Pagod na pagod na si Larah sa mga oras na yon habang hinihintay nya si Blake sa main entrance ng mall. Kanina ng namili sya,she had half expected him to insist on paying for the baby's things,pero mabuti nalang at sinunod nito ang kahilingan nya na sya na ang magbabayad sa mga pinamili nya. Tiningnan ulit ni Larah yong relo nya,kanina pa kasi nyang tinitext si Blake pero hanggang ngayon hindi pa rin ito dumadating, mag tre-trenta minutos na syang nka antay sa main entrance ng mall. Bakit kaya sya natagalan? takang tanong nito sa sarili. She rolled her shoulders,trying to ease the pressure that the weight of the baby was putting on her back. Bigla namang lumitaw si Blake sa likuran nya,as silent and graceful as a jungle cat. Nagulat naman si Larah ng bigla nitong hinawakan ang magkabilan

