CHAPTER 2
KINABUKASAN asa library na naman si Maxxine syempre kasama parin si Friya na kaibigan niya .
nang buklatin nya ang libro ng Twilfth Night ng Shakespeare ay nagulat siya dahil may nakaipit na notes.
Dear Jurane
the secret of true greatness is simplicity
fr. ANONYMOUS
" kanino naman to galing " bulong niya.
patuloy sa paglalakad patungo sa pwesto nila ng kaibigan .
Marami ng natatanggap na love notes or love letter si Maxxine mula sa kong kani- kanino pero ngayon lang niya naappreciate ang natanggap. Nagustuhan niya ang mensahe. pasimple siyang napangiti at tuluyang umupo sa tapat ni Friya.
" oh what's that smile for my dear friend ?" nakataas ang kilay na puna ni Friya.
Habang inaayos ang pagkakaupo sa tapat ni Friya ay binaba ang libro at pinakita ang sulat.
" ngayon . sabihin mo sakin na walang nagbabasa ng librong ito . "
Binasa naman ni friya ang nakasulat at napailing
" siguro magiging compatible kayo ng lalaking sumulat nito pero sino ba naglagay jan ."
" i dont know , i have no idea kong sino "
kibit balikat ni Maxxine.
nasa di kalayuan naman Si Hervie habang nakatakip sa muka ang librong kinuha nya sa shelf. Nakikinig na naman sa usapan ng dalawang babae.
------------------------------------------
Tahimik si Maxxine habang nakaupo sa gilid ng kama ng kanyang ama at pinagmamasdan ang ama na nag aayos ng kanyang neck tie sa harap ng salamin. Mula sa malaking salamin ay kitang kita niya ang lungkot sa mukha ng kanyang anak .
napabuntong hininga ang senador at tumabi sa knyang anak.
" ayokong nakikita kang malungkot anak. Is there any problem tell to daddy what is it. ?"
ngunit hindi kumikibo si Maxxine nakatungo lang ito habang kagat ang pang ibabang labi upang hindi mapaluha .
" Maxxine ? " tawag ni Senador Timothy.
" im waiting for you last night. Nagbabakasakaling maaga kang makakauwi dad But im failed again for waiting you . I always missed you again ang again ." naluluhang wika ni Maxxine sa ama .
" I wanted to talk to you "
napalunok naman si Sen. Timothy
" kakarating mo lang dad pero aalis ka nanaman " malungkot na wika niya.
" Daddy? Halos hindi na tayo nagkikita. Parang di na tayo magkakilala.. Hindi na nagkakausap o kwentuhan manlang. Hindi narin tayo nagkakasabay kumain .Gusto ko ng bumalik sa dati yung dating masaya kasama ka kahit wlaa na si mommy ." tuluyan ng napahagulhul si Maxxine .
niyakap niya ang knyang anak ng mahigpit ng sa ganun ay mabawasan ang lungkot na nararamdaman. Alam niyang kailangan din nito ng aruga niya bilng isang ama .
" Sorry for feeling alone hija. Marami akong kailangang asikasuhin alam mo naman na isa akong senador. nangangailangan ng tulong ng karamihan. Saka may kailangan din akong attendan ngayon "
" Im sorry anak . I- I want to make up for it . Pero kailangan kong umattend ng birthday ni Senate President Eddie Dizon. "
nagtaas ng tingin si Maxxine sa ama .
" Gusto kong sumama dad.. Kahit papano'y gusto ko ring makilala sa mundong kinagagalawan nyo. Gusto kong maramdamang pinapakilala nyo ako bilang anak nyo. Anak ni Senator Timothy Limuel Esguerra " natatawang wika ni Maxxine sa ama.
" pinapakilalang anak ng isang politiko . kinakahiya nyo po ba ako .Pleaase Daddy ? " nagsusumamong mga mata niya pungay dala ng pag iyak.
" of course not , hija hindi kita kinakahiya" nakangiting wika at inabayan ang anak.
" you know that i am proud of you. Hindi ka katulag ng ibang anak ng makapangyarihang tao na pabaya sa pag aaral at puro problema ang binibigay sa magulang. hindi mo lang alam kong gaano kiya pinagyayabang sa kanila . Im just protecting you from danger . Im worry about your safety. Baka mapahamak ka kapag sinasama kita sa mga lakad ko . baka dko mapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo . "
" anjan naman po si kuya andrew at iba nyo pang body guards . Promise mag iingat ako . "
isang ngiti ang naging tugon ni Sen. Esguerra sa anak. Sabay yakap .
" oh daddy i really miss this feeling. Short bonding pero nabawasan ang pangungulila ko sayo . " bulong ni Maxxine sa kanyang ama habang yakap yakap ito. Niyakap naman ng mahigpit ni Sen. Esquerra ang anak .
----------------------------------------
Maingat na bumaba ng hagdan si Hervie, iniiwasang makagawa ng anumang ingay at baka magising ang amang nagpapahinga sa kanyang kwarto na si Eduard Dizon.
Dadalo siya ng Birthday ng kanyang Tito Eddie Dizon sa bahay nito. Alam niyang hindi siya papayagan ng daddy niya. Mahigpit siyang pinagbabawalan ng kanyang ama na huwag lumalapit o sumasama sa knyang tiyuhin dahil napakadelikado ng trabaho ng isang senador lalo na't tatakbong Presidente ang tiyuhin nito. Baka mamaya ay madamay siya sa mga banta ng tiyuhin . Numero uno pa namang galit ang kanyang ama sa mga politiko .
ilang baitang nalang at mapalit na sya sa pinakababa ng bahay nang marinig ang matinig na tikas ng daddy nya.
" Where you going " baritinong boses ni Eduard Dizon.
" im going out with my Friends " tipid niyang sagot.
" Give me the car key's hervie "
" but dad - - "
" i Said give me the car key's "
walang nagawa si hervie nNg agad niyang hinagis ANg susi sa kanyang ama.
" i know where you're going Hervie " Nakatalikod ni sabi ng ama.
" I heard you talking to your tito Eddie , pupunta ka sa birthday niya - - " naudlot ang sasabihin ng kanyang ama ng marinig ang malakas na busina ng motorsiklo ni hervie sa garahe. Dali dali siyang bumaba hagdan upang habulin si hervie . Sadyang mabilis itong magpatakbo kaya hindi naabutan.
" hervie , Hervie come back here HERVIE " malakas n sigaw ng ama ni Hervie.
______________________________________
Hindi malaman ni Hervie kong dapat ba siyang magsaya nang makarating sa bahay ng kanyang tito eddie. Marami ng bisita ang naroon ang mga ito ay kilalang tao. Nang dumating siya ay nagkakainan ang karamihan .
nasa isang bahagi ng isip nya ang daddy niya. Sinuway na naman niya ito. Ngunit kapag naaalala ang kawalang attention nito sa kanya ay mas gusto niyang laging nasa labas ng bahay o kaya ay sa bahay ng kanyang tito. Masyadong abala ang kanyang daddy sa mga negosyo nila. Ang pagkukulang nito ay pinupunan nalng ng pera at materyal na bagay. Buti pa ang tito eddie nya kahit papano ay nabibigyan siya ng oras di kagaya ng knyang ama.
" Hijo , Im happy your here . Pinayagan ka ni Eduard ?"
" HAPPY BIRTHDAY TITO oh heto ang regalo ko . " sabay bigay ng card na may nakasukat na
VOTE FOR EDDIE DIZON FOR PRESIDENT.
Naiiling na napangiti ang senador.
" you always a pleasant come up with pleasant surprise "
" hijo bat malungkot ka "
" Sa totoo lang tito hindi naman ako pinayagan ni daddy. I came here with my motorcycle "
" dont worry , ipapahatid kita kay Greg mamaya. "
" No uncle , thank you pero i can go home with my own "
----------------------------------------
Maingay ang paligid nagkakasiyahan ang ilang bisita. Nagkukuwetuhan ang ilang nasa politiko .
Pagkatapos ipakilala ni Sen. Esguerra si Maxxine sa mga kaibigan nito ay mag isa na siya sa mesang nasa sulok .Kukunte lng ang bisitang kaseng edad nya . wla siyang kakilala kaya naman mag isa siyang nakaupo habang umiinom ng juice at kumakain ng cake.
Minabuti niyang tumayo at pumasok sa loob ng mansyon ni Senate President Dizon.Sa may garden kasi ginanao nag bithday nito . Nang makapasok na siya sa loob ay sobrang luwag ng mansyon , tahimik at halos walang tao kundi mga katulong na abala sa mga gawain.
Naupo siya sa mahaba at malambot na sofa , at kinuha ang velvet na throw pillow . Niyakap niya ito habang Nakatingin sa malaking portrait na nakasabit sa dingding. Larawan ito ni Senador Dizon nong kabataan pa nito . pero sumagi sa kanyang isip na parang pamilyar sa kanya ang mukhang iyon na pra bang nakita na nya hindi lng mawari kong saan.
naiinip na si Maxxine kaya minabuti muna niyang kumuha ng libro na nakapatong sa ibabaw ng piano. binuklat nya at nag umpisang magbasa. Habang nakasandal sa kamay ng sofa ay di namalayan na nakatulog na pala siya.
Katulad ni Maxxine nakaramdam ng pagkainip si hervie. Pumasok siya sa loob ng bahay upang umidlip muna saglit . Paakyat na sana siya ng hagdan ng upang umidlip muna sa taas. Napahinto siya ng may napansin na may nakahiga sa sofa. Agad naman niyang nilapitan kong sino ito. nang makalapit na siya ay di mkapaniwlang si Maxxine ito. Ipinikit mulat nya ang mata n baka naghahalucinate lang siya . Kinusot kusot pa nya ang mata at baka siya ay nanaginip lng. Pero hindi Si maxxine nga ito at mahimbing na natutulog.
" what is she doing here " bulong sa sarili .
hindi nakatiis si Hervie at naupo pa sa tapat ng hinihigaan ni Maxxine . Napangiti siya ng pagmasdang mabuti ang mukha ni Maxxine na parang isang anghel na bumaba sa lupa
" shes really beautiful " bulong pa nia sa sarili .
Sumandal si hervie sa kanyang inuupuan na sofa at pinagmasdan ang natutulog na dalaga. Habang nakatitig siya sa mukha ni Maxxine ay parang paganda ito ng paganda sa paningin nya. Simpleng party dress na kulay gold ang suot nito at nakaheels na di kataasan.
kumilos ang kamay ni Hervie upang haplusin sana ang mukha ni Maxxine ng biglang kumilos ang dalaga sabay ng pagdilat ng mga mata. Napabalikwas siya ng bangon.
" who are you ". gulat na tanong ni Maxxine
" im Hervie "
sinulyapan naman niya ang portrait ni Senator Dizon bago bumaling sa kaharap na lalaki. Ngayon ay naalala na nya kong saan unang nakita ang mukha na kamuka ng nasa picture. Bahagyang namuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa habang nagtititigan .
una siyang nagbawi ng tingin at agad na tumayo at binalik sa dati ang kinuhang libro at agad ding umalis.
" wait " habol ni Hervie
huminto naman sa paghakbang si Maxxine at nakangiting lumingon.
" what "
" Are you afraid of me? " tanong niya ng makalapit sa babae
" no. Nahihiya lang ako dahil nakatulog ako sa sofa nyo ." hindi makatingin ng tuwid si mAxxine sa kausap
mistesuhin si hervie , matangkad, mabalbon, Matangos ang ilong. Ngayon lamang siya na attract sa isang lalaki .
" actually Pamanking ako ni Senador Dizon. its okay kong nakatulog ka sa dito. If you want samahan pa kita sa guest room para don magpahinga "
naglahing bigla ang ngiti nya . Hindi nya alam kong dapat ba siyang matuwa o magalit sa huling sinabi niya.
" Its not about your thinking Ms."
" Im Maxxine , call me Maxxine."
wala namng intensyon si hervie sa huling sinabi nito.
" thank you , pero baka hinahanap nako ni Daddy. " pilit nyang ngiti bago tuluyang umalis.
" Bye "
Isang kaway lang ang naging tugon ni Hervie. Gusto pa sana niyang pigilan si Maxxine upang makipagkwentuhan ngunit sa pagkakataong anjan ang babae ay hindi nya malaman kong ano ang gagawin.
kapag kaharap na nya si Maxxine ay, kailangan pa niyang mag isip ng magandang sasabihin na ikakatuwa niya. ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng hindi basta basta. sa isang iglap ay naglaho ang mga pambobolang ginagawa sa mga babae.
" sasama kaba sakin Kuya Andrew? "
tanong nya sa bodyguard habang pinaparking ang sasakyan sa parking lot ng unibersidad.
" sa golf course po Maam ? " baling tanong nman ni Andrew sa amo at ngumiti .
" syempre naman po, sino po magbabantay sa inyo don kong hindi ako sasama "
" Kuya Andrew Malaki na po ako "
buntong hininga niya
" kaya ko ring magdrive mag isa kahit wala si Mang Dino ."
tumingin sya sa labas ng bintana ng sasakyan . Paminsan- minsan ay nakakaramdam na siya ng pagkairita sa tuwing may taong bubuntot- buntot sa kanya. Pero alam naman niyang sumusunod lamang ang bodyguard niya sa kanyang ama. Kagustuhan iyon ng knayang ama upang siya ay protektahan. Hindi dapat siya magalit dito dahil sumusunod lamang ito . Matagal ng nasa politika ang daddy niya kaya naman buong buhay nya ay may bodyguard siyang kasama . Hindi pa nya nararanasang maging malaya. Malaya kagaya ng iba na naggawa ang gusto nila.
" Siguro pinagtatawanan nako ng mga kaibigan ko " mahinang sambit nya.
Tahimik na nakikinig si Andrew kay Maxxine
" Pasensya na po maam. Sumusunod lamang po ako sa daddy nyo "
" Alam ko kuya. Hindi naman ako nagagalit sayo. I just want to feel an ordinary person . I want to be an ordinary person once in a while. "
" Anyway forget about what i said."
at tuloy tuloy na siyang bumaba.
" Maam ituring nyo na lng po akong nakakatandang kapatid para po di nyo ma feel na may bodyguard kayong kasa-kasama "
ngumiti naman si Maxxine at tumango. Susunod sana si Andrew ngunit lumingon si Maxxine.
" i can manage kuya "
sabay talikod at dere-deretsong naglakad.
wala namang nagawa si Andrew. Tiningnan na lamang niya ang papalayung pigura ng amo .
-----------------------------------------
" Paalis ka ba " tanong ni Hervie sa kay andrew..
nakasakay sa BMW na puti si Hervie habang tinatanong si Andrew.
" Bakit " tanong naman andrew..
" paborito ko Kasing parking space jan. And besides puno na ang parking area. "
lumingon lingon naman si Andrew at nakitang puno nga ang parking lot
" oh. kaya nga "
pano kase ay hinintay muna ni Hervie na mapuno ang parking lot upang makausap si Andrew. At syempre maging close at maging kaibigan narin .
" kawawa ka naman. Mamaya pa kase labas ni Maam Maxxine "
" Maxxine Jurane Esguerra ? "
" Ah oo, bakit ?"
" kakilala ko siya , kong okay lang sana sayo baka pwedeng sayo muna ting susi nitong kotse ko para kapag may umalis maipark mo tong kotse ko. "
" bat dka nalang sa kabila pumarada "
" mapapalayo pa ko eh. Malalate narin ako sa first subject ko. "
bumaba siya ng kanyang sasakyan
" okay lang ba ? ".
" o sige, kong may tiwala ka naman sakin . Saka wla naman akong gingawa dito kundi manonood sa youtube. "
" Kong gusto mo mamasyal ka muna gamitin mo tong kotse ko"
takang napatingin naman si andrew.
" Bilib ako sayo . Madali kang magtiwala sa isang tao. ingat ka baka maloko ka."
" alam ko naman kaseng mapagkakatiwalaan ka , ano nga pa lang pangalan mo ?."
" Andrew . " nKangiti nyang saad
inabot nya ang kamay uoang makipagkilala.
" Ako nga pla si Hervie Jay Dizon "
inabot din nya ang kamay at nkipagshakehand.
" Dizon? " gulat na si Andrew
" kaano- ano mo si Senator Dizon ?"
" Tito ko "
tango tangong nakangiti si Andrew.
" sige Andrew . bka magstart na klase ko " nakangiting nagpaalam na si Hervie.
Nakangiting sinundan nya ng tingin ang papalayong si Hervie
"mabait rin siya gaya ni Maam Maxxine "
bulong niya sa isipan .
at binalingan ang BMW ni Hervie.
Takbo-lakad naman ang ginawa ni Hervie sa katunayan ay maaga pa siya para sa unang subject niya. May panahon pa siya para silayan si Maxxine
iniiwasan niyang makita siya ng mga kaibigan niya. Tiyak na mapupurnada ang kanyang plano. Papaliko na sana siya sa Law Department ng makalabubong niya ang Campus Queen na si Charlotte Reign Narzabal . Isa sa babaeng iniiwasan niya .
" oh! Hi Hervie " malanding tawag niya kay Hervie. at hinalikan sa pisnge patungo sa labi nya agad namang umiwas si Hervie itinulak nya ito palayo sa kanya.
" Please Reign , Stop "
" Whats wrong with you my dear Hervie " naiiritang tanong ng babae .
hindi naman umimik si Hervie bagkus ay aalis na sya na ay pumulupot sa kanya ang braso ni Charlotte
" Okay okay Fine kain na lng tayo , Treat moko okay. "
iimik pa sana si Hervie upang tumutol ngunit wala na siyang nagawa ng hilahin siya ng babae patungo sa kanilang canteen.
-----------------------------------------
Sa classroom ng Medical Section ay nag uusap ang magkakaibigan. Mejo ilang araw na ding hindi nila nakakasama si Hervie.
" hey dude " bati ni Lexin
" whats up " sagot ni Yuan at Larry sabay appear.
" wheres Hervie ? " tanong ni Lexin
" wala pa siya. " sagot ni Larry na abala sa pagkutingting ng cellphone nya.
" But i saw his car. kaya akala ko andito na siya. " saad ni Lexin
" baka naman abala sa pagpaplano kay Ms Esguerra or baka busy sa pangbobola kong kani- kanino " pabalang na sagot ni Yuan. Sabay tawa ng malakas.
napatawa na rin si Larry habang iiling- iling. Hindi naman na nag tanong pa si Lexin at naupo. Nagbuklat ng notes at baka magkaron nanaman sila ng surprise quiz.
Si Yuan naman ay hindi narin nagkomento bagkus ay tumabi kay Lexin at ginaya ang gingawa ng kaibigan.