Jezer Nagsedisyon kami ni Kuya Kosovar na huwag munang magpakita sa isa't isa lalo na't bantay sarado kami ni Tito Seker. Halata nang may alam siya tungkol sa amin ni Kuya. Mabuti na nga lang ay may pasok ngayon. Nakapag-usap na kami ni Tito tungkol sa pagpapagamot ko sa ibang bansa. Hindi ko na siguro matatapos ang pag-aaral sa highschool dahil sa next week na ang schedule ng alis ko. Kasama ko ang doktor ko, na magulang ni Pheo. Oh god, I should really talk to him. Susunod si Mommy sa amin pagkatapos ng kasal nila ni Tito, nakakalungkot lang dahil hindi ako makakadalo sa kasal nila. But for now, I'm happy to be able to see and be with Kuya. I'm really excited to see him, the big smile on my face just proves it. Balak kong sabihin sa kaniya ang totoo, naghahanap lang talaga ako ng t

