(YVONNE'S POV) Dahil sa pag kabigla ay hindi ko agad magawang kumilos. Ni hindi ko alam kung tutugon ba ako sa halik na ginagawa ni Daniel.Banayad at may pag iingat ang halik nito. At sa bawat pag halik nito sa labi ko ay napapa pikit ako dala ng kakaibang init na nararamdam ko. Ngunit agad ko siyang inawat sa ginagawa pag halik ng makita kong may paparating at dadaan na tao sa tapat namin. "M-may tao. Baka makita niya ginagawa mo." halos natataranta at nahihiyang kong sambit kay Daniel. Agad naman nito itinigil ang ginagawa at natatawang tumingin sa akin. "Don't worry babe,tented ang salamin ng sasakyan ko. Kaya hindi tayo kita." pilyong sambit nito sabay kindat sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa hindi inaasahan kong magiging sagot nito. Akmang pag halik na naman ang gagawin niy

