(Yvonne POV) "Okay lang ba na dito kita niyaya?" tanong sa akin ni Daniel. Inaya niya akong lumabas. Araw naman ng linggo kaya pinag bigyan ko na rin ang pangungulit nito sa'kin.Pumayag na rin ako sa panliligaw nito. Ngunit sa isang kundisyon. Walang taga sitio taingon,ang dapat na makaalam na nililigawan niya ako. Dahil kapag nalaman iyon ng mga kabaranggay ko,pihado na pag uusapan kami. At iyon ang ayaw kong mangyari. Tipid akong tumango at ngumiti.Medyo nakakaramdam parin ako ng pagkailang kapag kami lang ni Daniel ang mag kasama. Hindi parin ako makapaniwala na ang magaling at kilalang doctor dito sa probinsya namin,ay todo panunuyo at nanliligaw ngayon sa akin. Minsan ay napapatanong ako,hindi lang sa sarili ko,maging sa kanya,na kung bakit ako ang nagustuhan niya. Kung bakit ang

