Tirik na ang araw ng gumising si Larah. Agad naman syang bumangon para maipaghanda nya si Blake ng agahan. Papunta na sana sya sa kusina ng marinig nya ang katok mula sa kanilang pintuan. Nag aalinlangan naman syang pagbuksan iyon dahil bigla nalang syang kinabahan. Pero naisip din nya na baka customer lang yon ni Blake at baka masyado lang syang naging paranoid lalo na kagabi. Binuksan na ni Larah ang pintuan at bumungad sa kanya ang isang di kilalang maangas na lalaki na lalong nagpatakot sa kanya. May mga kasamahan din itong nakaabang sa kanya sa di kalayuan. Hindi mapagkatiwalaan ang mga itsura nito at parang hindi rin maganda ang kutob nya sa mga rito. Napansin kaagad nya na parang may hinahanap ang lalaki sa loob ng bahay nila at agad din nyang naisip na baka si Blake nga ang hinaha

