang lalong hindi nya inaasahan ay ang pagpayag ni Larah na maisayaw sya kasi he did‘nt expect her to accept his invitation. Makikita kasi nya sa mukha ng dalaga na nahihiya ito pero hindi man lang ito tumanggi sa kanya.
Pumayag din si Larah na sabay sila mag breakfast kinaumagahan. Kaya ng umaga na yon ay papunta na sana sya ng hotel ng mabalitaan nya ang naganap na kagulohan doon. Hindi sya nagdadalawang isip na pumunta doon dahil kailangan nyang iligtas si Larah dahil nanganganib ang buhay nito. Nang malapit na syang makarating sa hotel ay bigla syang nakarinig ng isang malakas na pagsabog at nakita nya ang grupo ng armadong kalalakihan na mukhang mga terorista na pumapasok sa hotel. Kinakabahan sya dahil alam na nya ang maaring mangyari at naiisip din nya si Larah na nasa loob pa ng hotel,kaya humanap agad sya ng paraan na makapasok sa hotel na hindi sya makikita ng mga terorista. Dumaan sya sa isang fire exit para maka akyat sa 5th floor kung san nandoon ang kwarto ni Larah. Nang nasa 5th floor na sya nakita nyang walang tao ang hallway kaya agad nyang hinanap ang kwarto ng dalaga basi sa binigay nitong room number nya kagabi.
Hindi nya alam kung bakit nya to ginagawa basta ang tanging nasa isip nya ay ang makalabas ng hotel na ligtas kasama si Larah.
(End of Flashback)
Gising na si Blake pero hindi pa rin ito makapaniwala na sumama nga sa kanya ang dalaga at magkatabi pa silang natutulog kagabi,she was too trusting for her own good, at yon lang ang naisip nya habang pinagmamasdan pa rin nito ang natutulog na dalaga.
Umiwas na sya sa ka tititig ni Larah dahil baka hindi na nya mapigilan ang kanyang sarili at magalaw pa nya ito, pinag katiwalaan pa naman sya ng dalaga.
Maingat na bumabangon si Blake at nag stretched agad ito.
Mga ilang taon din ang nakalipas ng naranasan nyang matulog sa ground at ngayon na nga lang na trenta anyos na sya naranasan nya ulit ito.
Lumakad sya patungo sa bintana at tinanggal nya yong sirang kurtina at dumungaw sya sa bintana. Malamig ang simoy nang hangin kaya napayakap ito sa kanyang sarili at huminga ng malalim.
Nakita ni Blake na nagsimula ng lumiwanag ang araw at narinig na rin nya ang mga huni ng ibon palatandaan ito na malapit na ngang mag umaga at kailangan na nila magtungo doon sa kagubatan bago pa sila sikatan ng araw.
Binalikan nya ang natutulog na dalaga para gisingin ito pero ng muntik nya na itong mahawakan ay nag dadalawang isip ito because touching her right now would not be the smartest thing he do,kaya naisip nya na bulongan nalang ito.
"Larah," bulong nito.
Dumilat ang mga mata ng dalaga pero dahil inaantok pa ito ay pumikit ulit sya.
"Larah," bulong nito ulit sa kanya,pero this time nilakasan na nya yong boses nya.
"wake up, honey" sa wakas ay nagising na rin si Larah pero nakita nya sa mukha nito ang pagkalito.
"Blake?" paniguradong tanong nya kung si Blake nga ito.
Pagkagising ni Larah ay nagbalik ulit lahat ng alaala nya sa nakaraang araw. Biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso kaya nababahala na tuloy sya.
"what's wrong?nakita na ba nila tayo?" worried na tanong ni Larah.
"Take it easy, honey.Ligtas tayo sa ngayon" Panigurado ni Blake sa kanya."Maya-maya lang ay lumiwanag na kaya kailangan na natin umalis."
Napansin ni Blake na namamanhid pa ang mga paa ni Larah ng sinubukan nyang tumayo,pro wala silang choice kailangan na nilang umalis bago pa sumikat ang araw.
Kumuha si Larah ng wet tissue mula sa kanyang bag at ipinahid nya to sa kanyang mukha,pagkatapos lumagok sya ng tubig mula sa water container at gina gargle nya ito, yon nlang muna dahil gusto sana nya mag toothbrush kaso konti nalang ang dala nilang tubig.
Ilang minuto nalang at nakahanda na silang umalis. Kumakain pa kasi sila sa natitirang tsokolate na dala ni Larah.
"saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ng dalaga habang sumusubo sa pinakahuling bar ng tsokolate sa kanyang kamay.
"Patungong kanluran" ang sagot ni Blake sa kanya." come on, kailangan na natin umalis".
Lumiwanag na ng makalabas sila sa building. Nag-aalala na si Blake na baka pakalat kalat na ngayon sa daan ang mga terorista pero naisip din nya na masyado pang maaga para mag hasik na naman sila, atleast din ngayon medyo lumiwanag na at makikita na nila ang daan patungo sa kagubatan.
Mabilis na naglalakad si Blake habang sumusunod naman sa kanya si Larah. Sa palagay nya maabotan pa sila ng dalawang araw bago pa sila makarating sa tinitirahan ng kanyang mga kaibigan.
Nag-aala din si Blake para sa mga kaibigan nya dahil baka matuklasan din ng mga terorista ang pamamahay nila at dakpin sila kung saka-sakali lang. Pero alam nyang kaya ng mga ito ang kanilang mga sarili dahil alam nya na tough guy ang mga yon, at ayaw na din nyang isipin kung ano ang maghihintay sa kanila sa hinaharap.
-------0--------
Larah's POV
Hindi talaga inaasahan ni Larah ang mga nangyari sa kanya ngayon. Sa unang araw pa lang nya ng makarating sya sa isla ay nabighani kaagad sya sa tanawin nito dahil pra sa kanya isa tong paraiso at plano pa naman nya magbabad sa araw buong maghapon. Pero ngayon naglalakbay sya kasama si Blake Cruz sa mainit na kagubatan at kailanman hindi pa nya naranasan ang ganyan ka miserable na buhay.
Dahil sa matinding init ay pinapawisan na ng sobra si Larah at hingal na hingal na rin ito sa kakalakad, gusto na nyang sabihin kay Blake na huminto muna sila para maka pagpahinga. pero nanumbalik na naman sa isip nya na kung di dahil kay Blake ay malamang hostage na sya ng mga terorista ngayon gaya ng mga nakikita nyang news sa tv sa mga nagdaang taon. Ayaw na nyang isipin kung ano na ang magiging kapalaran nya.
Dumaan na ang ilang oras sa paglalakad pero wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Pagod at nanghihina na si Larah sa kakalakad nila, nakaramdam na rin sya ng pananakit sa kanyang mga paa.
"Blake?"hingal na hingal na sabi nya.
Napalingon kaagad si Blake at mukhang nabigla pa ito dahil nakalimotan nyang nakasunod pala sa kanya si Larah.
"Pasensya na, pero sa tingin ko hindi ko na kakayin pang magpatuloy sa paglalakad ngayon" sabi ni Larah na ngayon pawis na pawis na.
Linapitan kaagad ni Blake si Larah at nakita nyang pawisan na ito sa mukha at pati damit nya ay pawisan na rin. Nakita ni Blake na hindi na makatayo ang dalaga at naawa sya kaya binuhat na lang nya ito.
Nahihilo na talaga si Larah kaya laki ang pasasalamat nya na binuhat sya ni Blake dahil kung hindi ay nag collapsed na sya.
Weak, stupid. yan ang naramdaman ngayon ni Larah. Sa tingin nya kasi na pabigat lang sya kay Blake at baka nagsisisi na rin ito na isinama pa sya. Hinintay ni Larah na magsalita si Blake pero hindi man lang ito nagsasalita.
Nang makuha nyang tumingin kay Blake nakita nya ang concern at guilt sa mukha nito.
"ok na ba ang pakiramdam mo?” he asked gently.
"yes. I'm so sorry, Blake" she murmured habang nilalayo nya ang kanyang mukha pra hindi ito makita ni Blake ang biglang pag patak ng kanyang mga luha.
"sorry for what,honey?that I'm an idiot?"
Tumingin ulit ang dalaga sa mga mata ni Blake at nakita nya sa mapupugay na mata nito na hindi nga ito galit sa kanya. Huminto muna sila sa paglalakad at nagpasilong sa malaking puno.
"hindi ka siguro sanay sa init at pawis" sabi ni Blake habang hinahaplos ang buhok nito."sana inalam ko muna kung kaya mo bang maglakad ng ganito kalayo at kainit na lugar"
Kinuha ni Blake ang dala nilang water container at niyogyog ito para malaman nya kung meron pa bang natira na maiinom nila. He frowned ng makita nya na konti nalang ito at uminom rin ito ng konti para matirhan nya si Larah. Uminom din si Larah pero mas konti ang ininom nya kaysa kay Blake.
"finish it" sabi nya kay Larah habang sinusubo nito ang water container sa bibig nya.
"pero mauubosan na tayo ng tubig" she objected.
"sa palagay ko, alam ko kung san ako kukuha ng rainwater na safe inomin. sige na Larah inomin muna yan because you need it. Kaya ka nanghihina ngayon dahil dehydrated ka."
"but that's not fair,Blake. Maghati nalang tayo, pero ikaw ang unang uminom."
Binalik ni Larah ang water container kay Blake pero nagmamatigas pa rin ang binata,di nya to tinanggap.
"you'll do as you're told" ma awtoridad na sabi ng binata. "now drink it."
Wla na syang oras na maki pagtalo pa kay Blake,sabi ni Larah sa kanyang sarili,dahil hinang-hina na ito kaya gagawin nlang nya kung ano ang sinasabi nito. Kinuha ni Blake yong water container at isinubo kay Larah ang tubig hanggang sa pinakahuling patak nito.
"I‘m going to go look for that water" sabi ni Blake habang kinukuha nya yong water container. "Dito ka lang at wag kang mag ingay and you‘ll be fine..babalikan nalang kita" huling sabi ni Blake at umalis na kaagad ito.
*****