Matapos maganap ang wedding reception nina Blake at Larah ay nagpaalam na ang mga ito sa kanyang pamilya na tutungo na sila sa Tagaytay. It was eternity bago pa namalayan ni Blake na lulan na pala sila ng kanyang kotse patungo sa hotel na tutuloyan nila sa Tagaytay. Ngayon na sila nalang dalawa ni Larah ay bumalot sa kanila ang katahimikan,and he could not think of anything to say. Kaya kinuha nalang nya ang isang kamay ni Larah at hinalikan ito. Hindi nya pa kasi lubos maisip na ang moody at ang maganda na si Larah ay asawa na nya ngayon. Magaan sana ang loob ni Blake kung hindi lang nya napansin ang asawa na kanina pang walang imik,kaya naisip nyang basagin ang kanilang katahimikan. "At last natapos na rin ang seremonya" komento ni Blake at napatingin ito kay Larah. "Ok ka lang ba ho

