"Oh My Gosh"
"Di ko na kaya mag-aral dito nakakatakot na"
"Lumipat na lang tayo nang school"
Isa lang yan sa mga naririnig ko sa nagkukumpulang mga babae lumapit na lang din ako rito at nakita ko ang isang babae na nakahandusay dito sa gitna nang stage.
Lupaypay ang katawan nya at andaming saksak sa banda ng kaniyang tiyan.
Walang makalapit at lahat ay nasa pag-iisip pa rin.
Patuloy na ang pag dami ng mga studyanteng nagpapakamatay sa di malamang dahilan.
"What the-". Gulat na saad ni Jane at nagtakip pa nang bibig dahil sa kanyang nasaksihan.
"Yak!" Saad naman ni Zoey at muntik pang masuka, Mabuti na lamang at napigil nya. Hinimas Himas naman ni Jane ang likuran nya para pakalmahin ito.
"Lumipat na lang tayo nang school natatakot na ako dito." Mangiyak-ngiyak na saad ni Jane
"Yuna..." Sabi ni Zoey at tuluyan na ngang nagsipatakan ang mga luha nya. "Natatakot na ako." Hindi ko sya masisisi sya ang pinaka matatakutin sa amin.
Hindi naman dapat kaawaan ang kalagayan nang babaeng yan dahil kung ipagkukumpara sila sa sinapit nyan sa sinapit ng kapatid ko ay mas malala talaga ang sa kapatid ko. Mas malala pa nangyari sa kapatid ko dyan eh. Mas dapat kaawaan ang sinapit nang kapatid ko.
"Jane, Umiiyak ka rin?" Tanong ni Jeanne kay Jane na ngayon ay nakatakip na ang dalawang kamay sa kanyang mukha.
"Hindi ah..." Tugon nito sabay punas sa kanyang mata at papikit pikit. "Napuwingan lang ako noh." Tumawa pa sya ng kaonti para ipakita sa amin na hindi sya umiiyak.
Naginhawaan naman si Jeanne sa kanyang narinig at bumuntong hininga, Samantalang ako ay patuloy lang na hindi umiimik at patuloy din sa pag susuri sa reaksyon ni Jane.
Sa nababasa ko sa kinikilos nya. Pansin ko na malungkot ang mga mata nya at hindi rin kaaya-ayang tignan ang ipinapakitang reaksyon ng mukha nya.
Maloloko nya si Jeanne na ayos lang sya pero ibahin nya ako. Mahilig lang akong tumahimik pero inoobserbahan ko na ang mga taong nasa paligid ko.
"Kung hindi lang dahil kay Daddy, Baka matagal na akong nag-empake at umalis na dito" Dagdag ni Jeanne.
Wala pa akong balak umalis dito hanggang hindi ko pa nalalaman ang dahilan nang pagkamatay ng aking kapatid.
"Andiyan na si Khane"
"Jairro."
"Si Dwifeee"
"Omg si Papa Clarkkkk"
"Omg andito na silaaaa!!!"
Isang malakasang sigaw nanaman ang narinig namin dahilan para mapalingon kami sa pinanggalingan nito.
Nagsitakbuhan ang mga babaeng nagkukumpulan kanina nang papunta na dito ang anim na lalaking sikat na sikat dito sa Campus.
Lumapit sila sa babaeng nakahandusay sinuri pa nang limang lalaki ang katawan nang babae kung ano nga ba talaga ang nangyari dito.
Pero habang sinusuri nila ito ay nadapo ang tingin ko kay Khane na seryosong nanonood sa ginagawa nang kaibigan nya at di sya makalapit.
Takot nga pala sya sa mga babae, Nalaman ko yan sa mga babaeng maiingay sa Room. Bakit kaya?
"Suicide or Murder?" Tnong nung lalaking nakasalamin... Si Dwife.
"Sa palagay ko Suicide." Sagot naman nung lalaking mahilig tumawa.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong nung lalaking wala namang ginawa kundi manood lang.
"Bro, Ilang studyante na rin ang nagpapakamatay dito. Sa harap pa mismo nang maraming tao tapos tatanungin mo pa kung suicide oh murder, Malamang suicide...SUICIDE!" Pilosopong sagot nung lalaking sa pagkakaalam ko ay si Icel.
Nabaling naman ang tingin ng isang lalaki sa amin nila Jane.
"Anong Tinitingin-tingin nyo diyan?" Walang ganang pagkakatanong nito sa amin.
Sa anim na sikat na lalaking yan ay iilan lang ang kilala ko. Pero bakit parang ang yabang naman nang mga Asungot natoh!.
Nabaling naman din ang tingin nang lima sa amin nila Zoey.
"Wala lang" Saad ko at sinenyasan ko sila Jane na umalis na kami sa lugar na iyon.
"Psh..." Rinig kong tugon ng isa sa kanila bago kami umalis.
Umalis nalang kami don nang mabilisan at pumasok na sa una naming subject.
Pagkapasok namin dali-dali kaming pumunta sa sarili naming upuan kanina ko pa napapansin na hindi kumikibo tong mga kasama ko. Hinayaan ko na lang dahil alam kung depress sila sa nakita nila.
"Okay Class may ibabalita ako sa inyo..." Tinignan ni Ma'am ang papeles na hawak nya at tsaka ito binasa. "Nais ipabatid nang nagmamay-ari ng University na ito na tuklasin kung ano nga ba ang meron sa sinasabi nilang sumpa. Sinabi rin ng owner ng University na ito na wala syang kaalam-alam sa nangyayari ngayon. Ano nga ba ang mero dito?." Tumigil sya sa pagbabasa at binalingan kaming lahat nang tingin. "Lahat tayo ay inaatasan ng Owner na makikiisa sa pagtuklas na ito. Kung sino man ang makakatuklas aybibigyan nang napakalaking pabuya." Huminto syang muli sa pagbabasa at inayos nang konti ang kanyang salamin.
"Ma'am ano ba ang pabuya?" Tanong ng bida bida naming kaklase.
"30 Billion."
Unti-unting tumahimik ang mga nag-iingay dito sa Room at isa-isa silang nagsisitigan. Meron pang nakabitaw sa hawak hawak nyang papel at meron pang mga napanganga.
Nagsisitalon pa sa tuwa yung iba.
Hindi na ako nagulat sa sinasabing pabuya. As always. Puro pera naman ang pabuyang binibigay.
Pero ang mas nakakagulat ay ang Presyo ng ibibigay, Hindi naman nakakapagtaka na may perang ganyan yung Owner pero hindi ba sya nanghihinayang sa 30 Billion na yan?
"Woahh..."
Manghang-mangha silang lahat at hindi pa rin makapaniwala.
"Jaxon panahon na natin toh para yumaman pa."
"Pwede na nating mabili ang ibang isla."
"Gumaw ang mansyon"
Bulungan nilang lahat.
"Merong isang misteryosong matanda ang pumunta dito kanina at sinabing kailangan daw mahanap ang Pendant. Hindi kami sigurado kung totoo ang sinasabi ng matandang iyon pero dahil sa dami ng mga taong nahuhulaan nya ay hindi na kami nag-dalawang isip na tanungin sya kung anong meron sa Pendant." Misteryosong matanda?. "At sinabi nya na ang Pendant daw na iyon ang magiging gabay. Walang nakakaalam kung ano ang ibig nyang sabihin pero sana ay wag kayong magdalawang isip na sabihin sa Principal kung may nahanap na kayong Pendant." Matapos nyang sabihin yun ay umalis na sya. Nagpahabol pa sya ng sasabihin kanina na hindi na daw muna sya magtuturo dahil aasikasuhin pa daw nya yung studyante nyang nagwawala.
"Gabay?"Nalilitong pagkatanong ng kaklase naming si Maria,Akala mo banal pero hindi.
"Hindi ko maintindihan..." Saad ko na pabulong at dumukdok sa lamesa
Bakit ganto?,Andaming bagay na nangyayari sa buhay ko?
Na parang nangyari na.
May mga pangyayari na bigla ko na lang sasabihin sa sarili ko na parang nangyari na to?
Nagsilabasan na ang iba kong kaklase pero nakudukdok parin ang ulo ko sa lamesa. Nagtagal pa ako sa pagdukdok hanggang sa maisipan kong bumili na lang sa Canteen.
Natapos na ang buong klase namin at ang sakit na nang likod ko. Tsk. Bakit ba naman kasi pinaglaro-laro pa kami ng Letsong Baka. Letchunin ko nagpauso nyan e. Chos.
Nakapunta na rin kami nang mga kaibigan ko sa sari-sarili naming Appartment.
Magkakatabi lang naman kami ng appartment kaya wala akong ikinababahala.
Dahil sa sobrang pagod ay nahiga na lang ako at umidlip.
"Dito ka lang."Isang malambing na boses ang narinig ko sa isang kwarto na pamilyar.
Parang ito yung Room nang kapatid kong namatay.
"Patawad ngunit hindi ko mapauunlakan ang iyong nais."Saad naman nang lalaki at tinanggal ang kamay ng babae na nakapulupot sa bewang nya.
Napakunot naman ang noo ko sa pagsasalita nila. Masyadong makasinaunang panahon ang pagsasalita nila.
"Bakit?" Tanong nung babae at tumingin ng diretso sa mata ng lalaki.
Nagtago ako para hindi nila ako mapansin. Nacucurios pa ako sa may payakap effect nung babaeng yun oh.
"Patawad ngunit may iba na akong mahal, Nagmamakaawa akong tigilan mo na ako" Sumbat ng lalaki at matapang na nakipagtitigan sa babae.
Hindi ko maaninag ang mukha nila.
"Paano mo magagawa yun? Mahal mo ako di'ba?" Pagkasabi nang babae ay sunod-sunod nang nagsipatakan ang luha nya.
"Hindi na kita mahal." Iniwan na nang lalaki ang babae dahilan para mapaluhod ang babae sa sobrang sakit nang nararamdaman nya.
Hindi nya na dapat kasi ipagpilit pa sarili nya sa lalaking yun, Jusko ang dali-daling palitan.
Papaalis na sana ako nang may narinig akong kaluskos sa labas kaya nanatili muna ako sa aking pwesto.
May naramdaman akong kaluskos, Kaya diniin ko ang sarili ko dito samay pader.
"Kamusta. Binibini" Saad nung kararating na babaeng boses malandi.
"Sino ka?" Patuloy pa rin sya sapag-iyak kahit na alam nyang may babaeng pumasok na sa kwartong ito.
"Ako?, Ako lang naman ang bagong mahal nang lalaking iyong minamahal. HAHAHAHAHAH" Mala demonyong tawa nung babaeng kabit nang lalaki.
Nang marinig ito nung babae ay unti-unti syang nag-angat nang tingin. Nanlilisik ang kanyang mga mata.
"HAYOP KA!!!" Akmang lalapitan nya na sana nya yung kabit ng lalaki nang biglang naglabas ito nang kutsilyo.
Napahinto sya at napaatras nang kaunti.
"Alam mo. Masyado ka nang maraming nalalaman sa aking pagkatao,kaya dapat lang na mawala ka na sa sa mundong iyong kinagisnan." Lumapit ito sa babae at itinusok ang talim ng kutsilyo sa leeg.
"M-maawa ka."
"Hindi ka dapat kaawaan."
Hanggang sa na corner nya na ang babae, Napapikit ako nang mata ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
"AHHH!!" Mas lalo kung diniin ang pagpikit nang mata ko nung marinig ko ang sigaw nung babae.
Mga ilang segundo wala na akong naririnig na maingay kaya minulat ko na ang mata ko.
Pero pagkamulat ng mata ko.
Kitang kita ko ang itsura nya na panay saksak karamihan sa bibig. Gantong Ganto din ang nangyari sa kapatid ko.
"WAHHHH!!!" Halos nahirapan na akong huminga dahil salakas nang sigaw ko.
Naninikip ang dibdib ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok. Nakatulala lang akong tinitignan ang bintana.
"Yuna..." Narinig kong kumakatok ang mga kaibigan ko sa labas.
Anong meron sa panaginip na iyon? Bakit ganon din ang nangyari sa aking kapatid. Bakit feeling ko konektado ang nangyaring iyon sa nangyayari ngayon sa University na pipasukan ko.
Tulungan mo sana ako Rose, Tulungan mo ako kapatid ko. Tulungan mo akong lutasin ang problemang naging dahilan nang pagkamatay mo.
Tumingin ako sa kisame, Mahilig akong tumingala. Hobby ko na ito sa twing may problema akk.
Kailangan kong maging matatag kailangan ko tapusin ang lahat kailangan kong malaman ang lahat.
At mas lalo nang kailangan kong malaman ang nakapalibot na misteryoso ditk.
Paano ko malalaman ang nais kong malaman kung sa umpisa pa lamang ay mahina na ako. Hindi ko dapat iniisip na mahina ako.
Malakas ka Yuna.
Malakas ka.
Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang pintuan,Lumingon ako dito at nakita ko sila Jane na hawak ang susi at Halatang nag-aalala para sa kalagayan ko
"Yuna?" May halong pag-aalalang tanong ni Shei.
"Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Keysi. Hinaplos haplos pa nila ang likuran ko para pakalmahin ako.
Tumango ako at tsaka nagsalita. "Si Rose" Nahihirapang pagkasabi ko.
Umalis naman si Jane at pagdating nya ay may dala na syang tubig. Binigay nya sa akin iyon, Pagkainom ko ay hinihilot hilot pa nilang muli ang aking likuran.
"Ano ba kaseng nangyari?" Panimula ni Keysi,Lahat ng atensyon nila ay nasa akin ngayon,Halatang nais nilang malaman ang nangyari.
"Binangungot ka nanaman ba?"
"Oo pero mas malala ang bangungot na to ngayon." Uminom ako muli at tsaka tinuloy ang pagsasalita. "Si Rose namatay sya dahil sa kustilyo di'ba?"
"Oo"
"Yung nasa panaginip ko sinaksak nung malanding babae yung totoong jowa nung lalaki." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pagkwekwento sa kanila.
"Ano namang connect nun sa pagkamatay ni Rose, Yuna?"Tanong ni Zoey.
"Kung paano pinatay nang malanding babaeng yun ang babae, Ganun din ang ginawa ni Rose na pagpatay sa sarili nya."Tugon ko sa tanong ni Zoey at sa pagkakataong ito ay gusto ko na lamang mapag-isa.
Nakita kong napalunok pa nang sariling laway si Jeanne. "Y-yuna, Gabing gabi naman oh wag ka namang manakot." Patingin-tingin pa sya sa paligid.
Siniko naman sya ni Keysi at sinamaan nang tingin.
"Wag ka nang malungkot, Yuna. Andito lang kami." Malambing na pagkasabi ni Shei sabay yakap sa akin.
"Dito muna kami matutulog ah?" Tanong sa akin ni Jane.
Tumango nalang ako at tsaka humiga.
Guminhawa naman ang pakiramdam ko dahil nandiyan sila.
Kaya magkakatabi kaming natulog.
"Iihi lang ako" Saad ko sa kanila at tumango tango na lang sila.
Pano sila makakakapagsalita eh punong puno nang pagkain mga bibig nila.
Pupunta na ako sa rooftop...Magpapahangin.
"NAKAKAINIS! TANGINANG BUHAY MERON AKO!" Rinig ko dito sa hagdan mula sa rooftop,Kilala ko kung kaninong boses to ah.
Pagkaakyat ko nakita ko si Khane na hingal na hingal,Yan sigaw ka kasi nang sigaw.
Alam kong may takot ito sa babae pero try ko ngang lapitan malay mo?mainlove sya sa beauty ko.
Enebey,
"A-ahmm hi." Nahihiya kunya-kunyari na pagkasabi ko.
"Ay palaka." Sigaw nya at napatalon nang makita ako.
Kaya napatawa ako ng konti...Para kasi syang tanga na nakakakita ng multo.
Kawawang lalaki, Paano toh makakapag chix kung takot naman sa babae. Siguro tama sya tangina ang buhay na meron sya. Tangina din nya.
"Lumayo ka!, Lumayo Ka!" Sigaw nya sa akin at pinantataboy sa akin ang kamay nya.
Hindi ako yung kalaban ni Dora para palayuin mo. Swifer wag kang lalapit.
Kayabang yabang neto pag binubully nya yung mga ibang lalaki dito sa campus tapos babae lang takot na. Bat kaya natatakot toh sa babae?
"Alam mo para kang tanga..."Natatawang saad ko rito.
" Hindi ako nakikipagbiruan sayo."Nakayukom ang kamao nya at pinagsasabunutan nya ang kanyang sarili.
Pilit nyang inalalayo sa akin.
Galit agad?
"Ako rin." Ngumisi ako at tsaka sya tinignan nang nakakamatay na tingin.
Alam nyo yon? Yung parang manyak? Ganon.
Tinignan ko ang layo namin sa palagay ko mga 4 meter nalang kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya.
Umandar nanaman kagaguhan ko.
"Ano yang ginagawa mo hah?... wag kang lumapit." Natatakot sya at parang maiiyak narin.
Pag sa lalaki hindi sya takot halos pumatay na nga sya.
Tapos pag sa babae duwag
HAHAHAHA.
Mabuti na lang hindi nya kasama yung Lima nyang asungot dito walang magtatanggol sayo ngayon.
"Alam mo..." Humakbang ang isa kong paa umatras naman sya kaya 4 meter pa rin ang layo namin.
"Kapag sa babae". Hinakbang ko nanaman ang isa kong paa at tuluyan na nga syang na corner
" Wag!" Parang baliw nyang tinakpan ang kanyang tenga kaya napatigil ako.
Ngayon nakahandusay na sya at nagwawala.
Ganto ba talaga sya?
Tumingin sya sa akin at nakita kong umiiyak na sya.
May konting kirot akong naramdaman nung nakita kong umiiyak sya kaya napaatras ako.
"Soryy" Napayuko ako dahil sa kahihiyan,.Sana pala di ko na lang sya nilapitan.
Ngayon umayos sya nang pwesto nya.
Nakaupo sya at ni lock nang dalawang kamay nya ang kanyang tuhod. Pinapanood ko lang ang ginagawa nya
Dinukdok nya ang ulo nya at naririnig ko ang hikbi nya.