Jezer Nagising ako ng wala si Kuya Kosovar sa tabi ko, nilibot ko ang buong bahay para hanapin siya ngunit wala siya sa lahat ng sulok. Bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya. Baka umiiwas lang siya na mahuli kami ni Tito kaya wala akong magagawa dahil iyon din naman ang gusto kong iwasan. Nasa sala sila Mommy at Tito, nakasandal si Mommy sa balikat ni Tito habang komportable silang nakaupo sa sofa. Mas lalo pa akong nalungkot nang maisipang hindi ako magiging saksi ng kanilang kasal. Ano kayang itsura ni Mommy sa kasal niya? Wala akong ideya dahil kahit kasal ni Mommy at ni Daddy ay hindi ko rin nasaksihan. I wonder what Dad looks like in his and Mom's wedding? How did they met and what's their love story? Bakit ngayon pa ako naging curious sa love story ng mga magulang ko? Nilapitan

